Patuloy na nagluluksa ang naulilang pamilya ng Ateneo Blue Eagles player na si Rene Baterbonia, 18.
Halos isang linggo matapos siyang mailibing, bumisita ang kanyang pamilya sa beach resort sa Dipaculao, Aurora, kung saan siya nalunod at nasawi.
Noong June 24, 2026, inihatid sa kanyang huling hantungan ang 18-anyos na binata sa New Talacogon Municipal Memorial Park sa Talacogon, Agusan del Sur.
Read: Ateneo Blue Eagles player Rene Baterbonia finally laid to rest
Ngayong Miyerkules, July 1, nagtungo ang pamilya ni Rene sa pangunguna ng kanyang mga magulang na sina Rovelyn at Rene Baterbonia Sr., kasama ang nakatatanda niyang kapatid na si Rubeyan — sa lugar kung saan nalunod ang batang atleta noong June 8.
Read: Rene Baterbonia's mother throws emotional plea at son's funeral
Sa mga larawang ibinahagi ng Municipal Information Office-LGU Talacogon sa Facebook, makikita ang pamilya ni Rene na nakatayo sa may dalampasigan.
Nagtirik din sila ng kandila at nag-alay ng mga bulaklak at panalangin para kay Rene.
Kapansin-pansin ang matinding pagdadalamhati ng pamilya sa patuloy nilang pag-alala sa pagkawala ni Rene.

Nagbahagi rin sa Facebook ang nakatatandang kapatid ni Rene na si Rubeyan ng mga larawan mula sa resort kung saan isinagawa ng Ateneo Blue Eagles ang kanilang team-building activity—ang aktibidad na nauwi sa trahedyang kumitil sa buhay ni Rene at ng teammate niyang si Divine Adili, 21.
Read: Divine Adili laid to rest in Nigeria as family bids final goodbye
Mababasa sa caption ni Rubeyan, na nakasulat sa wikang Bisaya: "Bet naa nami, uli na ta."
Kapag isinalin sa Tagalog ang ibig sabihin nito ay, "Bet, nandito na kami. Uwi na tayo.”
"Bet" o "Bobet" ang tawag ng kanyang pamilya at ilang malalapit na kaibigan kay Rene.
CIDG assures Rene's family of its continued pursuit of justice
Ang pagpunta ng pamilya ni Rene sa Aurora ay nangyari matapos nilang makipagpulong sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) nitong Martes, June 30, upang personal na alamin ang estado ng imbestigasyon kaugnay ng pagkamatay nina Rene at Divine.
Read: Rene Baterbonia, Divine Adili deaths not an accident — CIDG
Ayon sa CIDG, dalawa ang layunin ng pribadong pulong nila sa pamilya ni Rene.
Pahayag ni CIDG Director Major General Robert Morico II: "One, to inform them of the result of our investigation because they have the right to know it.
"Second, is to assure them that, in all stages of the prosecution, if this goes to trial, the CIDG will be there to continuously follow up this case.
"Kasi, you know the trial, matagal po yan. Because we have conducted an exhaustive investigation.
"The invitation is also open to other government agencies that are investigating this case, a parallel investigation."
Read: Mother of Rene Baterbonia: "Gusto ko ng justice!"
Samantala, tumanggi nang magkomento ang CIDG hinggil sa rekomendasyon nitong sampahan ng kasong paglabag sa Anti-Hazing Law ang labing-isang indibidwal sa pangunguna ni resigned Ateneo Blue Eagles head coach Tab Baldwin.
Ani Morico, "I will not anymore discuss the merits of the case because the case has already been referred to the Department of Justice (DOJ).
"Nag-iimbestiga na po ang DOJ diyan, and the CIDG will work closely with the prosecutors."
Sa ngayon, nagsasagawa na raw ng sariling evaluation ang DOJ, habang patuloy namang nakikipagtulungan sa kanila ang CIDG sa pamamagitan ng pagsusumite ng mga ebidensiyang nakalap sa kanilang imbestigasyon.
Read: DOJ to review CIDG hazing case vs Tab Baldwin, 10 others
