PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Rene Baterbonia's mother makes emotional plea at son's funeral

Rovelyn to Rene: "Salamat sa lahat, anak. Salamat sa kabutihan mo."
by Khryzztine Joy Baylon
Published 6 hours ago
Rene Baterbonia's mother makes emotional plea at son's burial
Rovelyn Baterbonia to late son Rene: "Huwag mo silang patulugin, lahat ng member, anak, huwag mo silang patulugin kapag hindi sila nagsabi ng totoo. Mula sa staff, coach, at players, huwag mong patulugin. Hindi man lang humingi ng tawad."
PHOTO/S: Screengrab on Facebook

Emosyunal na nagpaalam si Rovelyn Baterbonia sa kanyang anak na si Rene Baterbonia bago tuluyang ilibing ang labi ng 18-anyos na binata sa New Talacogon Municipal Memorial Park sa Talacogon, Agusan del Sur, nitong Miyerkules, June 24, 2026.

Si Rene ay isa sa dalawang players ng Ateneo Blue Eagles na nasawi matapos malunod habang isinasagawa ang team-building activity ng koponan sa Dipaculao, Aurora, noong June 8.

Pumanaw rin sa nasabing trahedya ang Nigerian na si Divine Adili, 21.

Read: Ateneo Blue Eagles player Rene Baterbonia finally laid to rest

Sa mga video na kuha ng media at iba pang mga dumalo sa libing ni Rene, makikita ang labis na pagdadalamhati ng kanyang pamilya, lalo na ng kanyang inang si Rovelyn.

Umalingawngaw ang pagtaghoy ni Rovelyn ilang sandali bago tuluyang isara ang kabaong ni Rene upang ilagay sa libingan nito.

Sa wikang Bisaya, emosyonal na pinasalamatan ni Rovelyn ang anak sa lahat ng naitulong at isinakripisyo nito para sa kanilang pamilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Humahagulgol na saad ni Rovelyn sa harap ng kabaong ng kanyang anak (batay sa salin sa Tagalog): "Salamat sa lahat, anak. Salamat sa kabutihan mo.

"Salamat sa lahat ng tulong mo. Salamat sa lahat."

Read: Ateneo de Davao grants scholarships to Rene Baterbonia's six siblings

Nagbilin din si Rovelyn sa anak na tulungan silang makamit ang hustisya sa sinapit nitong pagkamatay.

Read: Mother of Rene Baterbonia: "Gusto ko ng justice!"

Isinama ni Rovelyn sa loob ng kabaong ni Rene ang jersey nito, na mismong ang Ateneo de Manila University (ADMU) ang nagbigay raw sa kanya noong nakaburol pa ang anak sa Arlington Memorial Chapels and Crematory sa Quezon City.

Nakasulat sa jersey ang mga pangalan at mensahe ng mga kapwa player, coach, at staff ng Ateneo Blue Eagles para kay Rene.

Pahayag ni Jovelyn, habang hawak-hawak ang nasabing jersey: "Ito, paghatid sa yo doon, pamamaraan para malaman ko ang katotohanan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kuntento na akong malaman ang katotohanan.

"Nandito ang lahat ng pangalan nila. Huwag mo silang patulugin, lahat ng member, anak, huwag mo silang patulugin kapag hindi sila nagsabi ng totoo.

"Mula sa staff, coach, at players, huwag mong patulugin. Hindi man lang humingi ng tawad."

Rene Baterbonia's mother makes emotional plea at son's burial
Photo/s: Screengrab on Facebook

Read: Rene Baterbonia, Divine Adili deaths not an accident — CIDG

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Diin pa ng naghihinagpis na ina, "Dahil ba mahirap lang tayo, hindi na sila hihingi sa atin ng kapatawaran?

"Tao lang tayo, anak, nasasaktan."

Read: Rene Baterbonia’s dream: "Maiahon ko ang pamilya ko sa kahirapan"

Rovelyn demands a full investigation into the death of Rene

Sa panayam ni Rovelyn sa media noong June 10, inamin niyang nakukulangan pa rin siya sa paliwanag na ibinigay sa kanya Ateneo hinggil sa pagkamatay ng kanyang anak.

Ayon kay Rovelyn, bagamat nakausap na niya ang ilang kinatawan ng Ateneo, marami pa rin siyang tanong na hanggang ngayon ay hindi pa nasasagot.

Ito ay sa kabila ng paulit-ulit umanong pagtiyak ng unibersidad na isang aksidente ang pagkakalunod nina Rene at Divine.

Read: Ateneo Blue Eagles player Divine Adili's remains flown to Nigeria

"May kulang sa explanation nila, pero hinihintay ko na lang muna yung ibang coaches para ma-explain nila sa akin kung ano talaga ang nangyari," ani Rovelyn.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Baterbonia's mother very dissatisfied with Ateneo's explanation

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rovelyn Baterbonia to late son Rene: "Huwag mo silang patulugin, lahat ng member, anak, huwag mo silang patulugin kapag hindi sila nagsabi ng totoo. Mula sa staff, coach, at players, huwag mong patulugin. Hindi man lang humingi ng tawad."
PHOTO/S: Screengrab on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results