Mariing kinondena ng Philippine National Police (PNP) Aurora Provincial Office ang mga alegasyong may foul play sa pagkamatay nina Rene Baterbonia, 19, at Divine Adili, 21.
Sina Rene at Divine ang dalawang miyembro ng Ateneo Blue Eagles na sumakabilang-buhay noong Lunes, June 8, 2026, matapos malunod habang isinasagawa ang team-building activity ng kanilang koponan sa isang beach resort sa Brgy. Ipil, Dipaculao, Aurora.


Ayon sa Ateneo de Manila University (ADMU) at sa paunang imbestigasyon ng Police Regional Office 3 (PRO-3), naliligo umano ang dalawa nang tangayin sila ng malakas na agos patungo sa mas malalim na bahagi ng dagat, na naging sanhi ng kanilang pagkalunod.
Read: Police release initial findings in two Ateneo players' drowning
PNP Aurora says no foul play in deaths of Baterbonia, Adili
Nitong Martes ng hapon, June 9, nagsagawa ng press conference ang Aurora Police Provincial Office sa pangunguna ni Police Colonel Percival R. Pineda.
Itinanggi ni Pineda ang lumalabas na espekulasyong may foul play sa pagkamatay nina Rene at Divine.
Aksidente raw ang pagkalunod ng dalawa sa kalagitnaan ng kanilang team-building activity.
Lumalabas ding hindi lang sina Rene at Divine ang nalunod.
Apat daw silang lahat, pero nasagip ang dalawa.
Read: Dennis Padilla accepts daughters' decision to remove his surname
Pahayag ni Pineda: “Natural accident po talaga ang nangyari, at sa ngayon, wala po tayong nakikitang foul play.
"Based po sa ating nakuhang salaysay, itong insidente na ito ay talagang purely accident.
"Based din po sa salaysay ng ating mga nakausap, mayroon po silang activity na kung saan lumakad po ang mga players sa tabing-dagat.
"Nasa hanggang hita po ang lalim ng tubig, at bigla na lang po silang napunta sa malalim na parte.
"Yung parte po ng nilalakaran nila ay may malalim na bahagi, at doon nga po, bigla silang tinangay ng current papunta sa mas malalim na bahagi ng dagat."
Read: Vico Sotto hopes Discaya arrest leads to more imprisonments
Agad daw rumesponde ang ilang kasamahan sa koponan, maging ang life guard sa beach.
Dinala raw sina Rene at Divine sa Aurora Memorial Hospital ngunit idineklara na silang dead on arrival.
"May mga kasama po sila na tumulong, at meron din pong lifeguard, pero sa kasamaang palad, nasawi nga po yung dalawang players natin," pahayag ni Pineda.
Dagdag pa niya, madalas mag-team building ang koponan sa resort kaya pamilyar na umano sila sa lugar.
Ani Pineda, "May mga series na pong activity itong grupo na ito. Ibig sabihin po, hindi lang po ito ngayon lang.
"Noong nakaraang taon po ay may mga activity na sila sa nasabing resort, kaya sa tingin natin ay alam nila yung sitwasyon sa lugar na yon kaya patuloy nilang ginagawa yung usual na activities nila."
Pineda urges public to refrain from sharing unverified nformation
Sa huli, nanawagan si Pineda sa publiko na maging maingat at mapanuri sa mga impormasyong kanilang pinaniniwalaan at ibinabahagi sa social media.
Pahayag niya: "Iwasan na po natin yung kung anu-anong pinapakalat na impormasyon. Baka po mali ito.
"Bilang tulong na rin po sa pagdadalamhati ng pamilya, iwasan na po natin ito para po sa kanilang katahimikan."
ROVELYN BATERBONIA DEMANDS ANSWERS
Ganunpaman, humihingi ng kasagutan ang ina ni Rene na si Rovelyn Baterbonia kaugnay ng pagkamatay ng kanyang anak.
Sa panayam ni Rovelyn kay Mariz Umali ng GMA News nitong Martes, June 9, "talaga" ang sinagot nito nang tanungin kung naniniwala siyang may foul play sa pagkamatay ni Rene.
Lalo pa't nakitaan umano niya ng mga pasa sa iba't ibang bahagi ng katawan ang labi ng anak.
Bukod pa rito ang umano'y paglalagay ng "twenty kilos na bigat" sa paa ni Rene noong pinalusong ito sa dagat.
Kumakalat ngayon sa social media ang video clip mula sa panayam, na may petsang Disyembre 2025, sa mga dating miyembro ng Ateneo Blue Eagles na sina Shaun Ildefonso at Anton Asistio.
Ibinahagi rito ng dalawang basketbolista ang mga pinagdaanan nila sa tradisyunal nilang Aurora "bootcamp."
Ayon sa dalawa, mala-military training ang nasabing camp.
May mga pagkakataon daw na pinagpu-push up, pinagdya-jogging, at pinapa-swimming relays sila, na bahagi ng tradisyon ng team upang masubok ang pisikal at mental na kakayahan ng mga manlalaro.
Dahil dito, lumutang online ang iba't ibang espekulasyon hinggil sa intense training nina Rene, Divine, at iba pang basketball players ng Ateneo, na maaaring naging dahilan ng aksidente.
Read: Mother of Rene Baterbonia suspects foul play in son’s death
