Malaki ang posibilidad na mapanood sina McCoy de Leon at Elisse Joson sa isang proyekto dahil sila ang napipisil para sa mga karakter na makakasama ni Coco Martin sa Batang Quiapo, ang upcoming primetime series na mapapanood sa Kapamilya Channel, TV5, at A2Z.
Hindi pa lang sigurado kung magkakaroon ang dalawa ng pagkakataong magkita nang personal dahil mga flashback ang mga eksena ni Elisse.
Ang nagwakas na relasyon nina McCoy at Elisse ang balita sa showbiz na pinagpistahan, pinagdebatehan, at sinubaybayan sa pagpasok ng unang linggo ng 2023.
Read: McCoy de Leon confirms breakup with Elisse Joson: "Hindi ko po intensyon manakit ng tao o manloko."
Naging masidhi o passionate ang publiko sa pagbibigay ng kanilang mga obserbasyon at paghuhusga kay McCoy, na pinagbibintangang may kasalanan sa paghihiwalay nila ni Elisse.
Kung umasta ang mga tao, parang 24 oras nilang kasama sina Elisse at McCoy kaya alam na alam nila ang ugat ng hiwalayan, kahit base lamang sa mga nababasa sa social media, na kadalasan ay fake news, ang kanilang mga opinyon.
Nakakalimutan ng publiko na may anak na nagbibigkis kina Elisse at McCoy at tiyak na darating ang araw na magkakasundo rin sila, gaano man kasakit ang paghihiwalay nila.
Paulit-ulit ang mga isyu sa showbiz pero iba’t ibang mga personalidad lamang ang sangkot.
Sa dami ng mga nagdaang kontrobersiya at eskandalo sa entertainment industry, dapat na natuto na ng leksyon ang mga tao, lalo na ang mga tagahanga ng mga artista na hindi dapat makisawsaw sa hidwaan ng mga magkakapamilya, magkadugo, mag-asawa, at magkapatid.
Siguradong sasapit ang panahon na magkakasundo sila gaya ng nangyari kina Ara Mina at Cristine Reyes, Sunshine Cruz at Cesar Montano.
Humantong noon sa korte ang away nina Ara at Cristine, pero sa huli, nangibabaw ang kanilang pagiging magkapatid kaya nagkasundo sila.
Read: Ara Mina just filed a libel and grave coercion suit against her half-sister Cristine Reyes
Mabibigat noon ang mga akusasyon ni Sunshine laban kay Cesar tulad ng marital rape at “acting inappropriately” sa harap ng kanilang mga anak na babae.
Read: EXCLUSIVE: Sunshine Cruz reveals honeymoon nightmare, abuse leading to marriage breakdown
Ngayon, magkasundong-magkasundo na sila ng kanyang ex-husband pero habampanahon nang matutunghayan sa Internet ang mga palitan nila ng matitinding paratang, maliban na lang kung makagawa sila ng paraan na mabura ang mga isyu na nababasa online para tuluyan na itong mabaon sa limot.