GORGY RULA
Mahigpit ang bilin sa mga nakatanggap ng “Save the Date” ng wedding nina Derek Ramsay at Ellen Adarna na sobrang confidential ang date ng kasal.
Sinubukan ng PEP Troika na kulitin ang ilang nakatanggap ng "Save the Date," pero hindi talaga sila nagbigay ng ideya kung kailan ito magaganap.
Definitely, hindi sa buwang ito ng September. Pero bago matapos ang 2021.
Ilang beses ko rin tinext si Derek, pero hindi na sumasagot dahil noon pa man ay sinasabi na niyang hindi muna nila isi-share ang ibang detalye ng kasal.
Dahil sa sitwasyon natin ngayon, limitado lang ang mga invited guests, kaya kahit ang best friend niyang si John Estrada ay hindi na umaasang maimbitahan.
Tinanong ko pa rin si John kung imbitado ba siya, at kung nakatanggap na ba siya ng "Save The Date."
Text sa akin ni John: "I don’t expect to be invited, and I’m really okay with it. I have better things to do."
Understandable kung hindi naiimbitahan sa ganung okasyon dahil mas na-prioritize ang pamilya at ang kasama sa entourage.
Pero nung naka-text ko uli si John, hindi naman daw talaga niya inaasahang maimbitahan pa siya.
Ayon kay John, nag-break lang sila sa taping ng FPJ’s Ang Probinsyano, at sa October 8 ay babalik sila ng Ilocos Sur para sa susunod na lock-in taping. Mukhang aabutin pa raw sila ng susunod na taon.
NOEL FERRER
Ito yung pagkahaba-haba man ng prusisyon, sa simbahan pa rin ang tuloy.
Congratulations, Derek and Ellen! May your union be blessed.
Ito na talaga ang pag-aayos ng inyong mga buhay na matagal ninyo ring hinintay at pinaghandaan.
May you be blessed and continue being a blessing to each other and yes, others! Aabangan natin ang kanilang susunod na kabanata!
JERRY OLEA
Siyempre, hindi invited si Andrea Torres sa wedding. What about John Lloyd Cruz?
Kung anu’t ano man, best wishes kina Ellen at Derek! Mabuhay!!!
Use these Klook promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.
