PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

SB19’s Justin calls out "disrespectful" Filipino airport worker

Justin: "Sa Filipino pa talaga namin mae-experience yung ganon. "
by Khryzztine Joy Baylon
Published 22 hours ago
SB19’s Justin calls out "disrespectful" Filipino airport worker in LA
SB19’s Justin recalls a tense encounter with a Filipino airport worker after arriving in Los Angeles: "Based sa mga past tours naman namin, hindi naman ganoon yung na-experience namin. Pero, like sa Filipino pa talaga namin mae-experience yung ganon. Tapos parang it's very normal sa kanila, tapos kami pa yung mali."
PHOTO/S: SB19 on YouTube

Dismayado ang SB19 member na si Justin de Dios sa naging pakikitungo umano ng isang Filipino airport worker sa kanilang grupo nang makarating sila sa Los Angeles, California.

Sa YouTube vlog ng P-pop powerhouse noong August 23, 2026, ipinasilip ng SB19 ang ilang kaganapan bago sila nagtanghal sa Lollapalooza, isa sa pinakamalaking music festival sa buong mundo, noong July 30 (July 31, Philippine time).

Read: SB19 makes history at Lollapalooza 2026

Sa simula ng vlog, masaya at excited pa ang bawat miyembro habang lumilipad patungong Los Angeles bago sila tumuloy sa Chicago, kung saan gaganapin ang Lollapalooza.

Ngunit ang kanilang excitement ay nabahiran ng lungkot at pagkadismaya nang lumapag na sila sa Los Angeles International Airport (LAX).

Mayroon daw kasi silang nakaengkuwentrong Pilipino roon na inaway at sinigaw-sigawan sila nang tumanggi ang grupo na magpa-picture sa ilang fans na naroon din sa airport.

Read: SB19 is Philippines' newest tourism ambassadors

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong mga oras na iyon ay naghihintay raw sila ng kanilang mga bagahe.

Pinakiusapan umano ng kanilang manager na si Leah Gonzales ang fans na maghintay bago magpa-picture upang maiwasan ang anumang commotion sa airport.

Ang insidente ay ikinuwento agad ng SB19 member na si Justin sa kanilang vlog, habang sila'y naglalakad palabas ng airport.

Pahayag niya: "So what happened is, while we were waiting for our luggage, may mga nakakilala [sa amin].

"Some people, maybe around three. One of them, I think, has the same flight with us.

"Tapos the other two work here; they're all Filipino.

"Siyempre, as manager, si Ate Leah lumapit kasi baka magkagulo or anuman.

"Sinabi niya na 'Hold muna po, bawal po magpa-picture.' As usual, managers.

"Tapos nag-amok si Kuya. Ang daming sinabi. Nagtatrabaho siya dito. Ang lakas ng boses.

"Siyempre po, hello, managers, pipigilan nilang magpa-picture kasi baka mag-cause ng commotion.

"[Si Kuya] bigla niyang pinaparinig sa whole area, ang lakas sabi niya, buti pa raw sina Sir Garry Valenciano [nagpapa-picture].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kami raw, hindi pa kami sikat, hindi na nagpapa-picture.

"Hindi na lang siya kinausap ng manager namin. Hindi siya pinansin kasi wala sa hulog."

SB19’s Justin calls out
Photo/s: SB19 on YouTube

Ipinaliwanag din ni Justin kung bakit kinailangang pigilan muna ng kanilang manager ang mga gustong magpa-picture sa kanila.

"Kasi naman naghihintay lang naman kami ng luggage, lumapit yung mga tao, siyempre anong gagawin ng manager? Siyempre itse-check kung ano nangyayari bakit nilapitan or ano.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Gets naman nila na nagpapa-picture. Siyempre, pipigilan lang kasi hindi yon titigil or baka mag-cause ng commotion. Ma-curious yung ibang tao; magpapa-picture na rin.

"Tapos nagalit. Nagpaparinig siya. Kung anu-ano ang sinasabi, like, it's so disrespectful.

"Maayos naman siyang pinigilan," lahad ni Justin.

SB19’S JUSTIN SHARES MORE DETAILS

Nang makarating sa hotel na kanilang tinutuluyan, ipinagpatuloy ni Justin ang pagkukuwento tungkol sa naging engkuwentro nila sa lalaking nagtatrabaho sa LAX.

Read: Archie Alemania opens up about marital woes with Gee Canlas

Dito, ibinahagi rin niya ang panig ng kanilang manager na si Leah upang maipaliwanag kung paano nagsimula ang insidente.

Lahad ni Justin: "Nakausap ko si Ate Leah. What actually happened is, kanina, naghihintay kami ng mga luggage, so naka-standby kami.

"May lumapit na old lady. Nakapagpa-picture na siya kay Stell.

"So, ang nangyari kasi, habang naka-standby kami, nakatapat pa rin ang cellphone ni Nanay. Binibidyuhan o pinipiktyuran kami, I don't know.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So, nilapitan na siya ng manager namin kasi ang uncomfortable naman na may nagbi-video sa iyo habang naka-standby kayo.

"That space was public, pero kasi nasa waiting kami ng luggage. Parang ang hirap kumilos.

"So, ayun, wala namang sinabi si Stell, walang sinabi kahit sino sa amin.

