PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Rob Sy shuts down "false narrative" thrown at his son

Rob Sy: "Lubayan na nila ang anak ko."
by Khryzztine Joy Baylon
Published 12 hours ago
Rob Sy denies negative narrative surrounding his son amid bullying allegations
Rob Sy (left) urges Alfred Vargas (in white polo shirt) and his wife, Yasmine Espiritu-Vargas (with Alfred), to leave his son out of their dispute: "Kung mayroon po silang nais ireklamo o iparating, sana po ay lalake nila akong harapin, at lubayan na ang isang inosenteng bata. Lubayan na nila ang anak ko."
PHOTO/S: Rob Sy/Alfred Vargas on Facebook

Mariing pinabulaanan ni Rob Sy ang mga ibinabatong akusasyon laban sa kanyang walong taong gulang na anak sa gitna ng legal na usapin sa pagitan nila ni Alfred Vargas at ng misis nitong si Yasmine Espiritu-Vargas.

Sa isang pahayag na inilabas niya sa Facebook nitong Biyernes, July 10, 2026, itinanggi ni Rob ang alegasyong paulit-ulit umanong tinangka ng kanyang anak na lunurin ang anak nina Alfred at Yasmine sa isang swimming event.

Read: Rob Sy strongly denies bullying allegation against his son

Itinanggi rin niya ang paratang na binalewala o hindi nila pinansin ang mga reklamo at hinaing ng mag-asawang Alfred at Yasmine tungkol sa umano'y asal ng kanyang anak.

Mababasa sa post ni Rob (published as is): "Bagamat masama ang panahon, hangad ko po ay kaligtasan ng bawat isa, sabayan ng taimtim na panalangin para tuluyang lumihis at lumisan ang napapabalitang parating na bagyo

"Kasabay na din po sana sa paglisan ang mga negatibong naratibo patungkol sa aking pamilya, lalo na sa aking walong taong gulang na mapagmahal na anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Mariin naming pinasisinungalingan ang mga kamakailang pahayag na tila patama sa amin.

"Ang walang katapusan na mga paratang na diumano’y “nilunod nang paulit-ulit” ang kanilang anak, at ang akusasyong “binalewala, gina-gaslight,” o “idine-dismiss” sila sa bawat pag-reach out-kuno nila sa amin.

"Lahat pong ito ay KASINUNGALINGAN."

Rob cites case dismissal in denying allegations

Giit ni Rob, walang batayan ang mga paratang laban sa kanyang pamilya, lalo na sa kanyang anak.

Ayon sa kanya, pinatutunayan ito ng pagkakabasura ng reklamong isinampa nina Alfred at Yasmine laban sa kanila.

Read: Alfred Vargas's wife files cyber libel vs Rob Sy's partner

Kaugnay ito ng umano'y mga insidente ng pambu-bully ng anak ni Rob at ng partner niyang si Jovelle Bacosa sa anak nina Alfred at Yasmine.

yasmine alfred cyber libel
Alfred Vargas and his wife, Yasmine.
Photo/s: Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Parehong menor de edad ang mga bata.

Binalewala umano nina Rob at Jovelle ang makailang beses na pakiusap nina Alfred at Yasmine na ayusin ang isyu.

Kasunod nito, noong February 2026, naghain ng reklamong paglabag sa Section 10A ng Republic Act No. 7610, o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination

Hindi pinaboran ng Office of the City Prosecutor ng Maynila ang kanilang reklamo.

Sa resolusyong inilabas ng prosecutor noong May 12, 2026, ibinasura ang reklamong inihain nina Alfred at Yasmine laban kina Rob at Jovelle, dahil wala raw itong sapat na basehan.

Read: Child abuse complaint vs Rob Sy and partner junked

Kaugnay nito, sinabi ni Rob na ang pagbasura sa reklamo ay nagpapakita umano na inosente ang kanyang anak.

Office of the Prosecutor of Manila junks child abuse complaint versus Rob Sy and partner Jovelle Bacosa
Rob Sy and his partner Jovelle Bacosa.
Photo/s: Rob Sy Facebok
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Saad niya: "Sa larangan ng katotohanan at sa paglinis ng pilit na pagsira sa aming imahe, nais naming ipabatid sa publiko ang mga sumusunod na katotohanang nagpapabulaan sa mga nasabing maling paratang.

