PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Andi Eigenmann on posthumous award of mom Jaclyn Jose

Andi Eigenmann on posthumous award of mom Jaclyn Jose
by Jojo Gabinete
Published Apr 20, 2024
jacyn jose andi eigenmann parangal ng sining
Andi Eigenmann (right) on receiving posthumous recognition for mom Jaclyn Jose (left): “Ako po ay pinagpala na lumaki sa mga kamay ng isang napakagaling na aktres na ibinigay ang buong buhay, ang buong puso, buong kaluluwa niya sa paglikha ng mga pelikula at sa pag-arte. Masakit pa po sa akin na ako ang makakatanggap nito para sa kanya, pero sigurado po ako na nakangiti po siya ngayon sa langit."
PHOTO/S: Pau Guevarra / Twitter

Panay ang tulo ng luha ni Andi Eigenmann habang pinakikinggan nito ang pagpapakilala ni FDCP Chair Jose Javier Reyes sa pumanaw na ina ni Andi na si Jaclyn Jose.

Pinagkalooban si Jaclyn ng posthumous Honorary Distinction sa 2nd Parangal ng Sining na ginanap sa Seda Hotel, Vertis North, Quezon City, ngayong Biyernes ng gabi, Abril 19, 2024.

Read: Alden Richards, nagbigay-pugay muli sa namayapang Jaclyn Jose

"The Queen of Underacting" ang paglalarawan ni Reyes kay Jaclyn, na una at nag-iisang Pilipina na nanalong best actress sa Cannes Film Festival para sa kanyang pagganap sa Ma’Rosa noong 2016.

Read: Jaclyn Jose wins Best Actress at Cannes for Ma' Rosa

Bahagi ng pagpapakilala ni Reyes kay Jacyn, “Pero higit sa lahat, isa siyang tunay na kaibigan, mabuting ina, at alagad ng sining.

"Para sa lahat ng buong puso na ibinigay mo sa amin, maraming-maraming salamat Jane. Hinding-hindi ka namin makakalimutan.

“The Film Development Council of the Philippines bestows an Honorary Distinction to the unique, the incomparable and definitely, the irreplaceable Jaclyn Jose.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasama ni Andi na dumalo sa Parangal ng Sining ang kanyang fiancée na si Philmar Alipayo.

Mula sa aming kinauupuan, kitang-kita namin ang pagpapahid ng luha ni Andi habang nakikinig sa mga sinasabi ni Reyes at nang ipakita ang mga video ni Jaclyn noong nabubuhay pa ito.

Read: Andi Eigenmann pens tribute to late mom Jaclyn Jose: “Wala na ang sakit. Wala na ang takot.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

andi eigenmann philmar alipayo parangal ng sining

Nakangiti pero tumutulo ang luha ni Andi nang tanggapin nito ang parangal para sa kanyang pumanaw na ina.

Pinasalamatan ni Andi sa acceptance speech nito ang FDCP dahil sa pagkilala sa mga kontribusyon ng kanyang ina sa industriya ng pelikulang Pilipino.

“Hindi ko inasahan na makakaakyat pa ako sa entablado para sa industriyang ito, para sa aking nanay na si Jaclyn Jose,” sabi ni Andi.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Masaya po akong tumatayo dito para tanggapin ang parangal na ito para sa kanya. Maraming salamat po sa Film Development Council of the Philippines sa pagbigay ng parangal na ito sa aking nanay, si Jaclyn Jose.

“Ako po ay pinagpala na lumaki sa mga kamay ng isang napakagaling na aktres na ibinigay ang buong buhay, ang buong puso, buong kaluluwa niya sa paglikha ng mga pelikula at sa pag-arte.

“Masakit pa po sa akin na ako ang makakatanggap nito para sa kanya, pero sigurado po ako na nakangiti po siya ngayon sa langit.

“She deserves this award and thank you so much for that recognition. Masaya ko pong ihihilera ito sa kanyang mahigit fifty na tropeo dahil sa kanyang galing sa pag-arte.

"Salamat po.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Andi Eigenmann (right) on receiving posthumous recognition for mom Jaclyn Jose (left): “Ako po ay pinagpala na lumaki sa mga kamay ng isang napakagaling na aktres na ibinigay ang buong buhay, ang buong puso, buong kaluluwa niya sa paglikha ng mga pelikula at sa pag-arte. Masakit pa po sa akin na ako ang makakatanggap nito para sa kanya, pero sigurado po ako na nakangiti po siya ngayon sa langit."
PHOTO/S: Pau Guevarra / Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results