PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

The Pod Network terminates contract with Machong Chismisan

The Pod Network ends Machong Chismisan podcast contract "immediately."
by Khryzztine Joy Baylon
Published 1 Hour ago
The Pod Network terminates contract with Machong Chismisan
The Pod Network cuts ties with Machong Chismisan after its hosts sparked outrage for their comments about Josh Aquino, the eldest son of Kris Aquino.
PHOTO/S: Screengrab on X

Wala nang koneksiyon sa The Pod Network ang comedy podcast na Machong Chismisan matapos magpasya ang pamunuan na wakasan na ang kanilang kontrata.

Kasunod ito ng matinding batikos na natanggap ng podcast show dahil sa mga komento ng mga host nito tungkol kay Josh Aquino, ang panganay na anak ni Kris Aquino, na naging paksa ng pangungutya sa isang episode.

Read: Who are the five men in the viral Machong Chismisan episode?

Nitong Miyerkules, October 14, 2026, naglabas ng pahayag ang The Pod Network upang kumpirmahin ang agarang pagtatapos ng kanilang kontrata sa Machong Chismisan.

Mababasa sa kanilang pahayag: “We have formally terminated our contract with the Machong Chismisan podcast, and are consequently removing the show from the network, effective immediately.”

Dahil dito, hindi na bahagi ng The Pod Network ang nasabing comedy podcast simula sa petsa ng kanilang anunsiyo.

Samantala, bago tuluyang wakasan ang kontrata, nauna nang naglabas ng pahayag ang The Pod Network tungkol sa insidente.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa network, seryoso nilang tinutugunan ang mga hinaing ng publiko, lalo na pagdating sa paggalang at pagpapanatili ng dignidad ng persons with disabilities (PWDs) at neurodivergent individuals.

Kinilala rin nila ang kanilang responsibilidad bilang platapormang naglalathala at nagpapalaganap ng mga programa.

Dagdag pa ng network, tinanggal nila ang episode habang sinusuri ang insidente at nangakong magtatakda ng mas mahigpit na editorial guidelines para sa kanilang mga programa, lalo na sa pagtalakay sa mga sensitibong paksa.

The Pod Network terminates contract with Machong Chismisan
Photo/s: The Pod Network on Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

THE VIRAL VIDEO OF MACHONG CHISMISAN MOCKING JOSH AQUINO

Umani ng matinding batikos ang mga host ng Machong Chismisan matapos kumalat online ang isang video clip mula sa episode na “S29E20: Ang Pagbabalik ni Kris Aquino,” na in-upload noong October 5, 2026.

machong chismisan podcast

Sa naturang episode, pinag-usapan ng mga host ang pamilya ni Kris, kabilang ang kaniyang mga anak na sina Josh at Bimby.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Isa sa mga komentong umani ng kritisismo ay ang hayagang pagtawag kay Josh na “walang kuwenta,” ng co-host na si Tito P, na sinundan pa ng iba pang pahayag na kinuwestiyon ng mga netizen.

Dahil dito, maraming netizens ang nagpahayag ng pagkadismaya sa ginawang pangungutya kay Josh, na na-diagnose na may autism spectrum disorder (ASD).

Read: Netizens slam Machong Chismisan podcast for mocking Josh Aquino

Kabilang sa mga nagpahayag ng pagkondena sa insidente ang fashion designer na si Michael Leyva, TV host na si Boy Abunda, dating Batangas Vice-Governor Mark Leviste, at ang Autism Society Philippines (ASP).

Read:

Binigyang-diin nila ang kahalagahan ng paggalang sa dignidad at karapatan ng persons with disabilities (PWDs).

Naglabas din ng kani-kanilang pahayag at paghingi ng paumanhin ang mga host na sina Tito P at Lawrence Vivar, gayundin ang mismong Machong Chismisan sa pangunguna ng main host nitong si Makoy Pare.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Machong Chismisan podcast hosts apologize for mocking Josh Aquino

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The Pod Network cuts ties with Machong Chismisan after its hosts sparked outrage for their comments about Josh Aquino, the eldest son of Kris Aquino.
PHOTO/S: Screengrab on X
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results