Humingi ng paumanhin ang aktres na si Matet de Leon sa mga motorista na pansamantalang naabala dahil sa insidenteng kinasangkutan ng kanyang sasakyan at isang bus sa EDSA.
Sa Facebook post ni Matet nitong Huwebes, August 27, 2026, ibinahagi niya na nasagi umano ng isang bus ang sasakyang lulan ang kanyang pamilya, na naging sanhi ng pagbagal ng trapiko sa lugar.
Read: Bea Borres mourns death of longtime driver Kuya Alex
Mababasa sa kanyang post (published as is), "Gusto kong humingi ng pasensiya sa mga taong naabala nang panandalian kanina sa may edsa.
"Nasagi (?) kami ng bus kanina habang nakahinto sa kanto, sa likod ng jeep."
Gayunman, napagdesisyunan daw nilang palampasin na lamang ang insidente upang hindi na madagdagan ang abala sa mga motorista at pasaherong pauwi na mula sa trabaho.
"Nakakapikon. Pero para maiwasan ang abala sa mga taong pagod na at pauwi na galing trabaho, pinalipas na namin ito."
Read: Celeste's “not so crazy about BINI” comment draws mixed reactions
Kasabay ng paghingi niya ng paumanhin sa mga naabala, nagpaabot din ng paalala si Matet sa bus driver na maging mas maingat sa susunod upang maiwasan ang posibleng mas malaking abala o insidente.
Aniya, "Sa’yo naman, kuya driver, kung nababasa mo to, ingat na lang sa susunod. Baka next time, maka disgrasya ka na talaga."
Matet admits getting furious at bus driver
Samantala, inamin ni Matet na hindi siya naging mahinahon sa driver matapos ang insidente.

Nakaramdam daw siya ng matinding galit, lalo pa't natakot siya sa posibleng mangyari sa kanila ng kanyang mga anak sa hindi umano pag-iingat ng tsuper.
Read: Ian, Matet spark reconciliation buzz after latest Facebook posts
Saad niya: "Hindi ako naging mabait sa driver kanina. Pero ang importante, yung mga taong sakay niya at mga mata traffic sa likod eh makauwi na agad.
"Nagalit ako kay Kuya, nang malala.
"Pero normal lang naman sigurong reaksiyon yon lalo na’t kasama namin sa sasakyan ang anak ko."
Read: Mommy Pinty confirms Alex Gonzaga has welcomed a baby boy
