PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Maris Racal spotted with mystery man; is he her new beau?

Airport photos of Maris with rumored boyfriend surface online.
by Khryzztine Joy Baylon
Published 4 hours ago
Maris Racal seen with mystery man, sparks dating rumors
Netizens are speculating that Maris Racal is dating someone new after she was spotted with a mystery man at an airport.
PHOTO/S: Screengrab on Facebook

May bago na bang nagpapasaya sa puso ni Maris Racal?

Ito ngayon ang tanong ng maraming netizens matapos kumalat online ang mga larawang makikitang may kasamang lalaki si Maris sa isang airport at shuttle bus.

Hindi pa tiyak kung saang airport naroon ang dalawa nang makunan sila ng mga larawan.

Read: Rob Sy shuts down "false narrative" thrown at his son

Ngunit sa mga kumakalat na litrato online, makikita ang lalaking kasama ni Maris na nakasuot ng cream na long-sleeved shirt, naka-eyeglasses, at kulot ang buhok.

Maris Racal seen with mystery man, sparks dating rumors
Photo/s: Screengrab on Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi malinaw ang mukha ng mystery man dahil pawang side view ang mga kuhang larawan o kaya ay nakaharap siya kay Maris.

Maris Racal seen with mystery man, sparks dating rumors
Photo/s: Screengrab on Facebook

Ayon sa ilang netizens, tila isang foreigner ang lalaking kasama ng aktres.

Dahil dito, umusbong ang mga espekulasyon tungkol sa tunay na relasyon ng dalawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Ate Gay undergoes non-invasive procedure for new lump on his neck

Ayon pa sa ilan, kapansin-pansin umano sa mga litrato ang pagiging komportable at sweet sa isa't isa ng dalawa.

Sa ngayon, wala pang komento o anumang reaksiyon ang kampo ni Maris tungkol dito.

MARIS' PAST RELATIONSHIP

Mahigit dalawang taon nang single si Maris matapos ang hiwalayan nila ng dating nobyo na si Rico Blanco.

Matatandaang noong July 12, 2024, isinapubliko ni Maris ang naging pagtatapos ng limang taong relasyon nila ni Rico.

Read: Maris Racal confirms breakup with Rico Blanco

Hindi direktang sinabi ni Maris ang dahilan ng kanilang breakup, ngunit may mga binanggit siya tungkol sa mga desisyong gusto niyang tahakin sa buhay.

Bagamat masaya, nagmamahalan, at kuntento naman sila sa isa't isa, dumating daw kasi sa puntong nagbago ang kanyang gusto at prayoridad, bagay na agad niyang sinabi kay Rico.

Read: Rico Blanco collaborates with ex Maris Racal for Sunshine movie

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nang masinsinang makapag-usap, nagdesisyon daw sila ni Rico na tuluyan nang maghiwalay.

Ikinalungkot ito ng maraming netizens, lalo na ang mga tagahanga nina Maris at Rico.

MARIS CHEATING CONTROVERSY

Noong December 2024, muling naging sentro ng usapan si Maris matapos siyang madawit sa hiwalayan ng dating magkasintahang Anthony Jennings at Jamela Villanueva.

Si Anthony ang ka-loveteam noon ni Maris.

Noong December 3, 2024, kasagsagan ng taping at pagpo-promote ng pinagsamahan nilang teleserye na Incognito, naging usap-usapan sa social media ang mga Instagram post ni Jamela.

Read: Maris Racal says Incognito "saved" her

Dito ay inakusahan ni Jamela ang dalawa ng pagkakaroon umano ng lihim na relasyon.

Bilang patunay, naglabas si Jamela ng screenshots ng palitan ng private messages nina Anthony at Maris, kabilang na rito ang ilang maseselang usapan nila.

Read: Anthony, Jamela, Maris: The unfinished tale of a messy breakup

Ito raw ang dahilan kaya nagdesisyon si Jamela na tapusin na ang halos pitong taon nilang relasyon ni Anthony.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dahil dito, pinaratangan sina Maris at Anthony ng cheating habang may kanya-kanya pa silang karelasyon.

Si Anthony kay Jamela at si Maris kay Rico.

Pagdating ng December 6, naglabas ng video ang ABS-CBN ng magkasunod na public apology nina Maris at Anthony.

Read: Maris Racal breaks silence after revelations of Anthony's ex

Dito ay inako ng dalawa ang kanilang pagkakamali at humingi ng tawad sa mga taong nadamay at nasaktan, lalo't higit kay Jamela.

Read: Anthony Jennings apologizes to Maris Racal, Jamela Villanueva

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Netizens are speculating that Maris Racal is dating someone new after she was spotted with a mystery man at an airport.
PHOTO/S: Screengrab on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results