Inamin at inako ni Sassa Gurl ang kanyang pagkakamali matapos niyang ilagay si AC Bonifacio sa hindi kumportableng sitwasyon dahil sa biro niya tungkol sa mga Kapuso at Kapamilya.
Magkasama sina Sassa at AC sa Regal Entertainment's upcoming film na Saving Cherry.
Sa grand mediacon ng nasabing pelikula noong August 3, 2026, inihayag ni AC ang kanyang saya at pasasalamat sa mga co-star niyang sina Barbie Forteza, Mikee Quintos, at Mika Salamanca na first time daw niyang nakasama sa isang proyekto.

Ani AC, hindi niya akalain na magiging magaan ang pakikisalamuha niya sa mga ito, lalo na't magkaibang network ang kanilang pinanggalingan.
Saad ni AC, "It's also my first time working with Ate Barbie—actually kayong lahat, kasi I'm always surrounded by Kapamilyas.
"Like, different environment."
Read: Sassa Gurl gets Joao as new leading man after Martin's exit
Hirit naman ng katabi niyang si Sassa Gurl: "Naloka ka sa mga Kapuso, 'no… walang plastikan, 'no?"
Bakas sa mukha at reaksiyon ni AC at iba pang mga kasama nila sa presscon ang pagkabigla sa sinabi ni Sassa.

Kaya naman ang pagdepensa ni AC, "Uy, hoy, wala akong sinasabi."
Dagdag pa niya, "I love my network. To my Star Magic family, I love you."
Read: AC Bonifacio reveals breakup with Harvey Bautista
Binawi naman agad ni Sassa ang kanyang hinirit nang sabihing, "Joke lang po. Banter lang."

Nang matapos ang kantiyawan, sinserong ikinuwento ni AC kung paano siya namangha sa pagiging propesyunal ng kanyang mga co-star, lalo na kay Barbie Forteza.
Pahayag niya: "I learned so much not just from Ate Barbie but from all of them.
"Their work ethic, how professional they are.
"But specifically with Ate Barbie, there was one scene that you will see in the movie na talagang I caught myself just watching her.
"Feeling ko, pinapanood ko na talaga yung movie because I was in awe of how she had prepared for the scene.
"Grabe, she was just free. She allows herself to use her body in any way.
"She never feels awkward. She's just so comfortable, and that's the level I also want to get to.
"But, yeah, it's been incredible working with all these amazing actors and actresses."
Read: Barbie Forteza shocks with "wildest virgin" role in Saving Cherry
Sassa under fire over joke involving AC
Bagamat tila nalihis ni AC ang hirit sa kanya ni Sassa, hindi naman ito pinalampas ng ilan sa kanyang mga tagasuporta.
Sa X, kaliwa't kanang batikos ang natanggap ni Sassa nang tawagin siyang "unprofessional" ng mga netizen.
Tweet ng isang netizen (published as is): "Even if it's a joke or not, but triggering that statement will create more issues.
"You're putting AC on the spot right in front of the other network. I don't like it.
"Tsk, for the record, you're not funny on TV. Just go back to TikTok, maybe we'll actually like you there."
Sabi pa ng isa (published as is), "That was unprofessional. Not because you had a bad experience in one Kapamilya and you never had one yet in a Kapuso we would generalize."
"Nawala na ba ang professionalism sa industry ngayon? Ang hirap makatrabaho ni Sassa kasi mapakitaan mo lang ng wala ka sa mood, baka maipagkalat na agad na masama kang artista.
"Look how uncomfortable the artists are. Let's say tama ka, but you have to be professional," dagdag pa ng isa.
Sassa reacts to backlash; apologizes to AC
Samantala, nitong Miyerkules, August 5, nag-tweet sa X si Sassa para humingi ng tawad sa mga naapektuhan at na-disappoint sa kanyang ginawa.
Aniya, naiintindihan niya kung bakit siya nakatanggap ng batikos at inako ang responsibilidad sa kanyang naging pahayag.
Mababasa sa kanyang post: "Saw all your tweets and messages, kinda deserve ko naman talaga ang mabunot, as a queer person who represents the baklang kanal girlies, I realized na dapat nga naman talaga ilugar ang kakanalan.
"I stand by being real, but hindi excuse ito to be taklesa. Sa nasabi ko, I take accountability for that."
Nagpasalamat din siya sa mga netizen na nag-call out sa kanya.
Aniya, ituturing niya ang insidente bilang isang pagkakataon para matuto at lumago.
Kalakip nito ang paghingi niya ng tawad sa co-star niyang si AC.
Pahayag ni Sassa: "Thank you sa mga nag-call out; another opportunity for me to grow as a new artist in showbiz.
"At syempre to my sister, Ms. AC, sorry ma, for putting you into a very vulnerable situation."
Mabilis namang tinanggap ni AC ang paghingi ng paumanhin ni Sassa nang i-repost niya ang tweet nito, kalakip ang caption na "All love guys!!"
