PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Janine Gutierrez meets Paulo Avelino son

Paano ile-label nina Janine at Paulo ang kanilang relasyon?
by PEP Troika
Published Jun 3, 2022
janine gutierrez paulo avelino ngayon kaya promo
Janine Gutierrez on status of relationship with Paulo Avelino: "Ako, I’m just really happy. Kasi, looking back at the film na syinut nga namin nung 2019, and seeing it now after everything else that we’ve done, parang nakakatuwa. Kasi, yung tema din ng pelikula na if things are meant to be, they’ll be — parang ganun din yung nangyari sa amin ni Pau."
PHOTO/S: T-Rex Entertainment Facebook

JERRY OLEA

Nagkita si Janine Gutierrez at ang anak nina Paulo Avelino at LJ Reyes na si Aki kamakailan sa New York, USA.

“Nilabas ko yung anak ko… pero hi-hello,” sabi ni Paulo sa mediacon ng movie nila ni Janine na Ngayon Kaya noong Hunyo 1, Miyerkules, sa Sine Pop, Cubao, Quezon City.

Paano ipinakilala ni Paulo si Janine kay Aki?

Mabilis na sumagot si Janine, “As Janine! As Janine, anak ni Lotlot… charot!”

Sambot ni Paulo, “Kasi, may kasama ring kaibigan si Janine noon, so…”

Kumusta na si Aki?

“OK naman siya. Masaya naman siya sa New York. Nakapag-adjust naman nang maayos. Masaya naman sila doon,” sambit ng premyadong aktor.

Matapos ang Kapamilya teleserye nilang Marry Me, Marry You, nakasama ang PauNine sa U.S. concert tour ni Ogie Alcasid sa California. Opportunity na siyempre iyon ni Paulo para dalawin si Aki.

Read: Paulo Avelino reunites with son Aki in New York

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

At any rate, paano na ba ile-label nina Paulo at Janine ang kanilang relasyon?

Tugon ni Paulo, “Ayos naman kami, ayos naman kami.”

Sila na ba?

“Kung gugustuhin po ni Janine, e, di… OK lang po sa akin,” safe na sagot ni Paulo.

Napabungisngis si Janine, “Kung pahihintulutan po ako. Ha! Ha! Ha!

"Ako, I’m just really happy.

“Kasi, looking back at the film na syinut nga namin nung 2019, and seeing it now after everything else that we’ve done, parang nakakatuwa.

“Kasi, yung tema din ng pelikula na if things are meant to be, they’ll be — parang ganun din yung nangyari sa amin ni Pau.

“Na nagkaserye, may mga kasunod na project, and then, parang nag-full circle na. Pati ito, maipapalabas na sa mga sinehan.”

Read: Janine Gutierrez, Paulo Avelino grilled about rumored romance

Nakatakdang ipalabas ang Ngayon Kaya sa Hunyo 22 sa local cinemas.

Idinirek ito ni Prime Cruz, at kasama sa cast sina Rio Locsin, John James Uy, Donna Carriaga, at Alwin Uytingco.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Sana nga, sana nga, ngayon na ang panahon para suportahan ng mga kababayan natin ang Pinoy movie sa sinehan. I am really praying na maraming tao ang lalabas at talagang magbababayad ng admission fee para manood ng Ngayon Kaya.

Iba na ang mode of distribution at consumption ng pelikula ngayon, pero iba pa rin talaga sa sinehan pero asahan natin na dapat event movie ang packaging nito.

Le-level ba ito sa Top Gun: Maverick, Jurassic World: Dominion, o Thor: Love and Thunder? Malay mo naman.

GORGY RULA

Sa gitna ng mga kuwentong hiwalayan ng kilalang showbiz couples, mas nakakatuwa namang pag-usapang ang sweetness overload sa panibagong relasyon ng dating magkasintahang Janine Gutierrez at Rayver Cruz.

Read: Janine Gutierrez, Rayver Cruz have not been a couple for a month now — PEP source

Okay na kung hindi man deretsahang aminin nina Janine at Paulo kung ano na talaga ang namamagitan sa kanila ngayon.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nakikita sa kanilang mga kilos at kung paano nila sagutin ang pangungulit natin sa kanila sa nakaraang presscon ng Ngayon Kaya.

Ganun din si Julie Anne San Jose na ipinapasa ang sagot kay Rayver, pero nakaiwas ang aktor sa nakaraang promo ng Bolera dahil nasa Canada siya nung araw ng mediacon.

Pero sa mga ipinapahayag nina Julie Anne at Rayver sa All-Out Sundays nung nakaraang Linggo, May 29, kailangan pa bang i-memorize iyan?

Read: Julie Anne San Jose at Rayver Cruz, kapansin-pansin ang sweetness sa All-Out Sundays

Hayaan na lang natin kung hindi pa sila ganoon ka-open sa kanilang relasyon. Pero nakikita naman sa mga ipinu-post sa kanilang social media account.

Ang pagkanta at pagsasayaw sa TikTok ang bonding nina Julie Anne at Rayver na ikinatuwa ng JulieVer fans.

Kahapon lang ay kinilig na naman ang mga supporters nila sa kuha ng dalawa bitbit ang kanilang gitara. Meron na raw silang "couple guitar" na magkaiba lang ang kulay. May pagka-orange ang kay Julie Anne, at dark brown ang kay Rayver.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa music sila nagkakasundo, kaya swak na swak ang kanilang customized guitar na ini-enjoy na nila ngayon.

Samantala, sa mga gustong mapanood pa uli ang Limitless: A Musical Trilogy ni Julie Anne, magkakaroon uli ito ng streaming nang dire-diretso na with no commercial breaks. Sa mga interesadong panoorin uli ito, puwede kayong bumili ng ticket sa website ng GMA Network.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Janine Gutierrez on status of relationship with Paulo Avelino: "Ako, I’m just really happy. Kasi, looking back at the film na syinut nga namin nung 2019, and seeing it now after everything else that we’ve done, parang nakakatuwa. Kasi, yung tema din ng pelikula na if things are meant to be, they’ll be — parang ganun din yung nangyari sa amin ni Pau."
PHOTO/S: T-Rex Entertainment Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results