Cindy Miranda at Sean de Guzman, biktima ng mistaken identity sa relasyong Aljur Abrenica at AJ Raval

by Jojo Gabinete
Oct 8, 2021
Nagkasama sa Vivamax movie na Nerisa sina Aljur Abrenica, Cindy Miranda, AJ Raval, at Sean de Guzman. Bagamat sina Aljur at Cindy at sina AJ at Sean ang magkarapeha sa pelikula, ang nagkatuluyan ay sina Aljur at AJ.
PHOTO/S: Instagram

Mga biktima ng mistaken identity sina Cindy Miranda at Sean de Guzman dahil sila ang mga napagbintangan noong karelasyon nina Aljur Abrenica at AJ Raval, respectively.

Nagkasama ang apat sa Nerisa, ang sexy movie ng Viva Films.

Ilang araw bago ipinalabas ang kanilang pelikula sa Vivamax noong July 30, 2021, kinumpirma ni Robin Padilla na hiwalay na ang kanyang anak na si Kylie Padilla sa asawa nitong si Aljur.

Si Cindy ang pinaghinalaang third party sa naganap na hiwalayan. Pero mali ang mga akala dahil tapos na ang relasyon nina Aljur at Kylie nang umpisahan sa Alabat, Quezon ang shooting ng pelikula.

Marami naman ang nag-isip na hahantong sa relasyon ang pagiging magkaibigan nina AJ at Sean dahil hindi inililihim ng sexy actress ang sobrang pagkagiliw sa baguhang aktor, na nakatrabaho rin niya sa Taya.

Lumitaw ang katotohanang sina AJ at Aljur ang nagkakamabutihan at nagsimula ito sa set ng Nerisa dahil sa isiniwalat ng sexy star sa guesting nito sa PEP Live noong October 5, 2021.

Continue reading below ↓

Pinagpistahan ang pag-amin ni AJ dahil sariwa pa sa isip ng publiko ang balita tungkol sa paghihiwalay nina Kylie at Aljur.

Hindi nakapagtatakang nakuha ni AJ ang atensiyon ni Aljur dahil pareho sila ni Kylie na prangka at hindi naglilihim ng mga saloobin.

Paborito ng entertainment press si Kylie dahil hindi ito marunong magsinungaling. Sinasagot niya nang buong katapatan ang lahat ng mga tanong sa kanya kaya may mga pagkakataon noong umiiwas na siyang magpainterbyu.

Hindi nagkakalayo ang ugali nina Kylie at AJ dahil "honest to a fault" din ang anak ni Jeric Raval kaya gustung-gusto siyang kausap ng entertainment writers.

Posibleng nakadagdag sa pagiging pamilyar sa isa’t isa nina Aljur at AJ na magkababayan sila. Mag-kabalen ang dalawa na parehong mula sa lalawigan ng Pampanga.

At ang panghuli, tila isang hamon para kay Aljur na ligawan at paibigin ang mga babaeng anak ng mga action star.

Hindi natakot si Aljur na ligawan at ipaglaban noon ang pagmamahalan nila ni Kylie na anak ni Robin Padilla, isa sa mga iginagalang at pinangingilagang action star ng bansa.

Continue reading below ↓

Kung nagawa ni Aljur na mapaibig si Kylie, puwedeng maulit ito kay AJ, na anak naman ni Jeric.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nagkasama sa Vivamax movie na Nerisa sina Aljur Abrenica, Cindy Miranda, AJ Raval, at Sean de Guzman. Bagamat sina Aljur at Cindy at sina AJ at Sean ang magkarapeha sa pelikula, ang nagkatuluyan ay sina Aljur at AJ.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results