PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

James Yap on Kris Aquino-Mel Sarmiento engagement

James Yap on Kris Aquino's engagement to Mel Sarmiento: "Happy for her."
by Arniel C. Serato
Published Oct 29, 2021
PBA superstar James Yap "happy" for ex-wife Kris Aquino's engagement to former Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Mel Sarmiento.
PHOTO/S: Courtesy: @jamesyap18 / @krisaquino on Instagram

Masaya ang PBA superstar na si James Yap, 39, sa engagement ng kanyang ex-wife na si Kris Aquino, 50, kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Mel Sarmiento, 59.

Inanunsiyo ni Kris ang kanyang engagement sa dating DILG secretary noong Linggo, October 24.

Si Sarmiento ay nanungkulan noong termino ng yumaong kapatid ni Kris na si dating President Benigno “Noynoy” Aquino III, mula September 2015 hanggang June 2016.

Sa pamamagitan ng direct messaging sa Instagram, nagpaabot ng mensahe ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay James upang kunan siya ng pahayag sa engagement ni Kris.

Maiksing sagot ng basketbolista: “Happy for her [three thumbs up emojis]”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Masaya na si James ngayon sa piling ng kanyang partner na si Michela Cazzola.

Mayroon silang dalawang anak—sina Michael James at Francesca Michelle.

KRIS-JAMES LOVE STORY

Nagkakilala sina James at Kris noong February 6, 2005, sa isang restaurant sa Greenhills, San Juan.

Sa cover story ng YES! Magazine noong 2011, ikinuwento ni James na siya ang nag-request sa talent manager na si Dondon Monteverde upang makilala si Kris, na crush na niya mula pa noong high school.

Noong July 10, 2005, matapos ang limang buwang pagkakakilala at pagkakahulugang loob, nagpakasal ang dalawa sa isang pribadong seremonya sa bahay ng matalik na kaibigan ni Kris na si Boy Abunda sa Quezon City.

Nagbunga ang kanilang pagmamahalan ng isang anak, si Bimby Aquino Yap.

Ngunit nagkaroon ng lamat ang kanilang relasyon dahil sa diumanoy pambabae ni James.

Itinanggi ni James ang alegasyon na siya’y nangangaliwa, at nanindigan naman sa kanyang panig ang asawang si Kris.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ngunit noong June 27, 2010, inanunsiyo ni Kris sa defunct showbiz talk show ng ABS-CBN na The Buzz na hiwalay na sila ng asawa.

Dahil sa isyu, nahalungkat ng media noon ang kanilang prenup agreement, hanggang sa umabot sa pagsasampa ng annulment of marriage, na humantong sa settlement.

Na-annul ng korte ang kasal nina Kris at James noong January 9, 2012.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PBA superstar James Yap "happy" for ex-wife Kris Aquino's engagement to former Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Mel Sarmiento.
PHOTO/S: Courtesy: @jamesyap18 / @krisaquino on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results