PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

McCoy denies rumors linking him to Sachzna while with Elisse

Sachzna: “Hindi ko nga alam baka may nagalit sa akin..."
by Khryzztine Joy Baylon
Published 14 hours ago
McCoy de Leon denies rumors linking him to Sachzna Laparan while with Elisse Joson
McCoy de Leon (left) addresses speculation about his past relationships with Elisse Joson (center) and Sachzna Laparan (right) after the latter revealed their romance: “I am always praying and hoping that we can be more responsible sharing information. Lalo na false information, kasi may family involved."
PHOTO/S: @sachzna, @elissejosonn, @mccoydeleon on Instagram

Tinawag na "false information" ni McCoy de Leon ang kumakalat na espekulasyong pinagsabay niya ang mga dating nobyang sina Elisse Joson at Sachzna Laparan.

Sa panayam ni McCoy sa ABS-CBN News noong October 26, 2026, nanawagan siyang maging mas responsable ang publiko sa pagbabahagi ng impormasyon, lalo na kung hindi naman ito totoo at maaaring makaapekto sa mga pamilyang sangkot.

Pahayag niya: “I am always praying and hoping that we can be more responsible [in] sharing information.

"Lalo na false information, kasi may family involved. Both families involved.

"Lalo na, pinakaimportante sa akin, may bata na involved."

Ang tinutukoy na "bata" ni Mccoy ay ang five-year-old daughter nila ni Elisse.

Read: McCoy de Leon working hard to provide for daughter Felize

Sa nasabing panayam, nahingan din ng reaksiyon si Sachzna sa pagba-viral ng naging rebelasyon niya sa nakaraan nila noon ng aktor.

Saad niya: “Hindi ko nga alam baka may nagalit sa akin kasi for how many years ngayon lang siya nalaman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pero I think it's time naman na malaman, kasi yung buhay ko open talaga sa lahat. Open book ang buhay ko."

Sachzna Laparan
Sachzna Laparan
Photo/s: @sachzna / @dabsfuentes on Instagram

Pag-amin pa ni Sachzna, hanggang ngayon ay hindi pa rin nila napag-uusapan ni McCoy ang tungkol sa naging pag-amin niya sa dati nilang relasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: 74th FAMAS: Maricel, Maris, McCoy win top acting honors

Sachzna on past relationship with McCoy

Noong October 22, nang makapanayam ni DJ JhaiHo si Sachzna sa Banana Krew, kung saan inamin niya ang nakaraan nila ni McCoy.

"Naging ex ko. Ex ko siya," aniya.

Kuwento pa ng aktres, nagsimula ang pagiging malapit nila ni McCoy noong nag-aaral pa lang sila ng kolehiyo dahil magkalapit lamang ang mga unibersidad na kanilang pinapasukan.

"Mapúa [University] siya, tapos ako Lyceum [of the Philippines].

"Saglit lang kami. On and off kami.

"Actually, siya lang yung ex na binalikan ko talaga."

Read: Sachzna Laparan admits past relationship with McCoy de Leon

Ayon kay Sachzna, bagamat nagkahiwalay sila ni McCoy, muli silang nagkaroon ng komunikasyon matapos lumabas ang aktor sa Pinoy Big Brother house noong 2017.

Matatandaang naging celebrity housemate si McCoy sa Pinoy Big Brother: Lucky 7, kung saan naging ka-two-in-one housemate niya si Nikko Natividad.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pagbabalik-tanaw ni Sachzna: "After ng PBB niya, nanligaw pa ulit siya sa akin.

"Hindi naman nanligaw, [kumbaga] nagkaroon kami ng parang connection ulit.

"Pero hindi talaga nag-work out na. Wala na talaga."

Read: Sachzna Laparan reveals she repeatedly bailed out ex over debts

Nakahiwalay at hindi man sila muling pinagbigyan ng tadhana, malaki raw ang pasasalamat ni Sachzna sa pagmamahal na ibinigay at ipinaramdam sa kanya noon ni McCoy.

