PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Baron Geisler Brought Hash Brownies to Tabing Ilog Taping

Baron Geisler, inaming 12 years old lang nang unang nakatikim ng droga.
by Jojo Gabinete
Published Feb 13, 2024
baron geisler hash brownies
Baron Geisler on doing drugs when he was just 12 years old: "Kasi yung rason ko noon, gusto kong tumanda agad. Sumama sa barkada ng kuya ko gumimik at mambabae."
PHOTO/S: Marites University YouTube

Sina Baron Geisler at Jiro Manio ang dalawa sa mga aktor na hindi inililihim ang pagkakalulong nila noon sa paggamit ng mga ipinagbabawal na gamot.

Read: Jiro Manio on how young he started doing drugs and what role he will not play for now

Sa kanilang pag-uusap sa special episode ng "Tao Lang," na napanood sa YouTube channel ng Marites University, isiniwalat nina Baron at Jiro na mga menor de edad pa lang sila nang umpisahan nila ang paggamit ng mga ipinagbabawal na gamot.

Naging sanhi ito ng pagkasira ng kanilang personal at propesyunal na buhay.

Read: Baron Geisler details how alcohol and drugs almost destroyed his life: "Wala ako sa tama kasi laging may tama."

Labindalawang taong gulang lamang si Baron nang makatikim ng ilegal na droga.

Lahad niya, “Twelve years [old] nang unang humithit ng hardcore drugs.

"Kasi yung rason ko noon, gusto kong tumanda agad. Sumama sa barkada ng kuya ko gumimik at mambabae.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Noon, every Saturday lang o kapag may okasyon, hanggang sa, ayun na, hinahanap-hanap na ng sistema ko.

“Hindi na ako nagbabayad ng runner. Ako na yung nagiging runner.

"Ang galing ko nang dumiskarte. Kasi yung iba nanginginig, e. Hindi nila kaya. Ako suwabeng-suwabe,” tila may pagmamalaki pang pahayag ni Baron.

Ipinagtapat din ni Baron na walang araw noong hindi siya lasing at gumagamit ng marijuana.

Boluntaryo ring ibinahagi ni Baron ang kuwento tungkol sa pagdadala niya ng hash brownies (brownies na may marijuana) sa taping ng Tabing Ilog sa Pagsanjan, Laguna.

Binibigyan daw niya noon ang kanyang co-stars pati na ang ilang crew member.

Pero tila nawala sa kanyang isip na protektahan ang mga dating kasamahan sa youth-oriented program ng ABS-CBN na napanood sa telebisyon mula Marso 1999 hanggang Oktubre 2023.

Labimpitong taong gulang si Baron nang maging cast member siya ng Tabing Ilog.

Seventeen years old din si Patrick Garcia, at parehong 14 years old lang noon sina Paolo Contis at John Lloyd Cruz — ang mga co-star niya sa naturang programa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

tabing ilog cast

(From left) Baron Geisler, Paolo Contis, Patrick Garcia, and John Lloyd Cruz

Kuwento ni Baron, “Tabing Ilog, di ba? Akala mo malilinis kami, di ba? Hindi nila alam, may mga sungay na nagti-trip kami.

“Ito ang nakakatawa, kasi parang legal na ako sa bahay. Wala na silang magawa, e.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"So, gumagawa ako ng brownies, hash brownies. Ibibigay ko sa lahat ng mga cameraman pero alam na nila.

“Pero yung mga nagta-traffic na tricycle...

"So, mabalik ako sa istorya, matik [automatic] na yan. Hinahanap nila every Wednesday yung brownies ni Baron kasi ang lakas, e, tapos suwabe.

“This time, ginawa kong extra strong. So, yung mga nagta-traffic ng tricycle dahil nag-shoot kami sa bahay.

"School day parati yon, Wednesday, school day, maraming tricycle na dumadaan.

“Sumigaw si Miss Judith Bauer [executive producer] ng ‘P…I..! Nasaan ang mga nagta-traffic? Bakit ang ingay?’

“Tawanan kaming lahat! Nakatulog, hindi kaya. Tamang-tama sila. Napatulog sila ng brownies.

"Pero kami, naka-brownies din kami habang umaarte. Tinginan na lang kami.

"Ang saya. Ang saya lang mag-trip nung times na yon!”

Dahil sa kanyang mga rebelasyon, tahasang kinumpirma ni Baron ang pagtikim din ng mga kasamahan niya sa Tabing Ilog ng ipingbabawal na substance.

Puwede itong ikabahala ng co-stars ni Baron dahil bukod sa malaking pagpapahalaga nila ngayon sa pribadong pamumuhay, may pinoprotektahan na silang kinabukasan ng kanilang mga anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Baron Geisler on doing drugs when he was just 12 years old: "Kasi yung rason ko noon, gusto kong tumanda agad. Sumama sa barkada ng kuya ko gumimik at mambabae."
PHOTO/S: Marites University YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results