Kapatid ni Mahal, umalma sa akusasyong mukha silang pera; isyu sa naiwang pera ng late comedienne, nabigyang-linaw

by Jojo Gabinete
Nov 7, 2021
mahal money issue
Makalipas ang tatlong buwan matapos pumanaw ni Mahal, isa-isang nagsisilabasan ang mga isyu tungkol sa naiwang pera ng comedienne pati na ang kita mula sa YouTube channel nito.
PHOTO/S: @mahal.tesorero on Instagram

Tatlong buwan nang namamayapa si Mahal, pero ngayon pa lamang lumalaki ang isyu tungkol sa mga perang naiwan ng comedienne at sa mga kinikita ng kanyang YouTube channel.

Nasasaktan ang mga kapatid ni Mahal sa mga paratang na hindi nila inalagaan ang pumanaw na comedienne noong nabubuhay pa ito, at ang masasakit na bintang ng netizens na mga mukha silang pera dahil sa kanilang pag-aayos at pag-aasikaso sa mga naipundar ni Mahal.

Gamit ang YouTube channel ni Mahal, napilitang sumagot ang kanyang pulis na kapatid na si P/Lt. Jason Tesorero para ituwid ang mga maling akala ng mga taong hindi alam ang buong katotohanan at mas pinapaboran si Mygz Molino dahil ito raw ang tunay na nagmahal at nag-alaga sa comedienne.

Pumanaw si Mahal sa edad na 46 noong August 31, 2021.

jason tesorero mahal brother

Continue reading below ↓

P/Lt. Jason Tesorero

MYGZ MOLINO IN MAHAL'S LIFE

Glemo Molino ang tunay na pangalan ni Mygz Molino na dating indie bold movie actor. Ilan sa mga pelikulang ginawa niya noon ay ang Id’Nal, Gigolo, at Sa Piling ng mga Adan.

mygz molino movies

Hindi sumikat si Mygz bilang indie bold actor dahil higit siyang nakilala bilang vlog partner ni Mahal.

Continue reading below ↓

Unang nagkakilala ang dalawa sa isang show sa Abra noong 2010.

Nabuo ang YouTube tandem nila nang magkaroon ng coronavirus pandemic noong 2020.

Ayon kay Jason, si Mahal ang may kagustuhang sumama kay Mygz at manirahan sa bahay ng pamilya nito sa Tanauan, Batangas. Hindi raw nila ito tinutulan bilang respeto sa kanilang panganay na kapatid.

Nilinaw ni Jason na ang kanilang kapatid na si Lany ang dapat na kasama ni Mahal sa lock-in taping nito sa Bulacan para sa Owe My Love, ang defunct prime-time series ng GMA-7. Pero nakiusap daw si Mygz na ito na lang ang sasama para makagawa sila ng comedienne ng mga content para sa kanilang mga YouTube channel.

mahal mygz molino youtube

Continue reading below ↓

Mygz Molino and Mahal

Idinagdag ni Jason na si Lany at ang hindi ang manager ni Mahal na si Jethro Carandang, aka Jethro Carey, ang nakakuha ng proyekto (Owe My Love) para sa kanilang kapatid.

Ang Owe My Love ang huling TV series ni Mahal bago ito binawian ng buhay.

STRONG ACCUSATIONS

Lalong naglagablab ang isyu sa paglantad ng isang Ophir Myrna, na nagpakilala bilang fan at confidante ni Mahal, dahil sa mga masasamang paratang nito laban sa mga kapatid ng comedienne.

Tahasang sinabi ni Ophir Myrna sa kanyang sunud-sunod na YouTube vlogs na ginamit lamang umano nina Jethro at Mygz si Mahal.

Matindi ang mga rebelasyon ni Ophir Myrna dahil inilabas niya ang mga screenshot ng palitan nila ni Mahal ng mga mensahe sa Facebook.

Nakasaad sa mga direct message ni Mahal kay Ophir Myrna ang mga patunay umano tungkol sa tunay na estado ng relasyon nina Jethro at Mygz.

