PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Robb Guinto screen name, mas suwerte raw ayon sa feng shui

Totoo kayang malas ang three-letter names ayon sa feng shui?
by Jojo Gabinete
Published Jul 13, 2024
Robb Guinto headlines Unang Tikim
Robb Guinto, ipinaliwanag kung paano niya binago ang kanyang screen name para mas maging suwerte ayon daw sa prinsipyo ng feng shui. Lahad niya, “Sa feng shui kasi sabi nila yung tatlong letra [na pangalan] masyadong malas, so kailangan mag-add para maging apat."
PHOTO/S: Jojo Gabinete

May kinalaman ang feng shui sa desisyon ng sexy actress na si Robb Guinto na dagdagan ng isang letra ang screen name niya dahil may mga nagsabi sa kanya na diumano, malas ang pangalan na tatlo lamang ang letra.

Robb Guinto
Robb Guinto
Photo/s: courtesy of Rommel Gonzales

Ang narinig na pamahiin ang dahilan kaya mula sa dating screen name na Rob, Robb na ang pangalan na ginagamit ng sexy star na nagbida sa maraming pelikula ng Vivamax.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ROBB ATTRIBUTES LUCKy streak TO FENG SHUI

Magiging mainstream actress na rin si Robb dahil magkakaroon ng theatrical release simula sa Agosto 7, 2024 ang Unang Tikim, ang proyekto na pinagbibidahan nila ni Angeli Khang.

Unang Tikim starring Angeli Khang (L) and Robb Guinto
(L-R) Angeli Khang and Robb Guinto
Photo/s: Vivamax

“Sa feng shui kasi sabi nila yung tatlong letra [na pangalan] masyadong malas, so kailangan mag-add para maging apat,” ang paliwanag ni Robb tungkol sa screen name niya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Naniniwala si Robb na totoo ang kasabihan na kanyang narinig dahil naging masuwerte siya mula nang palitan ang spelling ng pangalan niya.

Bukod sa sunud-sunod ang kanyang mga proyekto, nagpapatayo na siya ng sariling bahay na mula sa mga kinita niya bilang sexy star.

READ:

Robb Guinto admits getting indecent proposals from DOMs

Robb Guinto admits using plaster for intimate scenes in Araro

ROBB SHARES WORD OF CAUTION TO ASPIRING SEXY STARS

Pero kakaiba si Robb dahil kung ito ang tatanungin, ayaw niya na hikayatin ang mga kabataan na sundan ang kanyang mga yapak bilang Vivamax star.

“Hindi ko hinihikayat yung mga kabataan na mag-join sila sa Vivamax kahit sabihin natin na nandito ako,” ang deklarasyon ni Robb sa Cabinet Files.

“Ang masasabi ko lang sa kanila, kung gusto talaga nila, maging handa sila.

“Maging handa sila sa mga sasabihin ng mga tao.

“Kailangan matibay ang loob mo, malakas ang loob mo na bago ka pumasok sa ganito, kailangan ready talaga at kailangan matanggap ng family mo,” ang payo ni Robb na pinaghandaan noon ang pagpirma niya ng kontrata sa Viva at paggawa ng mga pelikula para saVivamax.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ipinaliwanag ni Robb na “Before ako nag-join sa Vivamax, sexy model ako. Talagang ginusto ko na rin na sumali kasi, why not? Malaking pangalan ang Viva at siyempre, baka para sa akin talaga ito.

“Second chance ko na. Nung una, tinanggihan ko tapos yung pangalawa, sabi ko, baka para sa akin talaga.

“At bago ako pumirma ng kontrata, nagsabi ako sa parents ko. Sobrang supportive nila sa mga desisyon ko.”

READ:

Robb Guinto, new Vivamax Queen? Pinakyaw ang slots sa Top 10 Movies

Angeli Khang at Robb Guinto, mapapanood na sa big screen

Rob Guinto, pina-tattoo ang pangalan ng ex!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Robb Guinto, ipinaliwanag kung paano niya binago ang kanyang screen name para mas maging suwerte ayon daw sa prinsipyo ng feng shui. Lahad niya, “Sa feng shui kasi sabi nila yung tatlong letra [na pangalan] masyadong malas, so kailangan mag-add para maging apat."
PHOTO/S: Jojo Gabinete
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results