PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kitkat nakipagsagutan sa netizen dahil sa "may attitude" comment

“Watch ur words di moko kilala!...”
by PEP Troika
Published Mar 13, 2021
Kitkat, sinagot ang "may attitude" comment ng isang netizen. Aniya, nagka-"trauma" raw siya dahil sa "6 months akong nagtitiis sa co host ko"
PHOTO/S: @favkitkat on Instagram

JERRY OLEA

Patola si Kitkat sa isang netizen na nagsabing may attitude siya kaya hindi na siya makababalik bilang host ng Happy Time.

Nag-post kasi ang Net25 sa Facebook page nitong Marso 12, 2021, Biyernes, “Kung nanood kayo ng #HappyTime kanina, sino ang bagong makakasama nina Anjo Yllana, CJ Hirro, at Boobsie Wonderland simula Lunes, Marso 15, sa mas pinakwelang noontime show ng #NET25?”

Net25 FB Post: Happy Time new hosts

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Marami ang humula na si Dingdong Avanzado ang bagong co-host sa Happy Time. May nagsabi na sana ibalik si Kitkat.

Humirit ang isang netizen at sinabing may attitude si Kitkat kaya hindi na ito makakabalik sa noontime show ng Net25.

Matatandaang naging maingay ang isyu tungkol sa komedyana at sa dati ring co-host sa Happy Time na si Janno Gibbs.

Nag-react si Kitkat sa "may attitude" comment ng netizen nitong Marso 13, Sabado, at 1:40 p.m.

Aniya (published as), “Ako na pinagmumumura ng P.I, pinagdududuro, pinagsisigawan sa mic at harap ng marami tao at pagtapos nagtuloy ng show mag isa ako pa may attitude??? “Babae ka? Kung babae ka wag sana mangyari sayo or sa anak or pamilya mong babae.

“Kung lalaki ka naman, patol ka talaga sa babae at bata? Well Godbless... i pray na hindi nyo maranasan ang sinapit ko.

“And by the way nagtetherapy ako ngayon sa trauma na sinapit ko... 6 months akong nagtitiis sa co host ko kung di ako malakas baka nabaliw na ako ng tuluyan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Watch ur words di moko kilala!...”

FB comment: Kitkat replies to netizen may attitude accussation

Sumagot ang netizen, “un Ang news po, Sana nkabalik kapa kung wla k ksalanan watch your words also”

Paglilinaw ni Kitkat (published as is), “wala akong sinabing masama ano iwawatch ko sa words ko?? Ikaw ang nagsalita na ‘MAY ATTITUDE’ ako.

“Basa ka din ng maigi sino ang biktima. Gaya ng sabi ko marami at lahat nakita ang pangyayari and naka taped din yun and even marco sison sya mismo ang saksi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ang sinasabi ko wag ka po nagsasabi ng may attitude ang tao kung di mo kilala at di mo alam ang pangyayari.

“Pangalawa po, babae ka man or lalaki lahat ng ginawa sa akin i dont think itotolerate ng kahit sinong nasa tama ang isip... ingat po...”

FB comment: Netizen returns back words to Kitkat, Kitkat reacts

Tila nasubaybayan ng netizen ang isyu dahil alam niya ang tungkol sa posts ni Kitkat sa Facebook matapos ng pag-aayos nila ni Janno. Ang reply niya, “nangyari n NGA po un db pinag ayos n kayo pero nag post kpa Sa social media Sa tingin mo Tama un”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang pahayag ni Kitkat, “hindi po ako nagpost. Nagpatawad po ako ,,yun ang huli kong post at ipinagpaalam ko yun at pinayagan ako.... kasinungalingan lahat ng sinabi nyang nagpost pa ako after ng pinag ayos kami.... pagka ayos namin ipinaalam ko na magpopost ako ng pagpapatawad at ok na ok daw un.

“Nagwala nanaman sya nung nagpatawad ako. Di ko alam kung iba ibang words ang naiisip nya sa ‘pagpapatawad’ para magwala sya... wala na rin nakakaalam kung pano sya mag isip....

“ung huling statement ko ang basahin mo para maliwanagan ka... bakit may magnanakaw o kriminal bang umamin sa kasalanan nya? Syempre wala di ba?

“Ingat po at Godbless. Again sana di nyo maranasan ang naranasan ko.”

Kitkat brings back Janno cursing incident

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ni-repost ni Kitkat ang huling statement daw niya sa Facebook na dahilan ng pagwawala ni Janno Gibbs, “Maraming salamat sa suporta at pagmamahal ninyo..

“Dahil ako po ay minamahal ninyo at alam kong blessed ako, AKO PO AY NAKAPAG PATAWAD NA! sino ba naman ako para hindi magpatawad, ang DYOS pinatawad ako sa mga kasalanan ko , nararapat lamang na ako ay magpatawad... makakagaan sa aking buhay at loob... “Opo sa lahat ng nangyari ,,, totoo po lahat yun, pero again AKO PO AY NAGPAPATAWAD NA ... thank YOU LORD for the strength”

Noong February 22, pumutok ang balita tungkol sa pagmumura ni Janno kay Kitkat.

Nagkapatawaran sila noong February 23, pero nagpatuloy ang sagutan ng dalawa sa social media.

Sa Instagram, hindi mapigilan ni Janno ang mag-react sa Facebook post ni Kitkat kung saan sinabi niyang pinapatawad na nito ang host-singer-comedian.

Himutok ni Janno, "Pinalabas na wala siyang kasalanan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong February 24, nirepost ito ni Janno ang burado nang post ng komedyana na may petsang February 19.

Galit na galit si Kitkat sa Facebook, at isang linya niya rito ay, "Ngayon pati AKO at pamilya ko damay sa saltik mo! Di kita mapapatawad!"

Noong February 25, ibinalita ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang pagkakatanggal sa dalawa bilang hosts ng Happy Time.

NOEL FERRER

Kapag nahimasmasan si Kitkat, nasasabi niyang she’s not coming from a happy and good place now kaya niya nagagawang patulan ang comment na ito ng isang netizen. We hope she will feel better soon.

GORGY RULA

Isang kaibigan ni Kitkat ang nakatsikahan namin na nagkuwento sa aming iyak daw nang iyak ang comedienne dahil sa pagkatanggal sa Happy Time.

Pero totoo bang sinasabi raw noon ni Kitkat na gusto na rin niya talagang mag-resign sa naturang programa?

Samantala, kinumpirma sa amin ni Anjo Yllana na regular co-host na sa Happy Time si Dingdong Avanzado.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kitkat, sinagot ang "may attitude" comment ng isang netizen. Aniya, nagka-"trauma" raw siya dahil sa "6 months akong nagtitiis sa co host ko"
PHOTO/S: @favkitkat on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results