PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Aktor Tumanggi sa Alok ng Talent Manager

Very loyal!
by Jojo Gabinete
Published Oct 4, 2023
Blind Item
Bagamat malaki ang offer, pinili ng aktor na manatili sa poder ng talent manager na nagpasikat sa kanya.
ILLUSTRATION: Igi Talao

Lumitaw ang magandang ugali ng sikat na aktor nang makatanggap ng tawag mula sa kinatawan ng isang talent management agency na inalok siyang lumipat at nangakong higit na pauunlarin ang kanyang showbiz career.

Hindi natukso ang aktor sa nakasisilaw na alok ng talent management agency dahil marunong siyang tumanaw ng utang na loob sa talent manager na nagpasikat sa kanya.

Hinding-hindi malilimutan ng aktor na ang talent manager ang sumugal sa kanya noong nag-umpisa siya sa showbiz at walang pumapansin sa kanya.

Read:

Maimpluwensiyang Personality at Fashion Personality, nagtalakan at nag-iskandalo sa birthday party

Mga aberya sa set: May na-pack up, nagsakalan, naatrasan ng sasakyan

Sinong "JP" ang pinatatamaan ni Aiko Melendez sa kanyang blind item?

Ang talent manager ang nagtiyaga sa pag-aalaga sa kanya, at hindi nawalan ng pag-asang darating ang araw na sisikat din ang mabait at masipag na aktor.

Nagbunga ang mga pagsisikap ng talent manager dahil nagbibida na ngayon sa mga pelikula at TV series ang kanyang alaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nababawi na rin ng talent manager ang mga ginastos nito dahil nakakapagpresyo na siya ng mataas na talent fee para sa aktor na in demand sa mga product endorsements at out-of-town shows.

Read:

Dating Sikat na Aktor, Maganda at Mayamang Celebrity, naging sila ba?

Female singer, nagwala sa comedy bar matapos makipag-away sa yummylicious boyfriend

Alluring Actress, echosera sa pahayag na pumayat dahil lamang sa diet

Mapalad ang talent manager sa pagkakaroon ng alagang tapat at malaki ang pagpapahalaga sa loyalty.

Dapat itong tularan ng ibang mga showbiz personality na mabilis masilaw sa mga nakatutuksong alok, pero nagsisisi sa huli dahil sa desisyong maling-mali.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Read More Stories About
blind item, showbiz fans
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bagamat malaki ang offer, pinili ng aktor na manatili sa poder ng talent manager na nagpasikat sa kanya.
ILLUSTRATION: Igi Talao
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results