Dalawang beauty queen ang kasama sa cast ng Season 2 ng Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis.
Bukod kay Herlene Budol, may partisipasyon din si Miss Universe Philippines 2022 Celeste Cortesi sa action-comedy series ng GMA-7 na pinangungunahan ni Senator Bong Revilla Jr.
READ: Former Manila Mayor Isko Moreno, Miss Universe 2022 Celeste Cortesi join Sparkle GMA Artist Center
Ang Walang Matigas na Pulis ang unang regular na programa ni Celeste bilang contract star ng Sparkle, ang talent management arm ng GMA Network Inc., pero nabigyan na siya noon ng guest role sa Darna ng Kapamilya Channel at sa Pepito Manaloto, ang sitcom ng Kapuso Network.
READ: Bong Revilla aksidenteng tinamaan ng baril sa mata sa Walang Matigas Na Pulis taping
“This is my first role in GMA so when they talked to me about it, I was just very happy and grateful.
"And, of course, thank you to GMA, thank you to Senator Bong for the opportunity!
“It’s definitely something very different from what I actually do because I’m in pageantry, I’m in modeling.
"And this is my first time to get into acting, but I think this is really the best group and cast that I could ask for,” ang pahayag ni Celeste sa media conference ng Walang Matigas na Pulis na ginanap noong Biyernes, Enero 26, 2024.
Hindi pa nakakapag-umpisa si Celeste ng taping para sa kanyang bagong television show sa GMA-7 kaya hindi pa makapagbahagi ang beauty queen ng mga karanasan niya sa set ng Walang Matigas na Pulis pero nagkaroon na siya ng pagkakataon na makasalamuha ang cast sa Christmas party nila noong nakaraang buwan at sa kanilang pictorial.
“I haven’t started my taping yet because it’s gonna be in the next few weeks,” ang rebelasyon ng Fil-Italian beauty queen.
“But I had the chance of course to meet them during the Christmas party and during the photo shoot.
“They’re such amazing people so mababait talaga,” ang mga papuri ni Celeste tungkol sa mga artista ng kanilang action-comedy series na labing-apat na linggo na mapapanood sa Kapuso network simula sa Pebrero 4, 2024.