Sabi niya, "Kudos naman kay McCoy kasi taga-Cavite pa ako before, so talagang hatid-sundo niya pa ako dati.

"Alam niyo, ngayon ko lang nakuwento to. Kasi hindi nila alam na mag-ex kami.

"Talagang itinago ko ito para protektahan ang iyong career," hirit niya sa dating nobyo.

Read: Dennis Trillo and Jennylyn Mercado's family home is 100% complete

Dahil sa rebelasyon ni Sachzna, hindi naiwasang usisahin ni DJ JhaiHo kung naabutan niya ang noo'y ka-loveteam at ex-girlfriend din ni McCoy na si Elisse Joson.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad ni DJ JhaiHo, "Hoy, nakakaloka yung revelation ha na after PBB, so ang eksena, sabay kayo ni Elisse?"

Mabilis at gulat na sagot ni Sachzna: "Ha? Hindi ko alam.

"Baka hindi naman. Baka naghiwalay naman sila or what.

"Hindi ko talaga alam. Oh my God...Pero kami, after ng PBB niya, nag-usap talaga kami.

"Hindi naman naging kami. Nagkausap lang kami and after noon hindi talaga nag-work out.

"Pero bago pumasok si McCoy sa PBB, medyo nag-uusap-usap pa kami nun, e.

"Tapos ayun na, iniwan na niya ako sa ere."

Hirit pa ni Sachzna, "Di ba, McCoy? Alam mo yan.

"Na-hurt ako nun, sobra. Nag-post pa ako nun.

"Nakaaway ko pa yung mommy niya... Pero bata pa ako noon."

Read: Donny Pangilinan feels "awkward" after Baby Dolls Juby’s "dream"

MCCOY, ELISSE LOVE STORY

Hindi lingid sa kaalaman ng iba na nagsimula ang espesyal na relasyon nina McCoy at Elisse nang maging housemates sila sa Pinoy Big Brother: Lucky 7 noong 2016, kung saan din nagsimula ang kanilang tambalan na nakilala bilang McLisse.

Dahil sa nakakakilig nilang chemistry, naging magka-loveteam ang dalawa na kalaunan ay nauwi sa isang real-life relationship.

Read: McLisse: The Love Story of Elisse Joson and McCoy de Leon

Ngunit gaya ng ibang magkarelasyon, dumaan din sa mga pagsubok ang kanilang relasyon.

Noong 2018, napabalitang naghiwalay ang dalawa matapos i-unfollow ni McCoy si Elisse sa Instagram.

Pagsapit ng August 30, 2020, ikinagulat na lamang ng kanilang mga tagasuporta ang pagbabalikan umano ng dalawa nang mag-post si McCoy ng larawan nila ni Elisse.

Read: Are Elisse Joson and McCoy de Leon back in each other’s arms again?

June 2021, kinumpirma na mismo nina McCoy at Elisse na sila nga ay nagkabalikan matapos panandaliang magkahiwalay.

October 31, 2021, nag-guest ang dalawa sa PBB: Kumunity Season 10, para ianunsiyong si Elisse ay nanganak na sa anak nila ni McCoy.

Read: Elisse Joson, McCoy de Leon are now parents to baby girl

Noong January 2023, muling pumutok ang isyung nagkahiwalay muli sina McCoy at Elisse.

Pero nagkabalikan muli ang dalawa makalipas ang ilang linggo

Read: McCoy de Leon confirms reconciliation with Elisse Joson

Hanggang noong July 25, 2025, tuluyan nang kinumpirma ng dalawa ang kanilang paghihiwalay sa pamamagitan ng isang joint statement sa Instagram.

Read: Elisse Joson reflects on failed relationship with McCoy de Leon

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
McCoy de Leon (left) addresses speculation about his past relationships with Elisse Joson (center) and Sachzna Laparan (right) after the latter revealed their romance: “I am always praying and hoping that we can be more responsible sharing information. Lalo na false information, kasi may family involved."
PHOTO/S: @sachzna, @elissejosonn, @mccoydeleon on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results