Umabot sa halos walong taon ang relasyon ng beauty queen-actress na si Bianca Manalo, 39, at ni Senate President Sherwin Gatchalian, 52.
Marami ang umasang mauuwi sa kasalan ang pagmamahalan ng dalawa.
Pero humantong din sa hiwalayan ang longtime relationship ng Bb. Pilipinas-Universe 2009 titleholder at ng Valenzuela lawmaker.
Ano ang nangyari sa kanilang relasyon?
Read: Rene Baterbonia's mother makes emotional plea at son's funeral
BIANCA-SHERWIN: EARLY PART OF THEIR RELATIONSHIP
Unang namataang magkasama sina Bianca at Sherwin noong November 2018.
Pero walang masyadong detalye ukol dito.
Nasundan muli ang public sighting nila noong April 2019, kasunod ng pagkalat ng ilang larawan sa social media ng sinasabing date ang dalawa.
Hunyo 2019, spotted silang magkasama sa Hong Kong.
May netizens na nagpadala ng larawan ng dalawa sa isang blogsite ngunit walang post ang dalawa sa kanilang social media accounts.
Hanggang noong October 10, 2019, nagbahagi si Bianca sa Instagram ng larawan kasama si Sherwin. Halos magkayakap ang dalawa sa larawan.
Iyon ang kauna-unahang pagkakataong nag-post si Bianca ng larawan nila ng mambabatas.
Kuha ang larawan sa 50th birthday celebration ni Chiz Escudero, na noon ay Sorsogon governor, sa The Blue Leaf Cosmopolitan, sa Quezon City.
Dating magkasama sa 17th Congress sina Gatchalian at Escudero, asawa ng aktres na si Heart Evangelista.
Base sa caption ni Bianca sa larawan nila ni Sherwin, tila kinumpirma niyang may namamagitan nga sa kanila: "This thing called love."
Dinagdagan niya ito ng ilang linya sa soundtrack ng pelikulang Grease na "We Go Together."
“We go tegether.. remembered forever.. chang chang changitty chang sha-bop.. that’s the way it should be.. oooh yeah!”

Pero binura rin kaagad ni Bianca ang post.
Read: Did Bianca Manalo confirm relationship with Senator Sherwin Gatchalian?
BIANCA AND SHERWIN CELEBRATE: THE FIRST ANNIVERSARY
November 20, 2019, nag-celebrate ng kanilang unang anibersaryo bilang magkasintahan sina Bianca at Sherwin.
Si Bianca mismo ang nag-post sa Instagram tungkol sa unang anibersaryo nila ng senafor.
Caption niya, “Imagine being loved the way you love.”
Kalakip nito ang larawan nilang nakatalikod habang naglalakad na magkahawak-kamay.

Read: Bianca Manalo, Senator Sherwin Gatchalian celebrate first anniversary as a couple
BIANCA-SHERWIN BEAT COVID, CELEBRATE 2ND ANNIVERSARY
Sa kagsagsagn ng COVID-19 pandemic noong April 2020, nagpositibo sa virus si Sherwin.
Dahil dito, sumailalim siya sa 14-day self-quarantine na ipinatupad ng gobyerno para maiwasan ang hawaan.
Pero, tuloy pa rin siya sa pagtatrabaho.
Kahit nasa bahay, nakikipag-meeting pa rin si Sherwin sa ilang government officials gamit ang online telecommunication app.
Dahil ayaw niyang tumigil sa trabaho, pinayuhan siya noon ni Bianca na maghinay-hinay.
Sa Instagram, nag-post si Bianca ng larawan ng senador habang nasa harap ng laptop at nakikipagpulong.
Caption niya, “To my very hardworking senator, relax; you and your brothers did a great job. #ValenzuelaCity”

