Tila isang teleserye nang sinusubaybayan sa India ang pagpapakamatay ng 20-year-old Bollywood actress na si Tunisha Sharma noong December 24, 2022.
Read: Indian actress Tunisha Sharma dies by suicide; police arrests her co-star, ex-boyfriend Sheezan Khan
Ito ay dahil hindi nawawalan ng mga bagong kaganapan ang isyu na maikukumpara sa pagpanaw ng flight attendant na si Christine Dacera noong January 1, 2021.
Tumagal ng ilang buwan ang pagtutok ng mga Pilipino sa kaso ni Dacera na, ayon sa awtopsiya, ay binawian ng buhay dahil sa ruptured aortic aneurysm sa New Year’s celebration nila ng mga kaibigan niya sa City Garden Grand Hotel.
Pero hindi kumbinsido ang kanyang ina na si Sharon Dacera.
Naniniwala si Sharon na may naganap na foul play sa pagkamatay ni Christine dahil may mga galos ito sa katawan.
Sa isang interbyu, inilahad niyang sinabi ng isang psychic na ipagkakanulo ang kanyang anak ng kaibigan nito.
Noong April 23, 2021, pinawalang-sala ng Makati Prosecutor’s Office ang labing-isang tao na isinangkot sa kaso ng rape at homicide kay Christine dahil sa kawalan ng sapat na ebidensya.
Read: Makati prosecutors junk rape-homicide charges against 11 respondents in Dacera case
Ikinukumpara sa Christine Dacera case ang pagpapatiwakal ni Tunisha dahil national issue na rin ito sa India.
Tulad ni Sharon, ang nanay ng Indian actress na si Vanita Sharma ang pangunahing tauhan.
Kontrobersiyal ang kaso ni Tunisha dahil winakasan nito ang sariling buhay noong December 24, 2022 sa pamamagitan ng pagbibigti sa sarili sa set ng Alibaba Dastaan-e-Kabul, ang television series na pinagbibidahan nila ng kanyang ex-boyfriend, ang aktor na si Sheezan Khan.
Nakapiit sa kasalukuyan si Sheezan matapos dakpin dahil sa bintang na siya ang nagtulak sa dating karelasyon para magpakamatay.
TUNISHA'S MOTHER HINTS AT MURDER, OTHER ACCUSATIONS AGAINST SHEEZAN AND HIS FAMILY
Ikinagulat ng publiko ang mga akusasyon at rebelasyon ni Vanita laban kay Sheezan na nakipaghiwalay sa kanyang anak labinlimang (15) araw bago ito nagpakamatay.
"It could be murder instead of suicide because Sheezan took Tunisha to a hospital far away from the studio, whereas the hospital was just 5 minutes away from the studio. But he did not take her there.
“There should be an inquiry as to what happened between Tunisha and Sheezan in those 15-20 minutes. Only then the truth will come out.
“Had Sheezan taken Tunisha to the nearest hospital, Tunisha would have been with us today because she was still breathing,” ang isinalin sa wikang Ingles na paratang ni Vanita na ikinabigla ng mga tao.
Higit na matindi ang sumunod na akusasyon ni Vanita laban kay Sheezan dahil, diumano, tinuruan nitong gumamit ng ipinagbabawal na gamot ang kanyang sumakabilang-buhay na anak.
Pahayag niya, "Although for the last few days, she had started hiding things. She started asking for money from her friends and even used to tell them not to tell her mother.
“So it is possible that Sheezan was taking drugs and for that Tunisha was asking her friends for money. Sheezan was also getting her addicted to drugs.
“Tunisha used to meet Sheezan's expenses. Even when his car broke down, Tunisha used to help him. For one month, he was traveling in my car as well.”
Mariin namang itinanggi ni Vanita ang bintang ng pamilya ni Sheezan na sinasakal niya ang kanyang anak at hindi binibigyan ng pera kaya nanghihiram si Tunisha sa mga kaibigan.
"Tunisha had no shortage of money. I used to transfer money to her from time to time. Even in the last 3 months, I had transferred up to Rs 3 lakh rupees [200,550 sa Philippine currency] to Tunisha. Tunisha used to buy expensive branded things. Whatever things Tunisha wanted, she used to bring them.
"Till date, I have never raised my hand on Tunisha, let alone strangle her. Sheezan and his family have used Tunisha in every way.
“Tunisha has visited America, Dubai, and Kashmir. We used to make plans to visit everywhere and we had also made plans to go to Goa. Whatever allegations Sheezan's family is making regarding Tunisha are totally wrong," paliwanag at pagtatanggol ni Vanita sa sarili.
Related Stories:
- The "truth" about matinee idol Alfie Anido's death on December 30, 1981, according to Juan Ponce Enrile
- PEP LOOKBACK: The gruesome murder of veteran actress Nida Blanca
- Ano ang tunay na ikinamatay ni Julie Vega?
- Pepsi Paloma, buhay pa rin sa alaala ng publiko 35 taon pagkatapos pumanaw
- Stella Strada: '80s sexy star na nagbigti sa kabila ng kanyang kasikatan