PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Maui Taylor Denies Gab Lagman Link, Shares Joke

Ilang taga-showbiz ang naging boyfriend ni Maui?
by Jojo Gabinete
Published Jan 29, 2023
Maui Taylor, Gab Lagman
Dinenay ni Maui Taylor, 39, ang rumor na nagli-link sa kanya kay Gab Lagman, 27. Kahit nagkatrabaho sila sa two projects, bihira raw silang nagkita.
PHOTO/S: PR; @gablagman on Instagram

Nagtaka at ikinagulat ni Maui Taylor, 39, ang balitang nag-uugnay sa kanila ng 27-year-old actor na si Gab Lagman.

Wala raw itong katotohanan.

Nakatrabaho ni Maui si Gab sa ilang proyekto, pero hindi naman sila naging malapit sa isa’t-isa.

"Ano ba yung nangyari?" ang nagulat na reaksiyon ni Maui nang tanungin ito sa tsismis tungkol sa kanila ni Gab.

"Hindi ko alam yung isyu ni Gab Lagman. Nagkasama sa isang series lang, The Kasambahays [2019].

"Sa Hello, Universe [2023 movie], hindi kami nagkita kasi nung first shooting day, sila, fourth day ako.

"Magkasama kami sa The Kasambahays, pero hindi pa kami close noon."

ON GAB LAGMAN: "WALA TALAGA."

May isa pang patunay si Maui kung bakit hindi totoo ang balita.

“Si Gab? Eto na ang nakakatawa, tinawag ako na 'ate.' Na-ate zone ako so paano magiging kami?

"Nagulat ako, wala. Wala talaga. Nagkikita lang kami sa Viva office or kapag may basketball game, ako yung muse. Hi, ganoon lang,” ang depensa at paliwanag pa ni Maui.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ON JORDAN HERRERA: "NEVER."

Itinanggi rin ni Maui ang balitang nagkaroon sila ng relasyon ni Jordan Herrera, ang kapareha niya sa Gamitan, ang blockbuster launching movie niya na ipinalabas noong 2002.

"Na-link lang kami ni Jordan, pero never [na naging boyfriend]."

ON BRYAN REVILLA: ONLY BOYFRIEND NA TAGA-SHOWBIZ

Iisa lang daw ang nakarelasyo niya na taga-showbiz.

Aniya, "Si Bryan Revilla lang ang taga-showbiz na naging boyfriend ko, pero mabilis lang, six months,” ang sabi ni Maui na hindi na uli nagkaroon ng karelasyon na artista dahil sa kanyang sariling salita, "Parang na-trauma ako.”

SET-UP WITH EX-PARTNER

Sa ngayon, may dalawang anak si Maui sa kanyang naging partner na si Anton Sabarre.

Noong Huwebes, January 26, inamin niyang hiwalay na sila matapos ang halos sampung taon na relasyon.

Ang kaibahan lang, nagsasama pa rin sila sa iisang bahay alang-alang sa kanilang mga anak na lalake na may edad na pito at siyam.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nabanggit ni Maui na inalok ito noon ng kasal, pero tumanggi siya, at ngayong hiwalay na sila, napagtanto ng aktres na tama ang desisyon niya.

"Ang sabi nga ng aking BFF na si Katya [Santos], ‘Naku huwag kang magpakasal! Pagsisisihan mo.'

"Sabi ko, 'Huwag kang mag-alala. Wala naman talaga akong plano.'"

Ayon kay Maui, mutual ang decision nila ng kanyang ex-partner na maghiwalay.

"Sabay kami na bumitaw. Alam namin sa mga sarili namin na hanggang dun na lang.

“Actually nung nabuntis nga ako, umiyak ako noon. Na-shock ako. Sabi ng brother ko, ‘So ano, bakit ka umiiyak? Kasi tapos na yung rock-star life mo?’

"Lalo tuloy akong umiyak!” ang pagtatapat ni Maui.

Namayagpag ang career ni Maui bilang isa sa Viva Hot Babes at sexy star noong 2003. Sometime in 2008, pinili niyang talikuran ang showbiz para sa kanyang partner at mga anak, pero nagpasya siya na tuluyang balikan ang pag-arte noong 2019.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"I always knew that I was gonna end up in showbiz. Babalik at babalik ka rin. Masyadong masaya at makulay ang mundo ng showbiz. Siyempre, ito yung kinalakihan kong environment na kahit natsitsismis ka, iba yung happiness ng industriya natin.

"Thankful ako na kahit na ever since na bumalik ako noong 2019, sobrang smooth lang. Tahimik, wala kang naririnig na negative. Ayoko kasi ng negative energy. Gusto ko positive lang. Happy lang talaga.”

Paano maging happy kahit na may problema?

"Think of your blessings. Na masuwerte ka pa rin compared to other people na merong mas malaking problema kesa sa iyo.

"Think of where you are right now at this point in your life, kung saan ka galing, and you will learn to appreciate kapag tiningnan mo lahat. Saka, negative out!"

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dinenay ni Maui Taylor, 39, ang rumor na nagli-link sa kanya kay Gab Lagman, 27. Kahit nagkatrabaho sila sa two projects, bihira raw silang nagkita.
PHOTO/S: PR; @gablagman on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results