Ikinatuwa ng loyal fans ni Regine Velasquez ang balitang malapit nang mapanood sa TV5 ang ASAP Natin ‘To.
Madaragdagan kasi ang exposure ng Sunday noontime musical-variety show ng ABS-CBN na ipinalalabas din sa Kapamilya Channel at A2Z.
Nagsimula ang singing career ni Regine sa Bagong Kampeon ng RPN9, naging host siya ng Star For A Night ng IBC-13, matagal na nanatili bilang contract star ng GMA-7, bago lumipat sa ABS-CBN noong October 2018.
Dahil ipalalabas na rin ang ASAP Natin’To sa TV5, halos napanood na siya sa lahat ng TV networks sa bansa.
Regine Velasquez on it's showtime
Incidentally, pinatunayan ni Vice Ganda na avid fan siya ni Regine dahil tama ang kanyang hula na ang Asia’s Songbird ang pinahuhulaang singer sa nag-trending na "Hide and Sing" segment ng It’s Showtime nitong Martes ng tanghali, January 19.
"Kung hindi ko nahulaan, kung nagkamali ako, hindi ko mapapatawad ang sarili ko.
"Iba-bash ako ng lahat ng Regine fans, 'Bakit hindi mo siya kilala?'" reaksiyon ni Vice nang mag-alis si Regine ng takip sa mukha.
Natukoy ni Vice ang sagot na tama, kahit inipit at binago ni Regine ang boses dahil nangibabaw ang pagiging fan niya.
Nahulaan din ni Vice na impersonator ni Regine ang Tago Kanta Contestant Number 1 na si Regina Otic.
"Itong si Number 2, iniipit niya ang boses niya.
"Si Number 1 din nag-iipit, e. Iniipit nila yung boses.
"Si Number 2, iniipit mo yung boses mo. Kaboses mo si Pepe," pagtukoy ni Vice sa aktor na si Pepe Herrera, ang celebrity judge sa Tuesday edition ng "Hide and Sing."
Patuloy ni Vice, "Kasi naririnig ko si Pepe na kumanta. Naririnig ko na si Pepe dati kumanta kaya nung kumanta ka, 'Ay, boses Pepe. Parang kilala ko ito.'
"Parang may idea ako pero iniisip ko, 'Anong araw ngayon, Tuesday? Bakit siya Tuesday magge-guest? Hindi siya pang-Tuesday.'
"Ikaw 'yon? Siya ‘yan? Oh, my God, ang special nito! Siya ba ‘yon? My God, super sikat!” excited at sunod-sunod na sabi ni Vice matapos kantahin ni Tago Kanta Contestant Number 2 (Regine) ang "Kapag Tumibok ang Puso."
Si Regine ang special celebrity Tago Kanta contestant sa "Hide and Sing" dahil nag-promote siya sa It’s Showtime ng Freedom, ang kanyang first-ever digital Valentine concert sa February 14, 2021.
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika