JERRY OLEA
As expected, nanguna sa Top 10 Movies ng Vivamax ang Foursome na nag-streaming umpisa Disyembre 22, 2023, Biyernes.
Bida sa Foursome sina Robb Guinto, Armina Alegre, Nico Locco (in photo), at Mark Dionisio, sa direksiyon ni Gavino Roecha.

Number 4 naman ang Afam, kung saan bida rin sina Robb at Nico, sa direksiyon ni Linnet Zurbano.
Number 7 ang Sugar Baby, na bida rin si Robb, kasama sina Azi Acosta, Jeffrey Hidalgo, at Josef Elizalde, sa direksiyon ni Christian Paolo Lat.
At pansampu ang Paupahan, na tampok din si Robb, sa direksiyon ni Louie Ignacio.
Kasama si Robb sa apat sa Top 10 Movies ng Vivamax!
Read: Pinoy Sexy Movies 2023: Who are the new Vivamax Queens and Los Hubaderos?
Nasa cast din si Robb ng four-episode na Araro, na currently number 1 sa Top 10 Series ng Vivamax.
Sina Robb at Mark lang ang present sa mediacon ng Foursome noong Disyembre 21, Huwebes ng hapon sa Viva Cafe sa Cubao, Quezon City.
Kuwento ng sexy star, “Bago po namin ginawa itong pelikula, talagang sobrang… wala actually akong idea kung paano yung gagawin ko.
“Kasi, ang character ko dun is may asawa ako, bale si Mark yung asawa ko dun, si Dino. And then hanggang sa paulit-ulit kong binabasa yung sa script para mas maintindihan ko yung kuwento.”
Sabi naman ni Mark, “Mag-asawa kami, tapos after a few months nagkaproblema kami sexually.”
Sambit ni Robb, “Parang nagkaroon siya ng erectile dysfunction.”
Sa totoong buhay ay wala raw problema si Mark kaugnay sa performance ng kanyang private part.
Itong Foursome ang first time na nagbida si Mark sa Vivamax.
Pahayag ni Mark, “Nung una kasi, yung mga ginawa ko sa Vivamax, hindi pa ako under Viva Artists Agency. Tapos this year po, pagpasok ko, nabigyan na ako ng lead role.”
Kasama si Mark sa pelikulang Sugapa, na pinagbidahan nina AJ Raval at Aljur Abrenica.
Read: AJ Raval addresses rumor about Aljur Abrenica getting her pregnant
Sa ngayon, wala pang next project na naka-line up ang Vivamax for Mark.
Ang Top 10 Movies ng Vivamax ngayon ay Foursome, Higop, Kamadora, Afam, Ganti-Ganti, Bisyo!, Sugar Baby, Haslers, Tayuan, at Paupahan.
Samantala, ang Top 10 Series ay Araro, High (School) On Sex 2, Secret Campus, Halo Halo X, Pantaxa Laiya, Lovely Ladies Dormitory, Wag Mong Agawin Ang Akin, High (School) On Sex, Sssshhh!, at Sex Hub.
NOEL FERRER
Mahigit sampung project ang natapos ni Robb Guinto sa Vivamax this year. Ano ang kaibahan ng Foursome sa mga nagawa niya before?
“Dito ho kasi, parang nabigay ko dito ang halos lahat. Kasi siyempre, sa dami na rin naman ng nagawa kong films, parang mas nadadagdagan pa,” sagot ni Robb.
“Every film na ginagawa ko, may natututunan ako na, like sa mga acting ko, ganun.
"So, parang feeling ko dito sa Foursome, parang dito ko naibigay ang lahat. Kasi sa dami ng natutunan ko sa mga past na projects ko, e.
"So, abangan po ninyo, napakagandang pelikula nung Foursome.”
Uncomfortable ba iyong foursome scenes nila nina Mark, Nico at Armina?
“Nung una, parang nagkakailangan. Although magkakakilala na naman po kami talaga. As in magkakaibigan na talaga kami,” saad ni Robb.
“Ahhmm parang ang ginawa na lang namin is nag-isip kami ng mga positions.”

Singit ni Mark, “Actually si Robb ang nag-choreo ng foursome scenes.”
Natawa si Robb, “Hahahaha! Yes po!”
Sana, after ng mga ginagawang pelikula ni Robb ay makilala na siya sa husay niya bilang artista.
GORGY RULA
Nag-suggest si Robb Guinto ng mga puwedeng gawin nila nina Mark Dionisio, Nico Locco, at Armina Alegre sa pagpo-foursome.
Pagtatapat ni Mark, “Sa mga love scenes namin, since first time ko ulit, kasi many years ago pa po nang huli akong gumawa ng sexy film, siya pa yung nagga-guide sa akin sa mga love scenes namin.”
Kumustang ka-foursome sina Nico at Armina?
Sagot ni Robb, “OK naman po. Kasi magkakaibigan naman po kasi kami. Lalo na si Nico, kasi nagkaroon na rin po kami ng movie ni Nico before.
“So, nagkasama na kami, kaya wala rin namang ilangan na naganap. Actually, mas napadali pa nga. Kasi sobrang komportable na namin sa isa’t isa.
“Wala naman din po talagang parang kumbaga ilangan na nangyari during our shoot po, lalo sa foursome.
“Dun lang siguro, yung antagal naming nakababad na nakahubad. Ayun po.”
Pag-ayon ni Mark, “Masaya po kami habang ginagawa namin. Nagtatawanan kami pagkatapos, yung ganun, even before.”
Umaatikabo ang harutan at kaldagan sa Foursome. Merong girl-to-girl, at merong man-to-man.
Nag-GL na before si Robb sa Ex-Deal 2, kaya nagbigay siya ng ideas para sa intimate scene nila ni Armina. Maayos nilang naitawid iyon.
Sabi naman ni Mark kaugnay sa halikan at romansahan nila ni Nico, “OK naman. Basta ako, ginawa ko kung ano yung hinihingi ng karakter ko, kung ano yung kailangang gawin.”
Siyanga pala, magpapaputok na sa Vivamax umpisa Disyembre 29, Biyernes, ang pelikulang Hibang nina Rica Gonzales, Ali Asistio, at Sahara Bernales, sa direksyon ni Sigrid Polon.
Buena manong pelikula ng Vivamax for 2024 ang Bedspacer, na streaming umpisa Enero 5.
Tampok dito sina Christine Bermas at Micaella Raz, sa direksiyon ni Carlo Obispo.
Maglalambing sa January 12 streaming ang Karinyo Brutal nina Apple Dy, Armani Hector, Benz Sangalang, Manang Medina, at Caira Lee, sa direksyon ng multi-awarded na si Jose Javier Reyes.
Read: Direk Joey Reyes, may aral na gustong ibahagi sa mga baguhang direktor
Maglilingkod umpisa Enero 16 ang Room Service.
Magpapainit umpisa Enero 19 ang Palipat-lipat, Papalit-palit nina Yen Durano, Andrea Garcia, John Flores, Massimo Scofield, Aila Cruz, Aira Bench, at Matt Francisco, sa direksyon ni Roman Perez Jr.
At magpapasiklab umpisa Enero 26 ang Salawahan nina Angeli Khang, Albie Casino, Sheila Snow, Van Allen Ong, at Itan Rosales, sa direksyon ni Jeffrey Hidalgo.
Read: Angeli Khang reveals case against her own father still ongoing
