Muling naghatid ng kilig sina Daniel Padilla at Kaila Estrada sa kanilang mga tagahanga.
Ito'y matapos maispatan si Daniel na kabilang sa mga bisita sa 53rd birthday ni John Estrada, ang ama ng nobya niyang si Kaila.
Noong Linggo, June 14, 2026, ibinahagi ni John sa kanyang Instagram account ang mga larawan mula sa kanyang birthday celebration.
Makikitang kumpleto ang apat niyang anak sa dating asawa na si Janice de Belen—sina Inah, Moira, Kaila, at Yuan—gayundin ang anak nila ni Priscilla Meirelles na si Anechka.
Read: Janice de Belen, nag-walkout sa event dahil kay John Estrada?

Kasama rin nina Inah, Moira, at Kaila ang kani-kanilang mga partner.
Naroon ang nobyo ni Inah na si Jake Vargas, ang fiancé ni Moira na si Alfonso Miguel, at si Daniel, na boyfriend ni Kaila

Mababasang caption ni John, "Celebrating life with my tribe [red heart emojis]. Thank you, Lord Jesus."
Read: Priscilla Meirelles reveals she and John Estrada are now divorced
Sa hiwalay na video na ibinahagi ni John sa kanyang Facebook page, makikita ang kanyang mga anak na kinakantahan siya ng "Happy Birthday" habang hawak ni Kaila ang isang cake.
Matapos siyang kantahan, lumapit si Daniel kay John upang batiin, kamayan, at yakapin ito.
"You are loved, man," ani Daniel.
Nakangiting tugon ni John, "I love you, man."
"I love you," sagot naman ni Daniel.

Kaila hard launches PHOTO WITH Daniel
Matagal nang usap-usapan ang espesyal na relasyon nina Daniel at Kaila matapos silang magsama sa action-drama series na Incognito.
Hanggang noong April 26, kasabay ng selebrasyon ng ika-31 kaarawan ni Daniel, ay tuluyan nang isinapubliko ng dalawa ang kanilang relasyon.
Ipinost noon ni Kaila ang litrato nila ni Daniel habang magkayakap.
Bagamat blurred ang kuha, kapansin-pansin ang kanilang sweet na pose habang magkaharap at magkayakap.
Read: Kaila Estrada joins Daniel Padilla’s family at his birthday bash
Nilagyan din niya ito ng kantang "Everything Hallelujah" ni Justin Bieber bilang background music.
Kanta ito ng pasasalamat at pagpupuri sa biyaya ng pag-ibig at pamilya na inialay ni Justin para sa kanyang maybahay na si Hailey Bieber at anak nilang si Jack.
Bukod pa rito, nakunan din ng video si Kaila na tila nag-"I love you" kay Daniel habang sila'y sumasayaw.
Read: Did Kaila Estrada say “I love you” to Daniel Padilla?
Mula noon, mas naging bukas na ang dalawa sa pagbabahagi sa publiko ng kanilang espesyal na ugnayan.
Noong May 30, nagbahagi si Daniel ng carousel of pictures ng mga ganap sa buhay niya.
Read: Daniel Padilla gives rare glimpse of private moment with Kaila
Ang ilan dito ay larawan niya at ni Kaila na magkahiwalay ngunit halatang nasa isang golf course sila.
Read: Daniel Padilla on girlfriend Kaila Estrada: "We just are."
