Marian Rivera, game na makatrabaho sina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo sa GMA-7

by PEP Troika
Nov 8, 2021
marian rivera
Marian Rivera on possibility that she may work with John Lloyd Cruz or Bea Alonzo: "Ako pa ba? Kahit sino sa akin, walang masamang tinapay sa akin. Kung ano ang ibigay ng GMA. Kung sino ang i-partner nila at kasama ko, ay naku! I look forward to that."
PHOTO/S: @marianrivera Instagram

GORGY RULA

Sa darating na Sabado, Nobyembre 13, ipagdiriwang ng programang Tadhana ang ikaapat na anibersaryo nito.

Sabi ng host ng Tadhana na si Marian Rivera, nakakataba ng puso na umabot sila ng apat na taon.

Dahil na rin daw ito sa magandang kuwentong ibinabahagi ng ating mga OFW na kahit paano ay nakakapagbigay ng inspirasyon sa mga manonood.

Bahagi ng kanilang selebrasyon, espesyal ang kuwentong mapapanood sa November 13 at 20 itong episode na pinamagatang "Sa Ngalan ng Ama."

Tampok dito sina Gabby Concepcion, Eula Valdes, Thea Tolentino, at Ariella Arida.

Hindi isinasara ni Marian ang posibilidad na magkaroon pa siya ng ibang programa, o baka magka-soap siya sa GMA-7, pero pinapakiramdaman pa raw nila ng mister niyang si Dingdong Dantes sa ngayon.

Hindi raw niya kayang ma-lock-in sa taping ng halos isang buwan na mawawalay siya sa kanilang dalawang anak.

Bukas din siya sa posibilidad na masundan si Sixto, pero hindi pa raw nila pinaplanong mag-asawa.

Continue reading below ↓

"Siyempre, kapag masundan, sasabihin ko naman sa inyo. Siyempre, hindi pa. Kung ano ang ibigay ng Panginoon sa amin, tatanggapin namin ‘yan," pakli ni Marian.

Pero kung sakali ay nakahanda ba siyang mabuntis uli para sa pangatlong baby nila ni Dingdong?

"Why not? Hindi lang namin alam kung kailan. Pero talagang hoping pa ako for one last.

"Dalawa, okay sa akin. Pero kung pagpapalain na bibigyan uli ng pagkakataon, why not, di ba?" bulalas ng Kapuso Primetime Queen.

Sa ngayon ay ganun pa rin ang set-up sa taping ng spiels ni Marian para sa Tadhana. Work from home pa rin ang set-up at si Dingdong ang nagdidirek.

JERRY OLEA

Nagpapasalamat si Marian na nakapagbakasyon silang buong pamilya kamakailan lang, para may bonding moment sila at makakapaglaro sa labas ang mga bata.

Continue reading below ↓

"Siyempre, iba pa rin kapag nakaka-beach ka, alam mo yung nakikita mo ang mga anak mo na naglalaro talaga sa labas na wala kang alalahanin," lahad ni Marian.

"So, iba pa rin talaga. Kasi, ang bata ay dapat lumalabas talaga at naglalaro.

"Pero siyempre, dahil sa case natin ngayon, kung maaari, siyempre safety first muna tayo para sa mga bata.

"Siyempre, nakakatuwa na masaya na kami ni Dong kahit papano nagmu-moment moment, nagmumuni-muni kami sa mga stars and moon, mga ganun. Masaya, kahit papaano."

Sakaling puwede na siyang gumawa ng teleserye, okay sa kanyang makasama si John Lloyd Cruz o Bea Alonzo.

Si Bea ay Kapuso na simula noong Hulyo 1, habang si John Lloyd ay inaasahang sasalubunging bagong Kapuso bukas, Nobyembre 9.

"Ako pa ba? Kahit sino sa akin, walang masamang tinapay sa akin. Kung ano ang ibigay ng GMA.

"Kung sino ang i-partner nila at kasama ko, ay naku! I look forward to that," bulalas ni Marian.

Continue reading below ↓

Ang huling TV series ni Marian ay ang Super Ma’am na umere mula Setyembre 2017 hanggang Enero 2018.

Nag-backout siya sa First Yaya kaya pinalitan siya ni Sanya Lopez.

NOEL FERRER

Natanong si Marian kung ano ang mensahe niya sa ating mga OFW na apektado rin ng pandemyang hinaharap natin ngayon.

Sagot ng Kapuso actress: "Siyempre, mag-iingat sila palagi. Huwag lang sila mawalan ng pag-asa. Kakayanin natin ‘to. Lilipas din ito.

"At alam mo, mas magiging maayos tayo. Katulad ngayon, nakikita ko, nakikita na natin ang mga kababayan natin na nandun na sila. Niyayakap na nila kung anong meron tayo.

"Sabi ko nga, mas maganda siguro kung tulungan tayo. Maging positibo. Alam mo yung magtutulungan tayo sa kung ano mang hinaharap natin ngayon.

"Kasi, aminin man natin o hindi, mahirap naman talaga. Lalo na siguro ang mga taong nasa ibang bansa at hindi nila nakakasama ang pamilya nila.

"Siyempre, ang tanging magagawa natin ay ipagdasal natin sila na makaya nila at maging ligtas man sila kung nasaan man sila."

Continue reading below ↓

Mula sa dasal, aasa rin tayo ng accountability sa leaders natin na pangalagaan sila at ibigay ang nararapat na benepisyo at tulong, para naman may konsuwelo ang pagsisilbi nila sa iba at pagiging bayani ng ating bansa.

Mabuhay ang ating mga OFW at sana, patuloy pa silang pahalagahan ng mga programang tulad ng Tadhana.

HOT STORIES

Use these Lalamove promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Marian Rivera on possibility that she may work with John Lloyd Cruz or Bea Alonzo: "Ako pa ba? Kahit sino sa akin, walang masamang tinapay sa akin. Kung ano ang ibigay ng GMA. Kung sino ang i-partner nila at kasama ko, ay naku! I look forward to that."
PHOTO/S: @marianrivera Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results