Inilunsad na ang pinakabago at Filipino-owned ride-hailing app na PeekUp kahapon, April 30, 2024.
Ang launching na ginanap sa Fashion Hall ng Megamall, sa Mandaluyong City, ay pinangunahanng CEO (chief executive officer) na si Dave Almarinez, katuwang ang asawang si Ara Mina,
Read: Ara Mina and Dave Almarinez launch holding company to help start-up entrepreneurs
Pagbabahagi ni Dave sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang piling miyembro ng media sa official launch ng PeekUp, "We're excited talaga kasi finally we're about to launch officially today.
"It's a big day so thank you sa lahat. We thank God and we thank for all the people.
"Lahat na nagsama-sama para mangyari talaga to."
Sampung buwan o halos isang taon daw ang inabot sa pagpaplano bago napulido at nasimulang gamitin ng mga pasahero ang PeekUp kahapon.
Ani Dave, "Ang dami-daming mga pangyayari, ang dami-daming mga challenges bago po ito talagang finally we're here.
"And hindi siya madaling gawin, napakahirap gawin, pero nagawa natin."
Bakit nila naisipang tapatan ang mga kakumpitensiya nilang ride-hailing app din?
Tugon ni Dave, "Well, kailangan natin, we need to provide the competition so people will have a better choice.
"And kailangan merong alternatibong iba pang mga puwedeng pamilian ang ating mga riding public para meron naman silang ibang choices, kagaya ng PeekUp.
"At sinisigurado natin, mura, safe, at at the same time, safety.
"Yung safety importante sa goal natin, and ma-afford ng mas marami."
Mayroon na raw silang halos 1,000 driver-partners sa ngayon at may paparating pa na halos 6,000 na kasalukuyang inaayos pa ang mga papeles.
Business partner nina Dave at Ara ang negosyanteng si Jayson Chua, na tumatayo ring chief financial officer (CFO), at asawa nitong si Katrina Chua.

PeekUp chief financial officer Jayson Chua, wife Katrina Chua, actress and entrepreneur Ara Mina, and PeekUp chief executive officer Dave Almarinez
Read: Ara Mina-Dave Almarinez's love story: What prayers and patience can do
THE STAR-STUDDED LAUNCH
Bukod kay Ara, marami ring celebrities ang dumalo at nagpasaya sa audience sa launching.
Una na rito ang kapatid ni Ara na si Cristine Reyes.

Narooon din si Bugoy Drilon na naghandog ng ilang awitin sa audience.

Gayundin si Paulo Avelino, na umawit ng tatlong kanta at nagpapakilig sa kanyang mga tagahanga.

Sumuporta rin ang ilan pang celebrities gaya nina Gillian Vicencio, Ana Jalandoni, Bernadette Allyson, Rochelle Barrameda, DJ Jhaiho, Jeric Raval, Ketchup Eusebio, at marami pang iba.

Sa huli, sinabi ni Dave na makakatiyak ng "5-star service" ang bawat pasahero na gagamit ng PeekUp.
Mas mura aw sila ng isandang piso (PHP100) sa kakumpitensiya.
View this post on Instagram
Diin niya, "Gusto namin magkaroon ng magandang experience.
"Everything is about the experience ng ating passengers and ating driver-partners.
"So, importante sa atin na may kahati from our PeekUp technology company to our driver-partners to our passengers.
"Magkaroon sila ng magandang 5-star service.
"Yun yung tingin namin na magiging malaking factor dito.
"Yung pagiging hospitable ng mga Pilipino.
"Yun ang edge natin, being 100 percent Filipino-owned."
