Sa unang pagkakataon, inamin ng TV host-comedienne na si Melai Cantiveros na pansamantala silang naghiwalay nila noon ng asawang si Jason Francisco.
Sa video podcast na Hello Outside World noong July 29, 2026, nakapanayam si Melai ng mga host ng programa na sina Bianca Gonzalez at Esnyr Ranollo.
Natanong ang dating Pinoy Big Brother grand winner tungkol sa samahan nila ni Jason, kabilang na kung may mga pagkakataong hindi sila nagkakaunawaan at kung paano nila ito nalutas.

Dito, inamin ni Melai na minsan nang sinubok ang kanilang pagsasama nang maghiwalay sila noon ng halos anim na buwan.
Pahayag niya: "Ito, dito ko lang io-open talaga. Para ma-realize niyo lang na ang relationship talaga ay hindi yung kapag mag-away lang kayo ay breakup na agad, kapag may away kayo ay suko na agad.
"So kami, umabot talaga sa time na naghiwalay talaga kami, pero walang nakakaalam.
"Because nire-respect namin ang isa't isa. Tatay siya ni Mela, nanay ako ni Mela, so hindi kami puwedeng magsiraan kasi we share love for each other.
"So, ayun ang aming usapan."
Read: Melai Cantiveros and Jason Francisco: How their breakup kept them together
Pagbubunyag pa ni Melai, noong mga panahong iyon ay hindi na rin sila nagsasama sa iisang bahay ni Jason.
Nagkikita at nagkakausap lamang daw sila para sa kanilang mga anak na sina Mela, 12, at Stela, 9.
Lahad niya: "Naghiwalay kami. Six months talaga, hindi kami nagsama sa isang bahay.
"Dito ko lang talaga ito sinabi. Six months talaga.
"Talagang na-fall out of love na kami. Yung nasanay ka na lang na wala siya.
"Sinabi ko na, 'Wala na akong feelings sa yo.' Sabi rin niya, 'Wala na rin akong feelings sa yo.'
Read: Melai Cantiveros allows her kids to work under one condition
MELAI AND JASON'S RECONCILIATION
Hanggang isang araw, muling nagkasama sina Melai at Jason at napag-usapan nila ang tungkol sa kanilang relasyon.
Napagdesisyunan daw nilang muling ayusin ang kanilang pagsasama, alang-alang sa kapakanan ng kanilang mga anak.

Saad ni Melai: "Nagkita kami, doon ako na-happy na nag-mature na kami.
"Sabi kasi niya, 'Meron ka na bang karelasyon?' Sabi ko, 'Wala naman.' E, siya wala rin.
"Nag-usap kami niyan sa sinehan kasi kasama namin yung anak namin na nanood ng sine.
"So, sabi niya, 'I-try natin na i-work out kasi kailangan tayo ng anak natin.'
"Wala naman kaming parehas na karelasyon, so bakit hindi namin i-try magsama ulit."
Nang muli silang magsama, doon na rin daw nanumbalik ang pagmamahalan nila sa isa't isa.
"So, nagsama kami ulit. Nakita namin ang rapport, na-in love ulit kami sa isa't isa.
"Hanggang mas naging more kaming na-in love sa isa't isa dahil doon sa pinagdaanan namin at walang nakakaalam doon."
Nang tanungin kung bakit hindi niya noon isinapubliko ang kanilang paghihiwalay, sinabi ni Melai na malaki ang respeto niya sa kanyang asawa at ayaw niyang itong masira sa iba.
Saad niya: "Walang siraan, kasi sobrang respect ko kay Jason sa pagmamahal niya sa mga anak ko.
"Ngayon, sa season ng life ko, mahal ko siya because sobra niyang mahal ang mga anak ko.
"Kung hindi niya mahal ang anak ko, goodbye na kami.
"Ganoon din si Jason. Mahal niya ako dahil nakikita niya na sobrang mahal ko ang mga anak namin."
MELAI: "Ang love nandiyan lang, puwedeng matutunan."
Sa huli, marami raw bagay na napagtanto si Melai mula sa pinagdaanan nila ni Jason.
Pahayag niya: "Ganoon talaga ang relasyon. Hindi yung laging sweet-sweetan.
"Kapag dumaan kayo sa butas [ng karayom] at nalagpasan niyo yon, ayan ang totoo.
"At si Lord lahat yan. We owe it all to God.
"Ang love nandiyan lang, puwedeng matutunan.
"Pero ang respect for each other ay nanatili."
Read: Melai Cantiveros Resolves Marital Issues
Melai and Jason’s Reported 2016 Split Linked to Jealousy
Hindi isinapubliko ni Melai kung kailan ang eksaktong petsa ng sinasabi niyang paghihiwalay nila ni Jason.
Gayunman, noong July 2016, napabalita ang gusot sa pagitan ng mag-asawa matapos mag-post si Jason sa Instagram account ng anak nilang si Mela ng isang open letter.
Sa nasabing open letter, ibinahagi ni Jason ang sinasabing dahilan ng kanilang problema at paghihiwalay.
Ito ay may kaugnayan sa pagseselos niya sa ka-love team ni Melai na si Carlo Aquino sa dating Kapamilya series na We Will Survive.
Walang caption ang mga post maliban sa “To Melason fans.”
MelaSon ang tawag sa fandom na nabuo nina Melai at Jason noong maging housemates sila sa PBB.

Sa unang bahagi ng post, tila ipinahiwatig ni Jason ang kanyang nararamdamang selos sa proyekto noon ni Melai na We Will Survive.
Masaya raw siya noong una dahil magkakaroon ng trabaho ang kanyang asawa, ngunit kinabahan siya nang sabihin ni Melai na magkakaroon ito ng ka-love team sa show.
Ayon naman daw kay Melai, sa pilot week lamang ito, kaya nakampante naman si Jason.
Sa kasunod na post, sinabi ni Jason na nakaramdam siya ng kaba nang mapanood ang isang eksena sa show.
Halos dalawang buwan na raw ang itinatakbo ng istorya bago niya napanood ito, kung saan nabuntis ng karakter ni Carlo si Melai.
Dito na raw nagkaroon ng pagtatalo kina Jason at Melai, at humantong sa panlalamig nila sa isa’t isa.
Sa isa pang bahagi ng open letter, sinabi ni Jason na umabot sa dalawang buwan na sa kabilang kuwarto siya natutulog.
Nakiusap daw sila sa production ng We Will Survive na ibahin na ang istorya upang hindi na sila mag-away pa, ngunit itinuloy pa rin daw ng pamunuan ng show ang pagtatambal kina Melai at Carlo.
Dumating din daw sa puntong parang pinagtatawanan na sila sa set ng kani-kanilang show.
Sa pakiwari ni Jason, hindi sila pinakinggan ng management dahil maliliit lang silang artista.
Sa sumunod na bahagi ng open letter, sinabi ni Jason na tuluyan na nga silang naghiwalay ni Melai.
Read: Melason no more?: Jason Francisco writes open letter about split with Melai Cantiveros
Sinisi rin niya ang production dahil hindi raw pinakinggan ang kanilang naging hiling.
Nasira raw ang kanilang pamilya at mga pangarap dahil sa pagtuloy ng production sa nais nitong mangyari sa karakter ni Melai sa teleserye.
Ikinasal sina Melai at Jason sa Holy Cross Parish sa General Santos City noong December 2013, matapos nilang magkakilala at magsama bilang housemate sa PBB noong 2009.
