PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Dra. Liza Ong, wife of Doc Willie, diagnosed with breast cancer

Doc Willie Ong: "Sa tulong naman ng Diyos, malalampasan namin ito."
by Khryzztine Joy Baylon
Published 8 hours ago
Dra. Liza Ong diagnosed with breast cancer as Dr. Willie continues sarcoma battle
Dra. Liza Ong (left) has been diagnosed with breast cancer, while her husband, Dr. Willie Ong (right), continues his fight against abdominal cancer. The latter said, "Sabay lang kaming nabigyan ng ganito. Sa tulong naman ng Diyos, malalampasan namin ito."
PHOTO/S: Doc Willie Ong on Facebook

Dobleng dagok ang kinahaharap ngayon ng mag-asawang Dr. Willie at Dra. Liza Ong.

Ito'y matapos ma-diagnose kamakailan na mayroong breast cancer si Dra. Liza, habang patuloy namang nagpapagamot si Doc Willie para sa stage 4 abdominal cancer.

Read: Doc Willie Ong reveals battle with abdominal cancer

Nitong Martes, July 28, 2026, sa pamamagitan ng vlog nila sa YouTube, ibinahagi ng mag-asawa ang panibagong pagsubok na kanilang kinakaharap.

Dra. Liza Ong diagnosed with breast cancer as Dr. Willie continues sarcoma battle
Photo/s: Dr. Willie Ong on YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bungad ni Doc Willie: "May ibabalita po kami sa inyo, medyo malungkot na balita.

"Alam niyo naman ako. Dumaraan sa sarcoma stage 4. Kumalat na kasi.

"So far, sa awa ng Diyos, stable ako—two years na.

"Kaya lang, six weeks ago, mayroon kaming nakuhang balita kay Doc Liza naman.

"Si Doc Liza ay may breast cancer. Hindi pa namin alam ang stage, baka stage 1 or 2."

Read: Dr. Willie Ong withdraws from 2025 senatorial race

Nang malamang mayroong breast cancer si Dra. Liza, agad daw siyang isinailalim sa chemotherapy, bago pa man siya operahan para tanggalin ang kanyang kanang dibdib.

Saad ni Doc Willie: "Twelve sessions ng chemo, nakakaanim na siya, kaya nakita niyo, medyo nakakalbo na.

"And baka one day, matanggal na rin yung buhok niya.

"Ang plano, after 12 weeks of chemo, surgery. So, mastectomy, tatanggalin yung right breast niya.

"Sabay lang kaming nabigyan ng ganito. Sa tulong naman ng Diyos, malalampasan namin ito."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang breast cancer ay isang uri ng kanser na nagsisimula sa mga selula ng suso. Nangyayari ito kapag ang mga selulang ito ay dumami nang hindi normal at maaaring bumuo ng bukol o tumor.

Ayon sa Philippine Cancer Society, ito ang pinakakaraniwang uri ng cancer sa kababaihan sa Pilipinas dahil libu-libong bagong kaso ang naitatala bawat taon.

Gayunman, mas mataas ang tsansa ng paggaling kung maagang natutukoy ang sakit sa pamamagitan ng regular na screening, tulad ng mammogram at breast ultrasound, at agad nasisimulan ang tamang gamutan.

Read: Do air fryers cause cancer? Experts speak up.

Dra. Liza reveals how she found out she has breast cancer

Ikinuwento ni Dra. Liza kung paano niya nadiskubre ang kanyang sakit.

Aniya, halos dalawang dekada na niyang binabantayan ang mga bukol sa kanyang suso sa pamamagitan ng taunang mammogram at breast ultrasound.

Sa mga nakalipas na taon, palaging lumalabas na BI-RADS 2 o benign ang resulta ng kanyang mga pagsusuri, kaya hindi siya nababahala noon.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Saad niya: "Kami po ay may lahi ng breast cancer. So, mayroon po akong mga bukol-bukol sa aking breast na binabantayan ko for the last 20 years.

"Lagi naman, kapag sinabing BI-RADS 2, ibig sabihin benign lang, hindi siya magulo. Kumbaga, kalmado lang yung mga breast cyst na laging nandiyan sa akin.

"Ang maganda lang, every September of the year, hindi ko mini-miss yung mamogram at ultrasound of the breast.

"Yung baseline namin ay nagkaroon kami ng MRI [Magnetic Resonance Imaging] para lang malaman kung ano ba yung baseline noon."

Read: Comedienne Park Mi Sun opens up about breast cancer battle

Gayunman, bago pa man dumating ang nakatakda niyang annual screening, nakaramdam siya ng pananakit sa kanyang kanang dibdib.

Dahil dito, nagpasya siyang magpa-checkup nang mas maaga.

Sa isinagawang ultrasound, nakita ang isang bagong bukol na wala sa kanyang mga naunang pagsusuri.

