Ikinatuwa ng mga tagahanga at tagasuporta ni MJ Lastimosa nang mapanood ito noong July 13, 2023, bilang co-host ng E.A.T., ang noontime show nina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon sa TV5.
Nang makita ng fans si MJ sa E.A.T. mula noong nakaraang Huwebes at sa sumunod na araw sa "Sugod Bahay" segment, umasa silang magiging permanent co-host na siya sa noontime show.
Sa kabila ng kanyang mga pinagkaka-abalahang proyekto, hindi nagpatumpik-tumpik si MJ na tanggapin ang imbitasyon bilang guest co-host sa bagong TVJ show sa TV5.
Kahit isang taon na silang hindi nagkikita-kita ng mga kaibigan niya, at maraming pagbabago ang nangyari, hindi raw nakaramdam si MJ ng pagka-ilang.
"It’s a familiar home. Pagpasok mo sa trabaho after a long time of not being there, and with a new name, hindi ka feeling lost at kailangan na mangapa.
"The connection is effortlessly there and even as a viewer or as a co- host, I will always love, respect, and will always be grateful to this family I found during the pandemic,” ang pahayag ni MJ sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa kanyang pagbabalik sa noontime show nina Tito, Vic, Joey, at ng Dabarkads.
Magiging mainstay kaya siya?
Ayon sa PEP Troika, isa si MJ sa kinausap ng TAPE, Inc. na maging host sa revamped Eat Bulaga!.
Nag-yes daw ang beauty queen, pero, last minute, ay nagbago ang isip niya at hindi na tumuloy.
Mukhang mas pinili niyang maging Legit Dabarkads nina Tito, Vic, and Joey.
Read:
- Here's a full guide to the new hosts of revamped Eat Bulaga!
- What do netizens say about revamped 'Eat Bulaga!' and its hosts?
Matatandaang hindi pa tapos ang pandemya nang pumasok si MJ bilang co-host ng Eat Bulaga!, at naging malapit na kaibigan niya sina Maja Salvador, Miles Ocampo, at Maine Mendoza kaya binansagan sila na Eat Bulaga!’s 4M.
Read:
- MJ Lastimosa ecstatic over Singapore sleepover with Maine Mendoza, Maja Salvador
- MJ Lastimosa, lumabas ang natural na pagka-kikay bilang Eat Bulaga co-host
Nagustuhan ng viewers ang kikay personality ng dating Bb.Pilipinas-Universe titleholder, pati na rin ang kakayahan nitong pagtawanan ang sarili.
Pero noong March 2022, hindi na nila nasilayan si MJ sa nasabing noontime show.
Kasunod nun, gumawa siya ng pelikula, at naging abala sa hosting stints niya sa mga regional pageants.
Pinagtuunan din ng Bb.Pilipinas-Universe 2014 winner ang kanyang The MJ Lastimosa Channel sa YouTube, at naglunsad siya ng The Secret Lounge Show na pawang mga beauty queens, kings, at mga miyembro ng LGBTQ community ang mga guests.