Ang tinutukoy ni Bianca na "brothers" ay sina Valenzuela Mayor Rex Gatchalian at Valenzuela Representative Wes Gatchalian.
Sa kasalukuyan, si Rex ang kalihim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at si Wes naman ang mayor ng Valenzuela.
Noong panahong iyon, hindi pa nagkukuwento si Bianca tungkol sa relasyon nila ni Sherwin, kung paano ito nagsimula at kung saan niya sinagot ang senador.
Read: Bianca Manalo to boyfriend Senator Sherwin Gatchalian: "To my very hardworking senator, relax."
November 18, 2020, ipinagdiwang ng dalawa ang kanilang ikalawang anibersaryo.
Sa Instagram, ibinahagi ni Bianca ang larawan nila ng mambabatas na magkayakap.
Nakalagay sa caption, “Happy 2nd Anniversary.”

Kasunod na ibinahagi ni Bianca ang dalawang larawan kung saan hawak-hawak niya ang buslo ng mga pulang rosas.
Caption niya, “Thank you for the flowers, babe.”

Read: Bianca Manalo, Senator Sherwin Gatchalian celebrate second anniversary
BIANCA AND SHERWIN ANSWER QUESTIONS ABOUT WEDDING
Mula noon, kabuntot nang tanong ng media kina Bianca at Sherwin ay kung napag-uusapan na ba nila ang pagpapakasal.
Sa Zoom media conference na dinaluhan ng Cabinet Files noong October 16, 2021, kaugnay ng pagdiriwang ng World Pandesal Day, inusisa ng media si Senator Gatchalian tungkol dito.
Sabi nito: “Napakahirap naman ng tanong na yan. Parang pinawisan ako sa tanong na yan.
“Wala akong maibibigay na definite date. Ang aking pananaw diyan, of course, it’s in God’s time.
“Pag-uusapan namin na mabuti kung ano yung pinakamagandang oras for both of us. This is a mutual decision, so in God’s time.
"Wala akong maibabalita na definite day.”
Read: Sherwin Gatchalian-Bianca Manalo wedding, wala pang definite date
THE CONTROVERSY INVOLVING BIANCA WITH CO-ACTOR ROB GOMEZ
Pumirma si Bianca ng kontrata sa Sparkle GMA Artist Center, ang talent management arm ng GMA-7, noong November 2022.
Ang unang proyekto ni Bianca bilang Kapuso ay ang afternoon drama series na Magandang Dilag.
Kasama niya sa serye noon sna Herlene Budol, Jean Garcia, Eula Valdes, Rob Gomez, at iba pa.
Umere ang Magandang Dilag mula June 26, 2023 hanggang November 10, 2023.

Sa presscon ng programa, nilinaw ni Bianca na hindi pa sila engaged ng boyfriend na si Senator Gatchalian kahit halos limang taon na ang kanilang relasyon noon.
Ayon pa sa aktres, ang dami nang nagtatanong sa kanya kung totoong nag-propose na sa kanya si Sherwin.
Saad niya: "Ang daming nagsasabi, basta wait and see. Kasi nag-a-announce na siya, e. Nag-a-announce na ikakasal na kami this year.
“E, tingnan natin. Basta ako ngayon, parang umaariba pa rin yung career ko with GMA. Parang gusto ko pa rin dito mag-focus.
"Tingnan natin. What will happen, will happen."
Noong panahong iyon, tiniyak ni Bianca na handa na siya kung sakaling yayain na siyang magpakasal ng nobyo.
“Oo naman. Ready na ako, kasi I’m not getting any younger.
"Thirty-seven na ako this year. So, bakit naman… Lord, sige, ibigay mo na Lord, why not?
“Pero siyempre, gusto ko pa rin magpatuloy sa paggawa ng projects."
Handa na rin daw siyang mamuhay nang tahimik sakaling magiging misis na siya.
Pero aniya: “Parang sinabihan niya ako na, I can’t be an actress forever. May paganun na siya.
"So, 'Ha?!' Sabi ko sa kanya, 'Wait lang, ha? Wait lang. Aarangkada pa ako, huwag mo na akong pigilan.'"
Read: Bianca Manalo not engaged to Sen. Gatchalian
BIANCA MANALO GETS LINKED TO ROB GOMEZ
Noong December 19, 2023, pumutok ang isyu kaugnay ng unauthorized post ng screenshots ng private conversations diumano ni Rob Gomez kina Herlene Budol at Bianca Manalo.
Ang nagpakalat daw nito ay ang estranged partner at ina ng anak ni Rob na si Shaila Rebortera.
Sa opisyal na pahayag na ipinadala ni Rob sa Cabinet Files ng PEP noong gabi ng Disyembre 20, 2023, sinabi niyang walang pahintulot na kinuha at ginamit ni Shaila ang kanyang cellphone at nagpanggap ito bilang siya.
Lumikha ng malaking ingay sa showbiz ang mga unauthorized posting nito dahil idinamay pati sina Herlene at Bianca.
Pahayag ni Rob tungkol dito: “Please be advised that my phone was taken and used it without my consent on December 20, 2023 from 12:30 a.m. to 4 p.m.
“Worse is that the person who took my phone posted pictures of mine in my own social media account pretending that I posted it with the intention of destroying my reputation.
“The videos as shown were among my friends and co-stars who was trying to cheer me up when I was going through a lot of hurdles in my life."

