PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Gian Bernardino admits having crush on Maki in the past

Maki to Gian: "Chinat mo ako, sabi mo, 'Hi, pogi!'"
by Khryzztine Joy Baylon
Published 3 hours ago
Gian Bernardino admits having crush on Maki in the past
Cup of Joe vocalist Gian Bernardino (left) makes fans swoon after revealing that he once had a crush on Maki (right), whom he now considers a close friend.
PHOTO/S: ABS-CBN Entertainment on YouTube

Kinakiligan ng maraming tagahanga ng vocalist ng Cup of Joe na si Gian Bernardino ang kanyang pag-amin na minsan siyang nagkagusto sa kapwa OPM singer na si Maki.

Ang pag-amin ni Gian ay nangyari sa late-night talk show ni Vice Ganda na Gandang Gabi Vice noong Linggo, November 1, 2026, kung saan kasama niyang guest si Maki.

Gian Bernardino admits having crush on Maki in the past
Gian Bernardino (left) and Maki (right).
Photo/s: ABS-CBN Entertainment on YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa segment na “Deep Truth” ng programa, ipinahula ni Gian sa host na si Vice at sa co-hosts nitong sina Divine Tetay at Verna Joy Periwinkle kung ang statement na inihanda niya ay “trot” (truth) o “charot” (false).

"Crush ko dati si Maki," mababasa sa ipinahulang pahayag ni Gian.

Gian Bernardino admits having crush on Maki in the past
Photo/s: ABS-CBN Entertainment on YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Para tulungang magdesisyon ang mga ito sa kanilang isasagot, nagbigay ng clue si Gian kung kailan niya nagustuhan si Maki nang higit pa sa isang kaibigan.

Saad niya, "Siguro mga 2025 pa to... Friends na kami noon."

Sinundan ito ni Vice ng tanong kay Maki, na noo'y nasa tabi lamang ni Gian, "Alam mo non [na crush ka niya]?"

Sagot ni Maki, "Hindi...[Pero] ako, mas gusto ko na sinasabi sa akin para hindi ako naiilang."

Read: Maki recalls verbal sexual harassment during audition at age 15

Sumang-ayon naman si Vice na hindi kataka-takang mabilis na magkagusto ang isang tao kay Maki.

Ani Vice: "Give ko yan kay Gian kasi [hindi naman] mahirap magustuhan si Maki, di ba?

"Physically, ang pogi ni Maki ha. Wala pang talent yon ha. Wala pang porma. Wala pang ugali. Mukha pa lang."

"Oy, cute din naman si Gian... Magaling si Gian," diin naman ni Maki.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Paete woodcarver's family clarifies KMJS "Gabi ng Lagim" feature

Batay sa mga ibinigay na clue nina Gian at Maki, “trot” ang isinagot nina Vice, Divine Tetay, at Verna.

Sa huli, isiniwalat ni Gian na “trot” nga ang tamang sagot.

Gayunman, nilinaw niyang nakaraan na ang pagkagusto niya kay Maki dahil matalik na silang magkaibigan ngayon.

Hindi man direktang ibinubunyag ni Gian sa publiko ang kanyang sexual orientation, hindi lingid sa kaalaman ng marami ang suporta niya sa LGBTQIA+ community dahil sa pagpo-post niya sa tuwing Pride Month.

GIAN-MAKI'S FRIENDSHIP

Dahil sa rebelasyon ni Gian, hindi pinalampas ni Vice ang pagkakataong usisain kung paano nagsimula ang pagkakaibigan ng dalawa.

Sino sa kanilang dalawa ang unang nag-approach?

Pahayag ni Maki: "Si Gian. Chinat mo ako, sabi mo, 'Hi, pogi!' May resibo ako."

Read: Cup of Joe submits “Sandali” for 69th Grammy Awards

Paliwanag naman dito ni Gian: "Nag-chat ako sa kanya kasi nag-cozy cove siya. Hindi ko siya naabutan. E, nandoon ako sa Baguio.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Home court ko yon tapos hindi ako nakaabot dahil sa trabaho.

"Tapos sabi ko, 'Uy, congrats ha, tumataas ka na sa [Spotify] chart.'"

Read: Celebrities pay tribute to Ate Gay: "You will be missed."

Ngunit bago pa man maganap ang pagtsa-chat ni Gian kay Maki, nagkita at nagkasama na raw sila sa trabaho noong 2023 nang pareho silang naging guest performers sa UST (University of Santo Tomas) Paskuhan.

Bagamat si Gian ang unang nag-chat, si Maki naman daw ang unang nag-aya sa kanya na magkita at magkasama silang lumabas.

Pag-amin ng singer ng "Dilaw," "Ako talaga kasi parang masayang magkaroon ng friend sa industry, lalo na't wala

"E, nakita ko siya na mayroon siyang urge na makipag-friend."

Read: 2 Valid IDs, Pee Mak, Always Yours score at box office

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Cup of Joe vocalist Gian Bernardino (left) makes fans swoon after revealing that he once had a crush on Maki (right), whom he now considers a close friend.
PHOTO/S: ABS-CBN Entertainment on YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results