Ang dating aktor na si Dale Villar na permanente nang naninirahan sa Portland, Oregon, USA ang isa sa mga nakasaksi sa Northern Lights na nakita sa ilang bahagi ng Amerika sa kauna-unahan na pagkakataon.
“Massive solar storm” ang paliwanag tungkol sa kababalaghan ng paglitaw sa Amerika ng Northern Lights o Aurora Borealis na dinarayo sa Europe ng mga turista para makita ang nakamamangha na iba’t ibang kulay sa kalawakan.
NORTHERN LIGHTS, FIRST TIME NA MAKIKITA MULA SA AMERIKA
Ibinahagi ni Dale sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal ang mga larawan ng Northern Lights na kuha niya mula sa tahanan nila ng kanyang pamilya sa Oregon.

Ayon kay Dale, naganap ang Northern Lights phenomenon sa Oregon noong Biyernes, Mayo 10, bandang alas-onse nang gabi.
“I was shocked it happened,” ang pahayag ni Dale sa Cabinet Files.
“You can see it from our house. I don’t know the science behind it but I was aware a magnetic storm allowed that to happen.
“This is the very first time I have ever seen this. It’s extremely majestic… where the colors and lights just have an amazing effect.
“It lasted for hours and from where we are, all of our family, saw it. It will come again tonight and maybe the day after,” ang salaysay ni Dale sa Cabinet Files nitong Linggo nang umaga, Mayo 12, tungkol sa kanyang pambihirang karanasan.
READ:
Dale Villar recalls the time he and Patrick Guzman were "bulol Tagalog boys"
Dating aktor na si Dale Villar, inilarawan ang "super scary, apocalyptic" wildfire sa Oregon
Jennylyn Mercado and Dennis Trillo witness Northern Lights in Finland
DALE, NAKALIMUTANG MAG-SELFIE SA SOBRANG MANGHA
At dahil sa matinding kasabikan, nalimutan ni Dale na kunan ng litrato ang sarili at ang kanyang pamilya habang pinagmamasdan nila ang Northern Lights.
Inaasahan na muling makikita sa kanilang lugar ang Northern Lights kaya nangako si Dale na sisiguraduhin nitong makukunan niya ng litrato na kasama siya ang natural phenomenon na matibay na ebidensya sa nasaksihan nila ng kanyang pamilya.
READ:
Crush ng Bayan in the 90s turned non-showbiz daddies
Kim Chiu and Xian Lim spellbound by northern lights
Kathryn Bernardo, Daniel Padilla bask in Northern Lights magic in Iceland