Non-bailable o walang piyansa ang kasong serious illegal detention for ransom kaya hindi na nakauwi ng bahay si Deniece Cornejo matapos basahin ang hatol na guilty sa kanya at sa mga kapwa niya akusado.
Ngayong Huwebes, Mayo 2, 2024, reclusion perpetua o habambuhay na pagkakakulong ang parusang ipinataw ng Taguig City Regional Trial Court (RTC) Branch 153 kina Deniece, Cedric Lee, Ferdinand Guerrero, at Simeon Raz.
Kaugnay ito ng kasong serious illegal detention for ransom na isinampa ng TV host-actor na si Vhong Navarro.
Read: Cedric Lee, Deniece Cornejo found guilty in Vhong Navarro serious illegal detention case
Dinakip kaagad si Deniece para dalhin sa kulungan.
Base sa impormasyong nakalap ng PEP.ph, sa Correctional Institution for Women sa Mandaluyong City dadalhin si Deniece.
Naranasan ngayon ni Deniece ang nangyari kay Vhong noong Setyembre 19, 2022.
Isa itong pagpapatunay na "bilog ang mundo" at may bahid ng katotohanan ang kasabihang "what goes around comes around."
VHONG NAVARRO'S ORDEAL
Noong Setyembre 19, 2022, nagsadya si Vhong sa tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI) dahil sa warrant of arrest na inilabas ng Taguig RTC Branch 69.
May kinalaman ito sa kasong panggagahasa na isinampa laban sa kanya ni Deniece.
Read: Vhong Navarro detained at NBI after voluntary surrender in rape case
Hindi na pinayagan si Vhong makauwi ng bahay nang araw na iyon dahil walang piyansa o non-bailable ang reklamong inihain ni Cornejo.
Read: Taguig court orders arrest of Vhong Navarro for rape; no bail recommended
Makalipas ang dalawang buwan na pagkakabilanggo sa NBI detention center sa Maynila, inilipat si Vhong sa Taguig City Jail sa Camp Bagong Diwa, Taguig City, noong Nobyembre 21, 2022.
Read: Vhong Navarro transferred to Taguig City Jail
Pero noong Disyembre 6, 2022, pinayagan siya ng korteng magkaroon ng pansamantalang kalayaan, kapalit ang isang milyong pisong piyansa.
Read: Vhong Navarro posts P1M bail for temporary liberty
For vhong, it is JUSTICE SERVED
Natuwa ang pamilya, mga kaibigan, at ang mga tagahangang nagmamalasakit kay Vhong Navarro dahil, makalipas ang napakatagal na sampung taon, nakamit niya ang pinakaaasam na hustisya.
Read: Vhong Navarro reacts to conviction of Cedric Lee, Deniece Cornejo in serious illegal detention case
Sa kabilang banda, may mga nasaktan at nalungkot sa sinapit ni Deniece dahil dumating ang isang napakatinding dagok sa kanya sa panahong sinasabing nagbabagong-buhay na siya.
Read: Vhong Navarro, Deniece Cornejo legal tussle: A Timeline
DENNIS ROLDAN'S CASE
Hindi si Deniece ang unang personalidad na hindi na pinayagan ng korteng makauwi sa tahanan matapos basahan ng hatol.
Ganito rin ang nangyari sa aktor na si Dennis Roldan noong Hunyo 23, 2018, na kidnapping for ransom din ang kasong kinasangkutan.
Inakusahan si Roldan ng pagdukot sa isang batang lalaki noong 2005.
Napatunayan ng Pasig City Regional Trial Court Branch 159 na "guilty beyond reasonable doubt" ang veteran actor.
Matapos ang pagbasa ng hatol sa kanya, dinakip siya at agad na dinala sa New Bilibid Prisons sa Muntinlupa City.
Gaya ni Roldan, "guilty beyond reasonable doubt" ang hatol ng Taguig City Regional Trial Court Branch 153 kay Deniece at sa mga kapwa nito akusado.
Read: Dennis Roldan gets guilty verdict for kidnapping Filipino-Chinese boy in 2005