Kumpirmadong higit pa sa kaibigan ang relasyon ni Bela Padilla sa tech entrepreneur and CEO na si Martin Tan.
Sa panayam sa kanila ng content creator na si Johnny K sa reel series nitong Meet Cute with Johnny K nitong Linggo, September 13, 2026, inamin nina Bela at Martin na walong buwan na silang magkarelasyon.
Natiyempuhan sina Bela at Martin na namimili sa Legazpi Sunday Market sa Makati City nang lapitan sila ni Johnny K at tanungin kung sila ba ay mag-girlfriend at boyfriend.
"Excuse me, are you guys a couple?" tanong ng content creator kina Bela at Martin, habang abala sila sa pag-aayos ng kanilang mga pinamili.
"Yes," nakangiting sagot ng aktres.

Dahil kumpirmadong magkarelasyon ang dalawa, tinanong ni Johnny kung paano sila nagkakilala.
Sagot ni Martin, "We met through a common friend."
Read: Bela Padilla opens up about being let down by people she trusted
Sabi naman ni Bela, mabilis silang nag-click at nagkagaanan ng loob dahil sa pareho nilang hilig sa pelikula.
Kuwento ni Bela, “He said he likes movies, and I love movies also, so I was very, very excited when he started talking about this."
Sunod na tanong ng content creator sa aktres, "How long have you been together?"
Imbes na sagutin, ipinasagot ito ni Bela kay Martin.
Sabi ni Martin, "Eight months."

Kita naman sa mukha ni Bela ang pag-apruba sa pagsisiwalat ni Martin nang ngumiti siya at bahagyang tumango.
Muling tanong ni Johnny kay Martin, "So, what’s your favorite thing about her?"
Mabilis na sagot ng tech entrepreneur, “Her brain, and she’s funny and beautiful."
Gaya ni Martin, tinanong din si Bela kung ano ang mga bagay na nagustuhan niya kay Martin.
Sabi niya, "He’s game to try everything, like going to markets even if it’s early.
"What else? He is pogi."
Sabay hirit ni Bela na, "I don’t wanna say it because people will start DM-ing you."

WHAT ARE BELA AND MARTIN'S LITTLE GESTURES THAT MAKE THEM FEEL LOVED?
Bahagi ng kanilang pag-iibigan ang mga bagay na naa-appreciate nila sa isa't isa.
Pagbabahagi ni Bela, ramdam na ramdam niya ang pagmamahal sa kanya ni Martin sa tuwing sinusorpresa siya nito sa pamamagitan ng pagpaplano ng mga bakasyon.
Saad niya, "When he knows I’m going through something, he’ll plan a trip.
"Yeah, I think beach trips, that’s my fave."
Para naman kay Martin, mahilig daw maglagay si Bela ng notes sa kanyang bag, na labis niyang naa-appreciate sa tuwing nababasa niya ang mga nakasulat dito.
"Little notes in my work bag," ani Martin.
Read: Glaiza de Castro announces she’s pregnant
BELA SPOTTED WITH MARTIN
Unang pinag-usapan ang namamagitan kia Bela at Martin nang namataan silang magkasama sa opening ng pet lifestyle clinic ng cosmetic doctors na sina Dra. Aivee Aguilar-Teo at Dr. Z Teo noong June 2026.
Read: Is Bela Padilla dating again?
Pagsapit ng August 2026, muling naispatan ang dalawang magkasama nang kumalat sa X ang kuhang larawan nila.
Base sa caption ng uploader, mukhang hindi na ipinagkakaila ni Bela na si Martin nga ang bago niyang inspirasyon.
Mababasang caption nito (published as is): "I think, 'what we see is what we get' na. No need to make kulit...
"But I am genuinely happy for Bela Padilla. Since I met and talked to her in person (intimate solo mediacon for #BloodVsDuty) and saw how genuine and kind she was, I silently hoped na sana she finds the love na she deserves and sana rin eto na yun.
"We love you @bb_belaaa."
Reply rito ni Bela, "Your caption is so sweet!! Thank you [face holding back tears emoji]."
Read: Bela Padilla reacts to post about rumored boyfriend Martin Tan
Bago ito, ang huling nakarelasyon ni Bela ay ang Swiss-Italian na si Norman Bay. Tumagal ng limang taon ang kanilang relasyon.
