Gladys Reyes wishes maka-isang anak pa si Judy Ann Santos para "it's a tie"

by PEP Troika
Jun 21, 2020
Kuntento raw si Gladys Reyes sa pagkakaroon ng apat na anak, pero ang wish niya ay magkaroon ng isa pang anak ang kumareng si Judy Ann Santos na may tatlong anak sa ngayon.
PHOTO/S: @iamgladysreyes on Instagram

GORGY RULA

Nakakatuwa ang pagkakaibigan nina Judy Ann Santos at Gladys Reyes.

Nang nakatsikahan namin si Gladys sa radio program namin sa DZRH noong nakaraang Biyernes, June 19, natanong namin ang tungkol sa bonding nila ni Juday na sa telepono na lang daw nila nagagawa o minsan ay nag-a-IG live sila.

Naalala ni Gladys noong nagkatsikahan sila sa IG live, binanggit niya na sana, madagdagan pa ng isang baby sina Judy Ann at Ryan Agoncillo para "it’s a tie" sila na may tig-apat na anak.

Sabi kasi ni Gladys, okay na sila ni Christopher Roxas sa apat nilang anak—three boys, one girl—at kung maari lang ay hindi na madagdagan para matutukan nila ang pagpapalaki.

Nabanggit daw ni Judy Ann na tila umuungot si Luna ng isa pang kapatid. Parang gusto nitong magka-baby sister.

Type yata ni Luna na maging ate.

“Parang naalala ko na parang nabanggit yata ni Juday nung nag-IG live kami, kasi, si Judy Ann din, di ba, napaka-family oriented niya, laging nakadikit ang anak niya sa kanya.

Continue reading below ↓

"Siguro, ano rin, di ba? Malaki na si Luna, malaki na si Yohan, si Lucho. Siguro, si Luna, naghahanap ng baby girl na aalagaan niya.

"Siguro kung mangyari man yun, I would be so happy for Juday. Kasi, napaka-ideal din nilang mag-asawa, sila ni Ry [Ryan Agoncillo],” pahayag ni Gladys.

Base sa pag-uusap nila ni Judy Ann, parang hindi nila kinakarir na mabuntis siya uli, pero sakaling dumating, magiging masaya sila, at tiyak si Luna ang pinaka-happy sa lahat.

“I’m sure, masaya rin ang mag-asawa kung mabibiyayaan pa sila,” sabi ni Gladys.

Samantala, parang hindi pa ready si Gladys na bumalik sa trabaho sakaling may iaalok sa kanyang project.

Hindi pa niya maisip na ma-lock in nang matagal na hindi niya makakasama ang kanyang pamilya.

Sa ngayon ay abala sila ni Christopher sa kanilang Estela restaurant sa Cainta at ang Sommereux Catering, kung saan tumatanggap sila ng order na mga pagkain at idi-deliver.

Continue reading below ↓

Busy rin siya sa paghahanda sa kanyang online acting workshop na may mga nag-enrol raw na mula pa sa ibang bansa.

“I just want to share what I have learned in my 36 years in the business, di ba? Maraming mga aspiring actors, mga aspiring actresses na baka meron akong maidagdag sa kaalaman nila.

Continue reading below ↓

"So, kung ano mang existing nilang alam. Baka kahit papaano, meron akong ma-contribute,” saad ni Gladys.

Sa mga interesadong mag-inquire sa kanyang online acting workshop, i-contact ang kapatid niyang si Janice sa 09178336976 o mag-direct message sa Instagram account na @sis_janice.

JERRY OLEA

Noong Hunyo 16, Martes ng hapon, ipinost ni Gladys sa Facebook ang tungkol sa kontrabida acting workshop niya para sa edad 13 hanggang 40.

Moment Ko ‘To ang title ng online workshop ni Gladys.

Na-overwhelm ang premyadong aktres sa pagdagsa ng suporta at pagmamahal sa kanya.

Dahil online, welcome ang mga nasa ibang bansa na lumahok.

Ipinaalala ni Gladys sa mga nag-i-inquire, ang pagsagot nila ay 8 a.m. to 12 n.n. at 1 to 5 p.m. (Philippine time).

Tuluy-tuloy pa rin ang pa-dance exercise ni Gladys sa FB!

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

Ang ganda lang na itong magkaibigang ito, bukod sa pagpapatatag ng kanilang pagkakaibigan ay laging naghahanap ng kapaki-pakinabang na pagkakaabalahan.

Habang si Gladys ay magpapa-acting workshop, si Juday naman ay nagpapaka-farmer.

Nag-set up na si Juday ng tanim sa tapat nilang lote. Nakaka-inspire lang at nakaka-relax na may update sa pagdidilig at pakikipag-usap sa mga halaman niya every day.

Nakaunang harvest na siya ng kangkong, basil, at iba pang herbs. Hintay-hintay raw si Juday sa iba pang mga gulay sa Bahay Kubo.

Mabuhay kayo, Juday at Gladys!

Continue reading below ↓

RELATED STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kuntento raw si Gladys Reyes sa pagkakaroon ng apat na anak, pero ang wish niya ay magkaroon ng isa pang anak ang kumareng si Judy Ann Santos na may tatlong anak sa ngayon.
PHOTO/S: @iamgladysreyes on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results