"Kamakailan lang ay naglabas na ng desisyon ang Manila City Prosecutor's Office na nagbabasura sa Motion for Reconsideration para sa kasong isinampa laban sa amin.

"Masusing sinuri ng tatlong (3) Public Prosecutors, kasama ang Chief City Prosecutor ng Manila ang naunang Resolusyon ng dalawang (2) City Prosecutors na nag-dismiss sa kaso, at kanila rin pinagtibay ang nasabing Resolution at madiing tinaggihan ang apela nila.

"All in all, limang (5) taga-usig na po ng City Prosecutors of Manila ang matuturing na nagbabasura sa nasabing kaso, sa kadahilanang walang sapat na batayan, katibayan, at katotohanan ang mga paratang sa amin.

"Ang pagkakabasura ng kaso ay malinaw rin na nagpapakita sa kawalan ng lohika ng akusasyon."

Read: Rob Sy stands by son, denies bullying claims

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinabi rin noon ni Rob na walang katotohanan ang akusasyon tungkol sa diumano'y tangkang paglunod ng kanyang anak sa anak nina Alfred at Yasmine.

Paliwanag niya: "Sa dami ng mga nakabantay sa bata, kasama na photographer, videographer, yaya, at mga magulang na nakapaligid sa tuwing may swimming event, hindi lohikal na may isang walong taong gulang na bata na maglalakas-loob at makakayang 'lunurin' DAW ang kanilang anak nang walang sinumang aawat o magtatanggol o kukuha man lamang ng larawan o ano mang pruweba.

"Ang ganitong senaryo sa gitna ng mahigpit nilang seguridad ay imposibleng mangyari."

Pinasaringan din ni Rob ang opisyal ng gobyerno na ginagamit umano ang kapangyarihan at estado para lamang baluktutin ang katotohanan.

Read: Alfred Vargas to "pursue legal remedies" vs Rob Sy and Jovelle

Lahad niya, "Bilang isang pampublikong opisyal, nawa’y huwag tila gamitin ang posisyon, impluwensya, at kasikatan upang baluktutin ang katotohanan.

"Huwag po nating insultuhin ang talino at pag-iisip ng publiko sa pamamagitan ng mga kuwentong hindi tugma sa realidad na tanging mga trolls lamang ang maniniwala."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Lee Jong Suk, IU confirm breakup after four years together

Rob asks Alfred's camp to spare his son

Hamon pa niya, kung may kuwetiyon ang kabilang panig sa desisyon ng piskal, idaan raw ito sa tamang proseso.

"Kung mayroon po silang nais ireklamo o iparating, sana po ay lalake nila akong harapin, at lubayan na ang isang inosenteng bata.

"Lubayan na nila ang anak ko," sabi niya.

Sa huli, nagpasalamat si Rob sa Diyos, at sa lahat ng tumulong at dumamay sa kanilang umanong pakikipaglaban para sa "katotohanan."

"Muli, isang taos-pusong pasasalamat sa ating Poong Maykapal sa patuloy na pagprotekta at pag-gabay.

"Gayundin sa ating idolong abogado, kay Atty. DJ Jimenez a.k.a. The Pinoy Street Lawyer.

"Sa aming mga kapamilya, kaibigan, at mga kasamahan sa industriya na tahimik ngunit walang pag-aalinlangang sumuporta at patuloy na sumusuporta sa katotohanan.

"Ang inyong mga pagtitiwala at pagmamahal ang nagbibigay-lakas sa amin upang patuloy na ipaglalaban ang tama."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dagdag pa niya, "Naninindigan kami laban sa lahat ng uri ng pambubully, kabilang na ang paggamit ng kapangyarihan at posisyon upang manggipit ng kapwa.

"Ang kasamaan ay may kaparusahan."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rob Sy (left) urges Alfred Vargas (in white polo shirt) and his wife, Yasmine Espiritu-Vargas (with Alfred), to leave his son out of their dispute: "Kung mayroon po silang nais ireklamo o iparating, sana po ay lalake nila akong harapin, at lubayan na ang isang inosenteng bata. Lubayan na nila ang anak ko."
PHOTO/S: Rob Sy/Alfred Vargas on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results