Inihatid na sa kanyang huling hantungan ang Ateneo Blue Eagles player na si Rene Baterbonia, 18, ngayong Miyerkules ng umaga, June 24, 2026.
Inilibing ang kanyang mga labi sa New Talacogon Municipal Memorial Park (Labnig Memorial Cemetery) sa Talacogon, Agusan del Sur.
Si Rene ang kauna-unahang inilibing sa nasabing bagong sementeryo.
Bago ang kanyang libing, nagsagawa muna ng funeral mass sa Talacogon Municipal Gymnasium.
Dinaluhan ito ng kanyang naulilang pamilya, mga kaibigan, teammates, tagahanga, at mga kababayan upang mag-alay ng dasal at huling pagpupugay sa yumaong atleta.
Read: Ateneo de Davao grants scholarships to Rene Baterbonia's six siblings
Sa mga litratong ibinahagi ng Provincial Government of Agusan del Sur, makikita ang matinding pagdadalamhati ng mga dumalo sa huling misa para kay Rene, sa pangunguna ng mga magulang niyang sina Rene Baterbonia Sr. at Rovelyn Baterbonia.
Napahagulgol sa iyak si Rovelyn sa harap ng kabaong ng yumaong anak.
Read: Mother of Rene Baterbonia: "Gusto ko ng justice!"
RENE'S FINAL MOMENTS WITH LOVED ONES
Matapos ang misa, inihatid na ang mga labi ni Rene sa Labnig Memorial Cemetery.
Dito ay nagsagawa rin ng maikling seremonya at pagkilala ang Provincial Government of Agusan del Sur kay Rene.
Pinagkalooban ng Certificate of Recognition ang kanyang pamilya bilang pagkilala sa karangalang iniuwi ng batang atleta sa kanilang lalawigan.
Bukod pa rito, idineklara rin ng pamahalaang bayan ng Talacogon ang June 8 bilang "Rene Baterbonia Day" sa pamamagitan ng Municipal Resolution No. 430-2026.
Read: Rene Baterbonia’s dream: "Maiahon ko ang pamilya ko sa kahirapan"
Bago mapabilang sa Ateneo Blue Eagles, kilala na si Rene bilang isa sa mahuhusay na batang basketbolista ng bansa.
Naging bahagi siya ng koponan ng Davao Region na nagwagi ng gintong medalya sa basketball sa Palarong Pambansa 2025.
Dahil din sa ipinakitang husay sa torneyo, itinanghal siya bilang Most Valuable Player (MVP).
Read: Rene Baterbonia, Divine Adili deaths not an accident — CIDG
RENE'S DEATH
Sumakabilang buhay si Rene matapos nitong malunod habang isinasagawa ang team-building activity ng Ateneo Blue Eagles sa Dipaculao, Aurora, noong June 8.
Kasamang nalunod at namatay ni Rene ang teammate niyang si Divine Adili.
Read: Ateneo Blue Eagles player Divine Adili's remains flown to Nigeria
