Mang Tani happy to be back sa 24 Oras, Unang Hirit

by PEP Troika
Nov 6, 2021
Mang Tani Unang Hirit
November 5, 2021 bumalik sa Kapuso program na Unang Hirit sa Nathaniel Cruz, a.k.a. Mang Tani. Kinagabihan, napanood rin siya sa 24 Oras.
PHOTO/S: PR

JERRY OLEA

Happy to be back si Mang Tani!

Balik-TV si Nathaniel "Mang Tani" Cruz nitong Biyernes, Nobyembre 5, 2021, sa 24 Oras at Unang Hirit.

Mainit ang pag-welcome ni Arnold Clavio sa Kapuso morning show, “Nagbabalik dito sa Unang Hirit ang ating na-miss, GMA resident meteorologist, Nathaniel Cruz! Sabi ko nga may LPA [Low Pressure Area], ikaw mismo yun!”

Ramdam din ang tuwa ng 24 Oras anchors na sina Mel Tiangco, Mike Enriquez, at Vicky Morales.

First time nagsama sa evening newscast si Mang Tani at ang bagong Kapuso na si Kim Atienza, na nagsabi ng, “Siyempre, hindi ko palalampasin ang pagkakataong batiin ang aking mentor sa pag-uulat panahon. Welcome back, Mang Tani!”

Buong pagpapakumbabang sagot ni Mang Tani, “Sa akin ang karangalan, ha, Kim, sa pagtuturo sa iyo. Welcome!”

Sambot ni Kuya Kim, “Hindi po ako matututo ng weather kung hindi dahil sa inyo, Mang Tani.”

Hirit ni Vicky, “Wow! Sino bang mag-aakala na magsasama-sama tayong lahat dito? Ang saya-saya!”

Continue reading below ↓

Ang ganda ng ngiti ni Mel, “Welcome back, Mang Tani, ha?! Marunong ka pa bang mag-Tagalog? E, ang tagal dun, e!”

Biro ni Vicky, “Buti, dala niyo yung amihan.”

Pag-ayon ni Mang Tani, “Oo, malamig ang panahon, ha.”

Pagbubunyag ni Mike, “Mang Tani, bumalik ka na, meron na akong kasaludo. Hindi niyo alam, mga Kapuso, ang batian namin ni Mang Tani ay saludo. Kaya para sa inyo, ngayong gabi, Mang Tani… isang espesyal na pagsaludo! Pugay-kamay!”

Nag-flying kiss si Vicky, nag-heart sign si Kuya Kim, at pumalakpak si Mel.

Kaya hindi muna napanood si Mang Tani sa TV ay dahil nagbakasyon siya sa Australia, kung saan nakabase ang kanyang pamilya.

Na-miss syempre siya ng Kapuso televiewers at mga kasama sa 24 Oras.

"Ako rin, na-miss ko kayong lahat,” sey ni Mang Tani.

GORGY RULA

Sa nakaraang mediacon ng MARS Pa More, kung saan magsisimula na si Kuya Kim sa Lunes, November 8, tinanong siya kung bakit hindi siya ang nag-uulat ng panahon sa 24 Oras.

Continue reading below ↓

Nasa Australia kasi si Mang Tani, at sa pagpasok ni Kuya Kim, ang buong akala ng lahat ay siya na ang magiging weather man ng naturang news program.

"GMA-7 has the best weather man in the country,” bulalas ni Kuya Kim.

Alam daw niyang pabalik na ng bansa si Mang Tani, kaya excited siyang makasama na ito sa iisang network.

“When I was new in ABS-CBN, he was my mentor. He taught me the basics in weather. I go to PAGASA, asking about weather stuff. GMA has the best weather man, and ang dami kong ginagawa naman,” sabi pa ni Kuya Kim.

At least, ang tagal ding nakapag-recharge ni Mang Tani, kasama ang pamilya sa Australia.

Kaya nakakatuwang kumpleto na silang napapanood sa 24 Oras.

NOEL FERRER

Parang things just fell into place kina Kim at Mang Tani. May respeto ng mga teritoryo at walang intrigahan.

At ang sipag lang talaga ng talent kong si Kim kasi bukas, nasa All-Out Sundays siya to promote his entry sa Mars Pa More.

Continue reading below ↓

And on 11/11, kasama siya sa Special na gaganapin sa Kapuso Network.

All things seem to be God appointed and are put in the right perspective at right timing. May kaayusan talaga ang lahat at kasiyahan din lalo na kung nasa TAMA ang lahat!

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
November 5, 2021 bumalik sa Kapuso program na Unang Hirit sa Nathaniel Cruz, a.k.a. Mang Tani. Kinagabihan, napanood rin siya sa 24 Oras.
PHOTO/S: PR
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results