"Naluha ako dun," ang sambit ni Dennis Padilla nang tanungin tungkol sa birthday message na natanggap niya mula sa anak na si Julia Barreto nang magdiwang siya ng ika-62 na kaarawan noong Pebrero 9, 2024.
Nakausap si Dennis Padilla ng entertainment media sa presscon ng isang indie movie na tinatampukan niya.
Naganap ito ngayong Sabado ng gabi, Pebrero 24, 2024, sa isang hotel sa Quezon City.
Ang People’s Journal entertainment editor na si Eugene Asis ang nagtanong kay Dennis tungkol sa ulat na inilabas ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Biyernes, Pebrero 23.
Read: Dennis Padilla, nakatanggap ng mensahe mula kay Julia Barretto
Bakas sa mukha ni Dennis ang nararamdaman na kaligayahan dahil makalipas ang halos tatlong taon, bukas na muli ang komunikasyon sa pagitan nila ni Julia.
Read: Dennis Padilla to daughter Julia Barretto: “Hindi ko matandaan kailan tayo huling nagkita.”
"That was sweet. Para bang tagos sa puso yung mararamdaman. That’s why I am so happy. I hope makapag-dinner or lunch kami soon.
"Hindi lang si Julia. Gusto ko rin siyempre makita si Claudia, saka si Leon kasi almost two years ko na silang hindi nakikita. More, I think more,” ang pahayag ni Dennis.
Read: Dennis Padilla greets daughter Claudia Barretto on her 24th birthday; Claudia still "deadma"?
PROJECT WITH DAUGHTER SOON?
Umaasa rin siyang mabibigyan ng pagkakataong makatrabaho si Julia na huli niyang nakasama noong 2008 sa isang action drama series ng ABS-CBN. Nine years old pa lamang noon ang dalaga/
"Hopefully, itong mga darating na panahon, baka magkasama kami sa pelikula dahil the last time na magkasama kami was ABS pa, Palos, the one with Cesar Montano.
"Ako yung sidekick, saka si Redford White. Bata pa si Julia noon."
Binati rin ni Dennis si Julia dahil sa pelikula nitong ipinalabas sa mga sinehan kamakailan lamang, ang Ikaw Pa Rin ang Pipiliin Ko.
Pinuri niya ang pagganap ng kanyang anak sa pelikula, kung saan nakasama niya si Aga Muhlach.
Read: Julia Barretto naiintindihan ang agam-agam ng publiko sa tambalan nila ni Aga Muhlach
Nang ipaalaala kay Dennis na malapit na ang kaarawan ni Julia,
"Sa March 10, twenty-seven [years old] na siya,” ang kanyang reaksiyon.
At nang banggitin na magdiriwang din ng kaarawan sa March 7 ang boyfriend ni Julia na si Gerald Anderson, sumagot siya ng, "Si Gerald, kailan ko ba huling nakita si Gerald? Ah, baka mga ten years ago ko pa huling nakita si Gerald. Baka hindi lang.”
Positibo ang mga reaksiyon sa muling pag-uusap nina Dennis at Julia.
Isa itong paalaala sa lahat na hindi dapat nakikialam o nagbibitaw ng mga masasakit na salita ang mga taong nakikisawsaw sa isyu dahil sa kabila ng pagkakaroon ng tampuhan ng mag-ama, tiyak na darating ang panahon na mangingibabaw ang pagmamahal nila sa isa’t-isa.