Read: Rob Gomez Responds to Unauthorized Posts
BIANCA denies involvement; travels to japan with family
Sa gitna ng usap-usapan sa social media tungkol sa leaked screenshots ng private conversations ni Rob, napagtuunan ng pansin ang pagbiyahe ni Bianca patungong Japan kasama ang pamilya niya noong December 21, 2023.
Tila unbothered aw si Bianca at nagbakasyon pa.
Sa kanyang Instagram Stories, nag-post si Bianca ng larawan kasama ang ina at ilan pang kapamilya habang lulan ng eroplanong sinakyan nila papuntang Tokyo.

Sa screenshots na kumalat, mababasa ang umano'y lihim na pagkikita nina Bianca at Rob kahit parehas silang may karelasyon.
Nobyo noon ni Bianca si Senator Gatchalian, habang si Rob naman ay partner noon ang beauty queen ding si Shaila.
Tinanong ni Bianca si Rob tungkol sa usapan nilang magkita bandang "7am" sa "bgc" bago umalis si Bianca ng "10am."
May kasunod na mensahe si Bianca na "He's not here. He's in Valenzuela."
Nang mag-viral ang screenshot, naging tampok ng espekulasyon sa social media kung nagkikita raw ba nang lihim sina Bianca at Rob.
Nagkataon namang si Sherwin ay kilalang taga-Valenzuela kaya hinala ng netizens ay siya ang tinukoy ni Bianca sa mensahe nito kay Rob.
Kapansin-pansin namang walang reply sa screenshot ng sinasabing message ni Bianca kay Rob, kaya may iba ring nagsasabing tila edited ito para madiin si Bianca.
Kasunod nito ang pag-post ni Bianca sa Instagram ng kanyang denial sa isyu noong December 22.
Wala raw katotohanan ang bintang na may ugnayan sila ni Rob, ayon kay Bianca.
Sinabi rin niyang sinadyang i-edit ang pag-uusap nila ni Rob para mag-iba ang konteksto at mabahiran ito ng malisya.
Mababasa sa post ng aktres: “Let me clear all the false rumors circulating on the internet.
“Rob Gomez and I are friends and co-workers. He was going to bring the Christmas gifts and I wanted to receive them early before I leave for the airport.
“It is upsetting that our conversation were exposed without my consent, which is a breach of privacy and the cause of so much online bashing.
"It is obvious that parts of our conversation were deleted to create malicious insinuations.
“To be honest, this unfounded accusation is hurting me and my loved ones.”
Kalakip nito ang pakiusap ni Bianca na itigil na ang paggawa ng kuwento, maging ang pagpapakalat ng hindi totoo.

