Hailey ang pangalan ng bagong silang na anak ni Diego Loyzaga.
Ayon ito sa entertainment writer na si Dolly Anne Carvajal, matalik na kaibigan ni Cesar Montano, ang ama ng 28-year-old actor.
Hiningi ng Cabinet Files ang permiso ni Dolly Anne para maibahagi ang mga napag-usapan nila ni Cesar, kasama na ang kanyang pag-reveal sa pangalan ng pinakabago niyang apo.
Lahad ni Cesar, “I am proud and blessed. Praise God! Dumarami ang aking angkan. Only a great God can give such a beautiful gift, Hailey.”
READ Diego Loyzaga, madalas napupuyat dahil sa newborn baby?
Si Diego ang leading man ni Julia Barretto sa Will You Be My Ex?, ang pelikula nila sa Viva Films na ipalalabas sa mga sinehan simula sa June 21, 2023.

Kasalukuyang nasa Australia si Diego kaya hindi ito personal na nakadalo sa media conference ng proyekto nila ni Julia at nauunawaan ito ng entertainment writers dahil nakatutok ang atensyon niya kay Hailey.
Malaki ang posibilidad na hindi rin siya makadadalo sa red carpet premiere ng Will You Be My Ex? na magaganap sa Martes, June 20, sa SM North Cinema dahil nasa ibang bansa pa siya, sa piling ng kanyang anak at ng karelasyon niya.
Pero tiyak na ikatutuwa ni Diego ang mga papuri sa kanya ni Julia na ipinagmamalaki ang pagganap na ipinamalas niya sa Will You Be My Ex?
“Si Diego, matagal ko nang kaibigan, so parang doing this film, nagkaroon kami ng chance to catch up. It was like a reunion kasi yung last namin na nagkasama was apparently, It’s Wansapanataym, which was 2014.
READ Diego Loyzaga speaks about blended family with dad Cesar Montano

“The point is, matagal ko na siyang kilala, so there was no awkwardness. It’s always a safe space sa set. Masaya lang, it was such a fun set. Everybody was just working happily.
“Actually, proud ako kay Diego sa film na ‘to. I would tell him this all the time, nakaka-proud siya kasi iba yung ibinigay niya sa pelikula. Nakitaan ko siya ng maraming heart and vulnerability. Ipinakita niya yun sa aming lahat.
“I am so glad we did this movie at such a good time in his life. Diego is such a wonderful person and he showed me so much kindness all throughout filming.
“I am excited na makausap niyo siya because he’s in a really good place. Ang refreshing niyang kausap and sana makausap niyo rin siya soon,” mga papuri ni Julia kay Diego bago nito inamin sa publiko ang pagiging ganap na ama.