Ang kontrobersiyal na pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera ang isa sa mga celebrated case noong January 2021.
Bukod sa naging national issue, tinutukan ito ng media at ng mamamayang Pilipino kaya matagal na pinag-usapan.
Read: What we know about Christine Dacera's death and the many questions about the police probe
Tahimik na ginunita ng pamilya ni Christine ang ikalawang anibersaryo ng kanyang kamatayan noong January 1, 2023, at iilan na lamang ang nakaalala sa kasong pinagpistahan nang husto dalawang taon na ang nakalilipas.
Absuwelto ang labing-isang tao na nasangkot sa reklamo ng rape at homicide na may kaugnayan sa pagkamatay ni Cristine sa New Year celebration nila ng kanyang mga kaibigan sa City Garden Grand Hotel, Makati City, dahil sa kakulangan ng sapat na ebidensya at sa resulta ng autopsy na ruptured aortic aneurysm ang sanhi ng pagpanaw niya.
Read: Christine Dacera death “natural,” according to PNP medico-legal report
Sa kabila ng pagbasura ng Makati City Prosecutor’s Office sa reklamo laban sa mga pinaghihinalaang may kinalaman sa pagkamatay ni Christine, nananalig ang nanay niyang si Sharon Dacera na huhusgahan ng Panginoong Diyos ang mga kaibigan na nagkanulo umano sa kanyang anak.
Apparently, pinaniniwalaan pa rin ni Sharon ang pahayag ng psychic na kinonsulta niya noong February 2021 at nagsabing isang kaibigan ang magtataksil kay Christine.
Read: Sharon Dacera admits to consulting a psychic to find clues about daughter Christine's death
Isiniwalat ni Sharon ang rebelasyon ng psychic sa panayam sa kanya ni Luchi Cruz-Valdes ng TV5 na tila may kinalaman sa Facebook post niya noong December 24, 2022.
Nakasaad dito: “Your life was a blessing, Your memories we always treasured it, You're loved beyond words and dearly we missed you Ate Aica [tawag kay Christine ng kanyang pamilya].
“Those people who betrayed you eventually will reap their judgement from God, their life will never be at peace.
“They can't hide anything from God Almighty Father. We love you Anak and Lord God thy will be done.”
Read Related Articles:
- Suspect in Christine Dacera rape-slay case strongly denies accusations
- Son of Claire dela Fuente speaks up about alleged involvement in Christine Dacera rape-slay case: "Paano po naging rape? Bakla po ako."
- Christine Dacera camp reveals details about her death; her mom cries, "Binaboy niyo ang anak ko!"
- PNP, binabatikos dahil sa pahayag na "solved" na ang "rape-slay" case ni Christine Dacera
- CCTV footage shows last few hours Christine Dacera was seen alive
- Christine Dacera rape with homicide complaint no sufficient evidence; three suspects released
- Valentine Rosales posts uncut kissing video with Christine Dacera; insists he did not initiate kiss
- Four respondents in Christine Dacera case face the media; deny rape allegation
- CCTV footage shows Room 2207 occupants leaving hotel hours before Christine Dacera was found dead
- Rommel Galido, JP dela Serna speak about meeting Sharon Dacera, "mental torture" in police detention
- Dacera family willing to spend millions to uncover "truth" behind Christine’s death
- Makati prosecutors junk rape-homicide charges against 11 respondents in Dacera case
- Makati Prosecutor junks all complaints vs Christine Dacera companions, counter-complaints vs Sharon Dacera