Read: Bianca Manalo Breaks Silence on Private Conversation Leak
SENATOR GATCHALIAN "NO COMMENT" ON BIANCA-ROB ISSUE
Kasunod ng denial ni Bianca, "no comment" naman ang sagot ni Senator Sherwin Gatchalian sa isyu.
Sa naganap na Zoom press briefing ng 2024 national budget and the West Philippine Sea, noong December 22, 2023, hiningan ng reaksiyon ng Senate media si Sherwin tungkol sa isyu.
"If you want to comment lang, Sir, doon sa Bianca Manalo issue," tanong ng isang reporter sa senador.
Nakangiti pero maiksing sagot ni Sherwin, "No comment."
Read: Sherwin Gatchalian no comment on Bianca Manalo-Rob Gomez issue
SHERWIN-BIANCA REUNION IN VANCOUVER
Noong December 29, 2023, sa gitna ng mga pumupuna sa relasyon nina Sherwin at Bianca, hindi nagpatinag ang mambabatas dito.
Sa Instagram, nag-post ang senador ng larawan niya kasama si Bianca habang nasa Vancouver, Canada, sila.
Sabi niya sa caption, “Reunited and it feels so good...”
Halaw ang caption niya sa 1978 song ng Peaches and Herbs na "Reunited."
View this post on Instagram
Malinaw na naninindigan ang senador sa kanyang girlfriend kasunod ng pagkakasangkot nito sa isyu ng diumano'y pangangaliwa ni Rob.
Read: Sen. Gatchalian, Bianca Manalo in Vancouver
THE VIRAL SENATE KISs IN JULY 2024
Kinakiligan naman ang viral Senate kiss nina Sherwin at Bianca habang nasa bulwagan ng Senado.
Nangyari ito noong July 30, 2024, habang nagtatalumpati si Secretary of Education Juan Edgardo "Sonny" Angara ng kanyang thank-you speech sa Senate Resolution 1094 nina Senators Loren Legarda at Pia Cayetano.
Ang resolusyon ay nagbibigay-pugay kay Senator Angara sa kanyang "invaluable contributions to the Senate and to the nation as a Senator of the Republic of the Philippines."
Habang siya ay nagtatalumpati, napukaw ang atensiyon ng mga tao sa mga nangyayari sa kanyang likuran.
Bigla kasing yumuko si Senator Gatchalian upang halikan sa labi ang girlfriend na si Bianca, na nakausap sa gallery.

