MTRCB, pinag-iisipang saklawin ang online streaming platforms

by PEP Troika
6 days ago
lala sotto with pearl necklace
The MTRCB, headed by Chairperson Diorella Maria ‘Lala’ Sotto-Antonio issues a statement on its plan to expand the jurisdiction of the MTRCB to include online video streaming services under the body’s regulatory powers.
PHOTO/S: Noel Orsal

JERRY OLEA

Naglabas ng official statement ang Movie & Television Review & Classification Board (MTRCB) nitong Setyembre 23, 2022, Biyernes, kaugnay sa isyu ng pagpapalawak ng nasasakupan ng nasabing government agency.

Narito ang kabuuan ng pahayag ng MTRCB:

“On expanding the jurisdiction of the MTRCB Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson Diorella Maria ‘Lala’ Sotto-Antonio said members of the Board would weigh the pros and cons of expanding the jurisdiction of the MTRCB to include online video streaming services under the body’s regulatory powers.

“‘The matter will go through the process and will be discussed by the Board. We will assess the impact of legislators' call to expand the board's jurisdiction to cover online streaming platforms and applications and come up with a balanced and fair position,’ Sotto-Antonio said.

“Different groups, mainly concerned parents, have been asking the MTRCB to clamp down on the movies, programs, and videos shown on various online streaming platforms, some of which they claim should be subjected to regulation.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“However, various groups have countered that regulating the video streaming industry could prompt platform creators to collect or increase subscription fees to the detriment of their users. The MTRCB was created under PD 1986. It was tasked to review and classify movie and television content prior to public airing.

“‘We will balance all the concerns raised by various groups. I assure the public that the MTRCB shares everyone’s desire to ensure that children are not exposed to content that is not appropriate for their age,’ Sotto-Antonio said.”

mtrcb statement

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ilang taon nang isyu ang papel ng MTRCB kaugnay sa napapanood online — bago pa man lumaganap ang COVID-19 pandemic.

Hinarap ni dating MTRCB Chair Rachel Arenas ang isyu kaugnay sa Netflix pagkaupo niya sa puwesto noong 2017.

Sa Netflix Philippines ay may setting na para sa Kids.

Enero 2021 nang mag-umpisa ang Vivamax. Rumatsada ang mga bagong erotikong pelikula rito na nag-uumpisang ipalabas kung Biyernes, maging ang mga nakakapag-init na serye na may bagong episode tuwing Linggo.

Bago pumanaw ang dating MTRCB Chairman Manoling Morato ay nanindigan itong sakop ng MTRCB ang mga online streaming platforms. Ikinahiya noon ni Chairman Manoling ang titulong Revirginized na pelikula ni Megastar Sharon Cuneta.

Agosto 6, 2021 nag-umpisang mag-streaming sa Vivamax ang Revirginized, kung saan leading man ni Sharon si Marco Gumabao.

Ipinagmamalaki ng Vivamax noong nakaraang buwan na mahigit 4M na ang kanilang subscribers worldwide, kabilang ang Pilipinas, US, Canada, UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, Qatar, Hong Kong, Japan, Malaysia, and Singapore, Indonesia, Thailand, South Korea, Taiwan, Brunei, Macao, Vietnam, Maldives, Australia, New Zealand, at Europe.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong Agosto 8 ay nag-umpisa na ang AQ Prime ng streaming, at agad rumatsada ang erotic films nilang Bingwit, Adonis X, at La Traidora. Pero matatagalan pa bago makahabol ang AQ Prime sa Vivamax kumpara sa paghahatid ng mga mapangahas na palabas, at bilang ng subscribers.

Iyong Upstream na pinagpalabasan ng online edition ng Metro Manila Film Festival (MMFF) 2020 ay hindi naka-take off. Mahihina ang online festival entries at agad napirata. Kumalat agad ang mga kopya sa Facebook, Messenger, at Telegram.

NOEL FERRER

Katuwang ang MTRCB dapat sa pagtulong mapaunlad ang industriya ng telebisyon at pelikula. Naniniwala ako na sa puntong ito, puwede na tayong magkaroon ng self-regulation sana.

Mas concern ko ngayon ang mga tanong ng mga estudyanteng nakaabot sa atin kung ano ang nangyari sa pagpapalabas ng pelikulang Liway sa Pasay noong Setyembre 21, Miyerkules, at ang pagre-require daw ng MTRCB permits sa mga pelikulang ipapalabas sa eskuwelahan noong araw na yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dumaan tayo sa kolehiyo at malaya nating napapanood ang mga pelikulang nabanggit sa pamantasan. Pero ano kayang nangyari at nagkaroon ng pagpapaalala na may kautusan daw para sa mga pelikulang ipinalabas noong Setyembre 21 na ika-50 anibersaryo ng deklarasyon ng martial law sa Pilipinas?

Sana, hindi na tayo bumalik sa dating pakikipagbuno sa MTRCB kung kailangan nating mas maging maunlad at malaya pa ang sining.

GORGY RULA

Mahabang talakayin, pagpapalitan ng opinyon at masusing pag-aaral ang usaping ito.

Hindi lang naman ang Pilipinas ang pinagmulan ng mga streaming app. Kahit ang YouTube ay hindi lang sa Pilipinas, kundi sa buong mundo.

Wala na sa jurisdiction ng MTRCB ang mga streaming app na ito na galing sa ibang bansa. Katulad ng Netflix.

Ang pagkakaalam ko, wala namang Netflix Philippines, kundi sa buong Asia o worldwide. Paano ito kokontrolin ng naturang ahensya?

Napag-usapan na ito bago mag-eleksyon, nung nasa ilalim pa ito ng chairmanship ni Cong. Rachel Arenas, pero karamihan ay bumatikos sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero sinabi namang tinitimbang pa muna nila kaya mas mabuting pag-aralan at sana, maganda ang kalalabasan para sa taumbayan.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The MTRCB, headed by Chairperson Diorella Maria ‘Lala’ Sotto-Antonio issues a statement on its plan to expand the jurisdiction of the MTRCB to include online video streaming services under the body’s regulatory powers.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results