"Pero as manager, siya [Leah] ang nagsalita na, 'Ay, puwede po ba mamaya na po kapag naka-settle na?'

"It means kapag nakuha na lahat ng luggage, before we go, papa-picture kami kay Nanay.

"Sabi naman ni Nanay, 'Okay, okay.'"

Read: Lea Salonga unfollows BTS' RM, J-Hope after Chris Brown concert

Ayon kay Justin, nagkahiwa-hiwalay ang mga miyembro ng SB19 habang hinihintay ang kanilang mga bagahe.

Matapos umalis ng matandang babae na unang nagpa-picture kay Stell, lumipat umano ito sa kinaroroonan ni Justin.

"Sabi niya, 'Pa-picture!' Sabi ko naman, 'Sige po,' kasi nga naghihintay."

Nang umalis ang matandang babae, isang lalaking nagtatrabaho sa airport ang lumapit sa kanilang manager na si Leah.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dito na raw nagsimulang magsalita ng kung anu-ano ang lalaki, na tila hinahamak ang grupo nina Justin.

SB19’s Justin calls out
Photo/s: SB19 on YouTube

Lahad ni Justin: "Tapos yung umalis na si Nanay, mayroong lumapit na nagtatrabaho sa airport.

"Parang narinig ata niya yung sabi ni Ate Leah na 'mamaya na' [magpa-picture],kasi nakapagpa-picture naman na kasi si Nanay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So, narinig ni Kuya, I think tumutulong siya sa luggage or what. Tinanong niya si Ate Leah, 'Anong pangalan mo?'

"Sumagot naman si Ate. Tapos sabi niya, 'Suplada ka, ha.'"

Nagulat umano si Justin sa naging reaksiyon ng lalaki dahil, ayon sa kanya, maayos naman ang pagkakasabi ng kanilang manager.

Aniya: "Maayos naman yung pagkakasabi nung manager namin, tapos hindi rin naman siya yung kausap. Na-overhear lang niya na pinapa-stop na yung [picture].

"Si Kuya na nagwu-work doon, super disrespectful. Kasi bigla siyang nagpaparinig na sabi, 'Suplada mo, ha. Nakita mo to?'

"Tapos pinapakita niya yung mga picture kasi nakapagpa-picture na raw siya kina Piolo Pascual, Sir Gary... Nagba-vlog pa raw siya.

"Ang dami na niyang sinabi bigla."

Read: SB19 Pablo admits experiencing discrimination in the past

Bukod sa kanilang manager, pinasaringan din daw ng lalaki ang SB19.

Kuwento ni Justin: "Sabi pa niya, 'Hindi pa nga sikat, hindi na nagpapa-picture. Kapag tinapatan naman ng camera, kakaway-kaway, pero mga suplado naman.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sinabi pa niya na Filipino mentality daw. Basta, ang dami niyang sinabing offensive. Alam niyo yung disrespectful na bagay, especially nagtatrabaho siya doon.

"Wala namang ginawang masama sa iyo yung mga tao.

"As in kasi, ang lakas ng boses niya. If nandoon ka sa area, maririnig mo. Even nga si Nanay na nandoon pa sa area during that time, e, walang pake sa kanya.

"So, bakit si Kuyang nagwo-work sa airport, e, nagre-react nang ganon?"

Plano na raw noon ni Justin na kausapin ang lalaki tungkol sa kanyang mga sinasabi, ngunit mas pinili niyang mag-ingat dahil maaaring magkaroon ng mas malaking problema.

"Ang ginagawa ko nung time na yon, pinapakinggan ko talaga siyang maigi kung ano yung point niya.

"Binubuo ko na nga sa isip ko yung sasabihin ko kapag kakausapin ko siya.

"The thing is, ang hirap lang gumalaw kasi siyempre delikado and all. Pero talaga, super disrespectful."

Isa pa umano sa ikinagulat ni Justin ay nang direktang lumapit sa kanya ang lalaki.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Lumapit siya, sabi niya, 'SB19, kasama ka ba dun?' Sabi ko, 'Opo.'

"Sabi pa niya, 'Kilala niyo ba si ano...May tatlong chicks dun, e, nag-aabang."

Nagawa pa raw tawagan ng lalaki ang tatlong babaeng tinawag niyang "chicks" at iniharap sa mga miyembro ang cellphone niya habang naka-video call siya sa mga ito.

Ani Justin: "Based sa mga past tours naman namin, hindi naman ganoon yung na-experience namin.

"Pero, like, sa Filipino pa talaga namin mae-experience yung ganon.

"Tapos parang it's very normal sa kanila, tapos kami pa yung mali.

"Grabe, wow! The welcome committee sa pag-land ng L.A. is..." sabay iling ni Justin.

Dagdag pa niya, "Shoutout sa yo, Kuya."

Read: Has Alex Gonzaga given birth?

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
SB19’s Justin recalls a tense encounter with a Filipino airport worker after arriving in Los Angeles: "Based sa mga past tours naman namin, hindi naman ganoon yung na-experience namin. Pero, like sa Filipino pa talaga namin mae-experience yung ganon. Tapos parang it's very normal sa kanila, tapos kami pa yung mali."
PHOTO/S: SB19 on YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results