Ni-repost ni Sonny ang ilang larawan sa kanyang Instagram.
Sabi niya, "Madami palang na engganyo sa huling talumpati ko sa Senado — I was told I bring people together."
Komento ni Sherwin, "Hahaha! Bagsak kami sa good manners and right conduct Mr. Secretary. [laughing with tears emoji]
"I didn't see the camera was focused to the back. [laughing with tears emoji]"
Sagot ni Sonny, "Ayos Lang mr chairman! Madami Lang nainggit Sana all daw [laughing with tears emoji]"
Ikinuwento naman ni Bianca ang backstory ng kanyang pagdalo sa Senate session.
Lahad niya sa kanyang Instagram Story: "First time to visit @stgatchalian74 at the Senate floor today.
"They were saying their thank yous and goodbyes to Senator, now our DepEd Secretary @sonnyangara
"I had to leave already, because I have a play to watch at the GSIS theater, which is behind the Senate building. We kissed goodbye.
"We didn’t know we will be seen on the monitor while Secretary Sonny was having his goodbye speech. [emoji] (it’s the last photo) [emoji] iiiiiiiiiiiiiih [emoji]"
Read: Bianca Manalo, Sherwin Gatchalian address viral Senate kiss
THE BREAKUP RUMOR IN 2025
Unang bahagi ng taong 2025, nagsimula nang lumutang ang isyung hiwalay na sina Bianca at Sherwin matapos ang halos walong taong relasyon.
Pero, pilit iniwasang sagutin ni Senator Sherwin ang nasabing isyu nang humarap siya sa "Kapihan sa Senado" noong January 8, 2025.
Sabi lang niya, "Alam niyo naman, hindi ako nagko-comment sa personal life ko."
Pero, mapilit ang media tungkol dito.
Tanong ng isang reporter, "Kung meron daw po kayong kaakap during the holidays."
"Secret!" lamang ang sagot ni Sherwin.
Dagdag niya, "Nagkakasakit na nga ako, e!"
Pangungulit pa ng media: "Sir, so wala kayong kaakap, Sir, kaya nagkakasakit?"
Sabi lang niya: "No comment, no comment."
Read: Senator Sherwin Gatchalian on breakup rumors with Bianca Manalo
the "non-existent" lovelife in 2026
Nakumpirmang break na nga sina Bianca at Sherwin dahil sa naging sagot ng senador sa panayam sa kanya ni Korina Sanchez sa programa nitong On Point noong January 21, 2026.
Pinag-usapan nila ang nangyayaring korapsyon sa DPWH (Department of Public Works and Highways).
Ngunit bago matapos ang panayam, hiniritan siya ng news anchor nang kumustahin ang kanyang buhay pag-ibig.
Diretsang tanong ni Korina kay Gatchalian: "One last question, your love life, how is it?"
Mabilis at seryosong sagot ng mambabatas: "It’s non-existent."
Tila nabigla naman si Korina sa naging sagot sa kanya ni Gatchalian.
Natatawa niyang sabi, "I'm kidding. I didn't think you would even answer."
Wala namang nagawa ang senador kundi makisabay na lang na tumawa kay Korina.
Read: Sherwin Gatchalian admits to having a “non-existent” love life
BIANCA DRAWS FLAK FOR CONGRATULATING EX-BOYFRIEND
Nagkaroon muli ng ingay ang pangalan ng dalawa nitong June 2026, matapos magpaabot ni Bianca ng congratulatory message kay Sherwin nang hirangin itong Senate President.
Naluklok sa puwesto si Gatchalian noong June 17, 2026, matapos magpatawag ng special session ang Palasyo para sa dalawang Kapulungan ng Kongreso.
Ang Senate President ang ikatlo sa pinakamataas na posisyon sa gobyerno, kasunod ng President at Vice-President.
Sa kanyang Instagram account kinagabihan, binati ni Bianca ang ex-boyfriend.
Very proud daw siya sa pagkakaluklok ni Gatchalian bilang Senate President. Kailangan daw ng bansa ngayon ang dating kasintahan.
Buong mensahe ni Bianca: "Will forever be proud of you!!! Well deserved!!!!!! It’s about time! [raising hands emojis] The country needs you! [index finger pointing up emoji]"

Hindi naman ito nagustuhan ng ibang netizens.
Inakusahan nila ang actress-beauty queen na gusto umano nitong makipagbalikan sa senador matapos ang nangyari sa kanilang relasyon.
Read: Bianca Manalo draws flak after congratulating SP Win Gatchalian
Nagpasalamat naman ang Senate President sa lahat ng bumati sa kanya, kasama na si Bianca.
Read: Senator Sherwin Gatchalian reacts to Bianca Manalo’s message
BIANca-SHERWIN REMAIN "VERY GOOD FRIENDS"
Sa isang panayam noong June 22, 2026, sinabi ni Bianca na nananatili silang magkaibigan ni Senator Gatchalian.
In fact, co-parents sila sa tatlo nilang asong sina Purdelle, Paprika, at Pearl.
Sabi ni Bianca: "Because magkaibigan talaga kaming dalawa. We're very good friends.
"We have custody with our three dogs. Yung three dogs namin, para naming mga anak."
Read: Bianca on Senator Gatchalian: "We’re still very good friends."
Samantala, nagtataka naman ang iba dahil hindi pa nagbubura ng kanilang social media posts na magkasama sina Sherwin at Bianca.
May tsansa pa kayang magkakabalikan sila?