Pagbabalik-tanaw ni Dra. Liza: "Dalawang September na yung dumaan, okay naman BI-RADS 2.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"But then, masasabi ko pong suwerte kasi binigyan ako ng sign ni God.

"Sabi niya, 'O, ipapa-feel ko sa yo na mayroong pain.' So, hindi ko maipaliwanag pero mayroong pain doon sa breast.

"Kaya sabi ko, 'Ah, sige, iaga ko na, kahit hindi pa September, magpa-ultrasound na ako at mammogram.'

"Wala naman kaming inaasahang makita, but then pagka-ultrasound, parang may kakaiba.

"Biglang may tumubong bukol. Bagong bukol lang siya, kasi dati wala.

"Magaling po yung nagbasa ng ultrasound, nilagay na niya doon na pumunta ka sa surgeon para i-biopsy.

"So, sinabi ko po doon sa aming oncologist. Ni-refer niya ako sa isang breast surgeon.

"Outpatient lang po ang biopsy, doon lang po ginawa sa klinika niya. Siya na rin po yung kumuha ng sample at ipinadala sa laboratoryo.

"Pagbalik, that was six weeks ago, may nakita na.

"May bukol na maliit, so kailangang mag-undergo ng mga blood test.

"So, noong hinistopath, ang sabi nga nila, mayroon daw breast cancer on the right breast."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Brent Manalo opposes proposed Pax Silica project in Tarlac

Matapos ang biopsy at iba pang laboratory tests, kinumpirma ng mga doktor na mayroon siyang triple-negative grade 3 invasive ductal carcinoma sa kanyang kanang dibdib.

"So, pagkatapos ng mga blood test, nalaman na triple-negative grade 3 invasive ductal carcinoma.

"Nag-PET [positron emission tomography] scan po, maganda na nandoon pa lang siya sa lugar ng breast at wala pang kalat.

"Usually kasi, pumupunta siya sa buto, sa lungs, sa brain, and minsan sumasabay sa ovary kung lahi ninyo," dagdag pa ng kilalang doktora.

Dra. Liza says family history may have contributed to her breast cancer

Naniniwala si Dra. Liza na may kaugnayan ang kanyang sakit sa kanilang family history ng breast at ovarian cancer.

Dra. Liza Ong diagnosed with breast cancer
Photo/s: Dra. Liza Ong on Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad niya: "Kasi nga po, lahi namin.

"Nanay ko po, at 40s, mayroon na siya. Nawala nga siya at the age of 50, ganoon kabata.

"Yung sister din niya, ganun din, mayroon din. So, nasa lahi yung breast and ovarian cancer.

"So going back, ako po, natapos ko na yung aking six. Sabi kasi ng doctor ko, 'Labindalawang chemotherapy ang iyong gamutan.'"

Read: Greek heiress survives cancer but dies from insect bite

Sa kasalukuyan, anim na sa kabuuang 12 chemotherapy sessions ang kanyang natatapos.

Bukod pa rito ang apat na immunotherapy treatments na dapat niyang pagdaanan.

Sabi ni Doc Liza: "So, naka-six na po ako. And apat na immunotherapy, kasi po triple-negative nga ako and grade 3 invasive.

"So sa mga triple-negative, ibig sabihin, e, chineck yung estrogen ko, yung hormones, progesterone ko, negative. Kaya triple negative po.

"Ang triple-negative din po ay nagbe-benefit sa immunotherapy. Kaya mayroon po akong apat ding immunotherapy bukod doon sa labindalawang chemotherapy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Then after, tsaka pag-uusapan yung opera."

Pagkatapos ng chemotherapy at immunotherapy, saka pa lamang siya sasailalim sa operasyon.

Ipinaliwanag ni Dra. Liza na pinili ng kanyang doktor na unahin ang chemotherapy upang malaman kung magiging epektibo ang gamot bago alisin ang bukol sa pamamagitan ng operasyon.

Aniya: "Ang sabi kasi ng doctor ko, kapag kasi tinanggal yung bukol...

"Kasi sa malalaking bukol, ayun, tatanggalin agad, e, dahil sa akin, maliit pa lang, ang sabi niya, 'Ihuli na natin para malaman natin kung ikaw ay nagamot ng chemotherapy.

"'Kasi kapag inuna natin yung pagtanggal ng bukol tapos tsaka i-chemotherapy, hindi mo alam kung gumaling ka doon sa ibinigay na chemotherapy.'

"So, ayun po yung sinunod kong payo ng doctor ko—chemotherapy, immunotherapy, tsaka [opera]."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dra. Liza Ong (left) has been diagnosed with breast cancer, while her husband, Dr. Willie Ong (right), continues his fight against abdominal cancer. The latter said, "Sabay lang kaming nabigyan ng ganito. Sa tulong naman ng Diyos, malalampasan namin ito."
PHOTO/S: Doc Willie Ong on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results