PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Janella Salvador to play Valentina in Kapamilya Channel's Darna?

Darna nga ba ang TV comeback ni Janella?
by PEP Troika
Published Nov 18, 2021
Janella Salvador Valentina Darna: The TV series, Jane De Leon Darna
Ang pagiging Valentina sa Darna: The TV Series nga ba ang TV comeback ni Janella Salvador (left) matapos ang sandaling break niya sa showbiz? Jane de Leon (right), kumusta ang paghahanda bilang Darna?

JERRY OLEA

Hulyo 28, 2021 ini-announce ng ABS-CBN na e-exit na si Jane de Leon sa FPJ’s Ang Probinsyano, at maghahanda na para sa pagbibidahan niyang Darna: The TV Series.

Agosto 12, sa kaarawan ni Iza Calzado, napabalitang gaganap din siyang Darna… ang ina ni Narda. Siya ang magpapasa ng mahiwagang bato.

Mali ang akala ng mga Marites na siya ang magiging primera kontrabida sa fantaserye.

Oktubre 4 nakumpirma na ang master director na si Chito S. Roño ang magdidirek ng first two weeks ng Darna.

Oktubre 6 inihayag na si Joshua Garcia ang love interest ni Narda/Darna na si Brian, at si Zaijian Jaranilla ang nakababatang kapatid ni Narda na si Ding.

Kasama rin sa cast sina Rio Locsin, Simon Ibarra, Levi Ignacio, Richard Quan, Kiko Estrada, Joj Agpangan, Zeppi Borromeo, Mark Manicad, Marvin Yap, Dawn Chang, Tart Carlos, L.A. Santos, Yogo Singh, Young JV, at Gerard Acao.

At that time ay batid ng kumare ni Marites na si Maricon na wala pang nakukumpirmang Valentina. Bulung-bulungan na J-J-J ang casting ng Darna, Brian, at Valentina — Jane, Joshua… at Jackie Rice?!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagduda sina Marites at Maricon dahil may Kapuso series pang gagawin si Jackie, ang Artikulo 247 with Benjamin Alves (pumalit kay Rocco Nacino, na pumalit kay Derek Ramsay sa To Have and To Hold), Rhian Ramos, at Mark Herras.

Oktubre 29, nabalitaan nating si Kris Bernal na ang humalili kay Jackie sa Artikulo 247 due to health reasons.

Umugong muli ang tsika na mag-oober da bakod si Jackie, at magba-Valentina. Pero ayon sa source ni PEP Troika, hindi iyon totoo.

Nobyembre 15, Lunes, nag-first taping ang Darna: The TV series. Nang gabing iyon ay nag-tweet ang JRB Creative Production na ibubunyag na sa Nobyembre 19 kung sino si Valentina.

Nobyembre 17, Miyerkules ng gabi, ang cute ng pa-art card kaugnay sa Valentina Reveal, “Sssssssisirit na ba?”

Bukas, Biyernes ng 1:00 p.m., isisiwalat sa Facebook page at YouTube channel ng ABS-CBN Entertainment kung sino ang gaganap na Valentina.

Ang bet nina Marites at Maricon… sssssshhhh…. si Janella Salvador.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

GORGY RULA

Gumanap si Pilita Corrales na Valentina sa Darna: Ang Pagbabalik (1994) na pinagbidahan ni Anjanette Abayari.

Nasa cast din si Cherie Gil bilang Valentine. Kaya may mga nagsusulong na gumanap bilang bagong Valentine ang apo ni Pilita na si Janine Gutierrez.

Malabo na si Janine ang mag-Valentina. Bida na siya sa Kapamilya teleseryeng Marry Me, Marry You, na kasisimula pa lang ng Season 2.

Walang katapusan ang publicity ng Darna, at pinag-uusapan pa rin hanggang ngayon.

Sa tingin ko, mas swak kung si Janella na marunong namang umarte ang mag-Valentina.

Magandang comeback vehicle ito sa kanya, matapos ang teleseryeng The Killer Bride (Agosto 2019-Enero 2020) na pinagtambalan nila ni Joshua Garcia.

Ibang look na Valentina si Janella. Hindi matapang, maamo ang mukha. Kaya ibang atake itong karakter ng makabagong Valentina sa katauhan niya…

Iyan ay kung siya na nga ang napiling gaganap sa mahalagang karakter na ito.

Curious ako kung paano tatanggapin ng mga manonood ang Darna sa panahon ng social media.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

NOEL FERRER

Talaga ba? Marami pang ibang J, ha? Aside from Jackie, Janine, at Janella, nandiyan sina Jessy Mendiola, Julia Barretto, at Jane Oineza.

Pero you know what? Mahirap din tanggapin ng ibang actresses ang role dahil kailangang bagayan hindi lang in terms of ability kundi stature din ng bagong Darna na si Jane de Leon.

I don’t think Julia or Jessy will be up to that. Si Jane Oineza, alam ko, may ibang project na naka-line up.

Let’s wait and see tomorrow kung sino ang bagong babaeng ahasssssssssss…

HOT STORIES

Use these Zalora vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang pagiging Valentina sa Darna: The TV Series nga ba ang TV comeback ni Janella Salvador (left) matapos ang sandaling break niya sa showbiz? Jane de Leon (right), kumusta ang paghahanda bilang Darna?
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results