PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Viva Prime to be launched in January 2023

Vivamax, magdiriwang ng second anniversary sa January 2023.
by Jojo Gabinete
Published Dec 21, 2022
paul basinillo viva prime
Viva Chief Marketing and Creative Officer Paul Alexei Basinillo confirms the launching of Viva Prime, the new streaming platform of Viva Entertainment, on January 29, 2023.

Viva Prime ang pangalan ng bagong streaming platform na ilulunsad ng Viva Entertainment sa January 29, 2023.

Kinumpirma ito sa Cabinet Files ng award-winning concert director at newly appointed Viva Chief Marketing and Creative Officer Paul Alexei Basinillo.

Kung adult content movies at series ang napapanood sa Vivamax, pampamilya at "wholesome" na mga panoorin ang ihahain ng Viva Prime.

Si Basinillo ang punong-abala sa paghahanda sa magarbong paglulunsad at paghahayag ng mga pelikula at seryeng matutunghayan sa Viva Prime.

“We’re putting premium in the quality of the production po with different sets of directors, writers and, of course, the biggest stars of Viva,” lahad ni Basinillo, na kilala rin bilang direktor ng mga matagumpay na concert ni Sarah Geronimo.

Read: Sarah Geronimo, sinorpresa ang Popsters sa announcement ng Tala The Film Concert

Lumabas na ang mga teaser ad tungkol sa Viva Prime, ang pangalawa sa streaming platform ng Viva.

Nauna nang inilunsad noong January 29, 2021 ang Vivamax na naging instrumento kaya nagkaroon ng showbiz career sina AJ Raval, Angeli Khang, Ayanna Misola, Janelle Tee, Vince Rillon, Benz Sangalang, Ali Asistio, Azi Acosta, at ng ibang mga baguhang artista na palaban sa pagpapakita ng mga hubad na katawan “sa ngalan ng sining.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang Paglaki Ko Gusto Kong Maging Pornstar ng kontrobersiyal na direktor na si Darryl Yap ang maiden offering ng Vivamax.

Dahil maingay na maingay noon ang pelikula, mabilis na nakilala ang unang streaming site ng kompanya na pinamumunuan ni Boss Vic del Rosario.

Tila may hatid na suwerte ang January 29 kaya ito ang petsang pinili ng Viva para ipakilala sa publiko ang Viva Prime, kasabay ng pagdiriwang sa ikalawang anibersaryo ng Vivamax.

HOT STORIES

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Viva Chief Marketing and Creative Officer Paul Alexei Basinillo confirms the launching of Viva Prime, the new streaming platform of Viva Entertainment, on January 29, 2023.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results