PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vilma Santos Open to Maricel and Dolly Collaboration

Vilma Santos, niyayang mag-vlog ni Maricel Soriano.
by Jerry Olea
Published Apr 24, 2023
vilma santos maricel soriano dolly de leon
Star For All Seasons Vilma Santos, nakasama sa pambihirang pagkakataon ang Diamond Str na si Maricel Soriano (kaliwa) at ang Golden Globe nominee na si Dolly de Leon (right) sa FDCP Parangal ng Sining, Linggo ng gabi, April 23, 2023.
PHOTO/S: Jerry Olea

Nagchikahan agad sina Vilma Santos at Maricel Soriano nang magkita sa FDCP Parangal ng Sining nitong Abril 23, 2023 , Linggo ng gabi, sa Seda Hotel Vertis North, Diliman, Quezon City.

Nagkagulo siyempre ang mga taga-media dahil bihirang pagkakataong magtagpo ang Star for All Seasons at Diamond Star — na parehong ex ni Edu Manzano.

Minsan lang nagkasama sa pelikula sina Ate Vi at Marya, sa 1986 Regal movie na Yesterday, Today & Tomorrow na idinirek ni Emmanuel H. Borlaza.

Video: Jerry Olea (video), Rommel Llanes (edit).

Sa kanilang bulungan ay tila ba may pagsasamahan silang project?!

Maaalalang sinalo ni Maricel ang pelikulang Ikaw Pa Lang Ang Minahal (1992) na tinanggihan ni Vilma.

Ang nagdirek niyon ay si Carlitos Siguion-Reyna, na present din sa Parangal ng Sining. Siyempre, nagtsikahan din at nagpalitrato sina Maricel at Direk Carlitos.

Read: Vilma Santos reveals brief falling-out with Armida Siguion-Reyna over movie project that went to Maricel Soriano

maricel soriano vilma santos fdcp

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

PARANGAL NG SINING

Pito ang awardees sa unang Parangal ng Sining: Soliman Cruz, Martika Escobar (direktor ng Leonor Will Never Die), Dolly de Leon, Nick Deocampo (nasa Barcelona, tinanggap ng nephew na si Teddy Tan Jr. ang award), Cinemalaya indie filmfest (tinanggap ng Cinemalaya president na si Direk Laurice Guillen), Mother Lily Monteverde (tinanggap ng daughter na si Roselle), at Vilma Santos.

Nasa stage sa tuwi-tuwina si FDCP Chair Tirso Cruz III, na siya na ring naghawak ng tropeyo habang nag-i-speech ang female awardees.

fdcp parangal ng sining awardees

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

FDCP Chairperson Tirso Cruz III (extreme right) with Parangal ng Sining awardees: (from left) Teddy Tan Jr. (representing Nick Deocampo), Martika Escobar, Laurice Guillen (in behalf of Cinemalaya), Vilma Santos, Roselle Monteverde (representing Mother Lily), Dolly de Leon, and Soliman Cruz

Sina Maricel at Direk Joey Reyes ang presenters sa award para sa Regal matriarch na si Mother Lily.

Si Christopher de Leon naman ang presenter for Vilma.

vilma christopher tirso

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakiusap kapwa sina Boyet at Vilma na abangan ang pelikulang katatapos lang nilang i-shoot, ang When I Met You In Tokyo.

VILMA'S UPCOMING PROJECTS

Pagkatapos ang awards ceremony ay nagpaunlak si Ate Vi ng panayam.

Ani Ate Vi, makikipag-meeting siya afterwards kay Direk Erik Matti para gumawa ng isang kakaibang pelikula, na may pagka-action at umaatikabo ang takbuhan.

What about iyong biopic ng co-awardee niya na si Mother Lily?

“Hindi na nabalik uli sa akin yun, e! Ang na-offer sa akin ni Direk Erik at Dondon [Monteverde], not the life story of Mother,” sabi ng Star for All Seasons.

Makakailang pelikula siya this year?

“Alam niyo, I really don’t know. Ang gusto ko lang, sana pag pinalabas na yung When I Met You In Tokyo, sana naman po, suportahan niyo,” sambit ni Ate Vi.

“The movie industry now is not in good condition. So, nakikiusap ako. So, we are here to give you good films. So please support us, please.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Anytime this year daw ipalalabas ang reunion movie nila ni Boyet. Maghahanap daw sila ng magandang playdate.

GREAT ARTISTS

Ang co-awardee rin ni Vilma na si Dolly de Leon, inaasam na makatrabaho siya.

“Kaya sabi ko kanina, I’m a fan. Kasi nandiyan si Mr. Soliman, si Dolly de Leon. Andun si Marya, si Yetbo. Andiyan si Direk Laurice, si Direk Joey,” pahayag ni Ate Vi.

“Parang yun bang lahat ng tao na iginagalang mo na great artists, they’re here tonight.

“And kaya sabi ko, I’m a fan tonight. And to them, salute talaga! Malaking karangalan sa akin na mapasama ngayong gabi sa affair na ito.”

Gusto rin niyang makatrabaho si Dolly?

“Oh definitely! My God! Sana nga kung makakatulong mabuhay muli yung industriya natin — do good films, and they show it on theaters, and people will watch again.

My God! Please watch! Marami kaming inio-offer sa inyo!” bulalas ni Vilma.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

dolly de leon vilma santos fdcp parangal ng sining

Posible bang magkasama muli sila ni Maricel sa isang project?! Iyon ba ang pinagbulungan nila?!

Natawa si Ate Vi, “Kasi, ang gusto niya… vlog! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Sabi niya, ‘Ate Vi, mag-vlog na tayo!’

“Sabi ko, ‘Marya, sigurado tayong dalawa. Unahin ko lang, may commitment ako kay Sharon [Cuneta]!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Na-imagine ba niya iyon na silang movie queens ng bansa ay pawang nasa YouTube, at magko-collab?

“Kasi, social media is here. Social media is here. So if you want to have communication, and to be active again sa komunikasyon sa tao, andiyan talaga ang social media.”

Puwede rin ba siyang mag-guest sa vlog ng kumare niyang Superstar at National Artist na si Nora Aunor?

“Anytime! It’s about time na mag-collab!” masayang sambit pa ng Star for All Seasons.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Star For All Seasons Vilma Santos, nakasama sa pambihirang pagkakataon ang Diamond Str na si Maricel Soriano (kaliwa) at ang Golden Globe nominee na si Dolly de Leon (right) sa FDCP Parangal ng Sining, Linggo ng gabi, April 23, 2023.
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results