Kasalukuyang naririto sa Pilipinas si Bela Padilla dahil ipinu-promote nila ni Marco Gumabao ang Spellbound, ang kanilang pelikula na ipalalabas sa mga sinehan simula sa February 1, 2023.
Pero babalik din ang actress-director sa London sa susunod na buwan.
Dumalo si Bela sa red-carpet premiere ng Spellbound na ginanap nitong Lunes ng gabi, January 30.
Ayon sa kanya, iba pa rin ang pakiramdam sa tuwing umuuwi siya sa Pilipinas na malaking-malaki ang pagkakaiba sa London kaya hindi maaaring pagkumparahin.
“Very different, apples and oranges. Parang you can’t compare talaga. It’s very different, I can’t compare and this will always be home.
“It’s just now I have two homes. Iba pa rin yung pakiramdam kapag umuwi ng Pilipinas,” sabi ni Bela.
Read: Bela Padilla, "back to basics" ang pamumuhay sa London; babalik sa Pinas para sa promo ng 366
May bagong proyektong gagawin si Bela bago siya bumalik sa London sa Marso.
Natapos na ni Bela ang shooting ng If, ang pelikulang kinunan ang mga eksena sa South Korea. Siya ang sumulat, direktor, at lead actress ng proyektong pinagbibidahan nila ng South Korean actor na si Yoo Min-Gon.
“I shot a movie in South Korea and here in the Philippines last year na ako yung nag-direct, nagsulat, at umarte.
“Tapos ako ang nag-drive sa sarili ko papunta dito sa premiere night, driver na rin. Ayoko kasi nagpapasuweldo ng tao, ako lang. Joke lang."
Ipinagmalaki ang special participation ni Lorna Tolentino sa If.
Read: Lorna Tolentino, bilib sa istilo sa pagdidirek ni Bela Padilla
Sa ngayon, hindi muna gagawa si Bela ng pelikula sa South Korea dahil hindi naging madali sa kanya ang shooting ng If.
“Magpapahinga muna ako. Ang hirap ng Korea kasi siyempre language barrier tapos logistics. Twelve hours lang puwedeng mag-shoot,” sabi niya.
Nalilinya si Bela sa paggawa ng mga pelikulang may kinalaman sa South Korea.
Ang If ang pangalawang pelikula ni Bela na kinunan ang mga eksena sa South Korea. Doon din siya nag-shooting noong February 2020 ng Oppa na pinagsamahan nila ng Korean actors na sina Kim Gun-woo at Jasper Cho.
Ang Spellbound naman na tinatampukan nila ni Marco ang Philippine adaptation ng Spellbound, ang horror-romantic-comedy film na pinilahan sa mga sinehan sa South Korea nang ipalabas noong December 1, 2011.
Read: Bela Padilla on proposed ban of K-dramas in the Philippines: "Such a petty move"