Continue reading below ↓

Hindi natapos kay Ophir Myrna ang mga akusasyon laban kina Jethro at Mygz dahil ibinulgar din ng singer-actress na si Mystica ang kanyang mga nalalaman.

Ayon kay Mystica, kilalang-kilala nito si Jethro dahil bukod sa ex-boyfriend niya, siya ang nagbigay ng screen name na Jethro Carey.

mahal manager

Mahal and her talent manager Jethro Carey

Continue reading below ↓

WHERE IS MAHAL'S MONEY?

Ang latest development, ayon sa isang source ng Cabinet Files, nagkausap na umano ang kapatid na pulis ni Mahal at si Jethro.

Napatunayan daw na nagamit ng manager ni Mahal ang pera ng pumanaw na comedienne.

Sabi ng aming source, “Nag-usap na sina Jason at Jethro. Babayaran 'raw' ni Jethro ang pera ni Mahal na nagamit niya dahil may sakit ang kanyang tatay na nasa ospital.

"Ginamit din ni Jethro ang pera ni Mahal sa mga negosyo niya pero nalugi dahil sa pandemya."

Ayon pa sa Cabinet Files source, may ibinigay noon si Mahal na authorization letter kay Jethro para ito ang mag-withdraw sa bangko ng pera na kailangan niya.

Isa raw ito sa mga legal na isyu na ikinonsulta ng mga kapatid ni Mahal sa mga kinauukulan.

Saad ng source, "Ang puwede lang gawin ng mga kapatid ni Mahal, gumawa sila ng kasulatan na bayaran ni Jethro ang mga perang nakuha nito mula sa bank account ni Mahal noong namatay na ito.

Continue reading below ↓

"Yung pagbisita nina Mahal at Mygz kay Mura sa Albay noong August 2021, gastos lahat ni Mahal yun. Pero isang content lang ang inilagay nila sa YouTube channel ni Mahal, the rest sa YouTube channel ni Mygz.

"Nag-withdraw noon si Jethro ng P80K sa account ni Mahal, ang nakalagay sa log book, expenses nila sa Albay trip."

Sa kasalukuyan ay mayroon nang 9.6 millon views sa YouTube channel ni Mygz ang tungkol sa pagdalaw noon nila noon ni Mahal kay Mura.

Mapapanood sa naturang vlog ang ipinangako ni Mygz na tulong kay Mura tulad ng mga biik na aalagaan, palalakihin, at puwedeng pagkakitaan ng matalik na kaibigan ni Mahal.

Kahit pumanaw na si Mahal, patuloy na kumikita ang kanyang YouTube channel na hawak na ngayon ng mga kapatid niya.

Pero, diumano, marami pa ang dapat ayusin tulad ng paglilipat sa pangalan ni Jason ng YouTube bank account ng namatay na comedienne.

Continue reading below ↓

Hindi alam ng naulilang pamilya ni Mahal ang lahat ng mga detalye dahil hindi pa naibabalik sa kanila ang mga gamit, ATM card, at cellphone ng kanilang kapatid na biktima ng COVID-19.

Pero pinatotohanan nilang P25,000 na lamang ang natitira sa pera ng comedienne nang pumanaw ito.

Hindi na umano maaaring magalaw ni Jethro ang bank account ni Mahal para sa YouTube earnings nito dahil alam na ng bank management ang sitwasyon.

Desidido ang mga kapatid ni Mahal na maibalik sa pumanaw na comedienne ang mga nararapat na para sa kanya dahil ito ang tama sa kanilang paniniwala.

Mananatiling bukas ang PEP.ph sa panig ng lahat ng mga nabanggit sa isyung ito.

RELATED STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Makalipas ang tatlong buwan matapos pumanaw ni Mahal, isa-isang nagsisilabasan ang mga isyu tungkol sa naiwang pera ng comedienne pati na ang kita mula sa YouTube channel nito.
PHOTO/S: @mahal.tesorero on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results