JERRY OLEA
Sex sells.
Napatunayan muli iyan sa mga palabas ng streaming platform na Vivamax.
Sa nakaraang apat na weekend, kasama ang Eva at Palitan sa Top 7 content of the week ng Vivamax, na tinagurian ng beteranong manunulat na si Mario Bautista bilang "Tahanan ng mga Makasalanang Pelikula."
Iyong Palitan nina Cara Gonzales, Luis Hontiveros, Jela Cuenca, at Rash Flores, na idinirek ni Brillante Mendoza, ay nag-streaming sa Vivamax umpisa Disyembre 10, kasabay ang Dulo nina Barbie Imperial at Diego Loyzaga, na idinirek ni Fifth Solomon.

Cara Gonzales and Jela Cuenca in Palitan
Iyon namang Eva nina Angeli Khang, Sab Aggabao, Ivan Padilla, at Marco Gomez, na idinirek ni Jeffrey Hidalgo, ay nag-streaming umpisa Disyembre 24, kasabay ang Mang Jose nina Janno Gibbs at Manilyn Reynes, na idinirek ni Rayn Brizuela.

Angeli Khang and Sab Aggabao in Eva
Sa nakaraang apat na linggo, ligwak na pareho sa Top 10 ang Dulo at Mang Jose.
Parehong may tunggrilan ang Palitan at Eva. As in hiyas sa hiyas, katuray sa katuray.
Opening salvo sana ng Vivamax for 2022 ang GL series na Lulu nina Rhen Escaño at Rita Martinez, sa direksiyon ni Sigrid Andrea Bernardo.
Read: Pinoy Sexy Movies 2023: Who are the new Vivamax Queens and Los Hubaderos?

Rita Martinez and Rhen Escaño in Lulu
Nalipat sa Enero 21 ang streaming ng Lulu, kasabay ang Reroute nina Cindy Miranda, John Arcilla, Sid Lucero, at Nathalie Hart, sa direksiyon ni Lawrence Fajardo.

Cindy Miranda and Sid Lucero in Reroute
Kapagkuwan ay nalipat sa Enero 23 ang umpisa ng streaming ng Lulu.
Ang naging opening salvo ng Vivamax for 2022 ay ang Siklo nina Vince Rillon, Christine Bermas, Ayanna Misola, at Joko Diaz, sa direksyon ni Roman Perez Jr., na nag-streaming noong Enero 7.

Christine Bermas and Vince Rillon in Siklo
Noong Enero 14, Biyernes, ay streaming na ang Hugas nina AJ Raval, Sean de Guzman, Cara Gonzales, at Joko Diaz, sa direksiyon muli ni Roman Perez Jr.
Originally ay Enero 28 pa sana ang streaming nito. Pinag-usapan ang carwash scene dito nina AJ at Sean.

AJ Raval and Sean de Guzman in Hugas
Sa dinami-dami ng mga hubadera ng Vivamax, lutang ang alindog ni AJ Raval.
Sa Enero 28, sabay ang Vivamax streaming ng Deception nina Claudine Barretto at Mark Anthony Fernandez, at Silip sa Apoy nina Angeli Khang, Jela Cuenca, Sid Lucero, Paolo Gumabao at Dexter Doria.

Mark Anthony Fernandez and Claudine Barretto in Deception
Ang Deception ay idinirek ni Joel Lamangan, samantalang ang Silip sa Apoy ay idinirek ni Mac Alejandre.

Angeli Khang and Sid Lucero on Silip Sa Apoy
Ang BL movie na Sisid nina Vince Rillon, Paolo Gumabao, Kylie Verzosa, at Christine Bermas, na idinirek ni Brillante Mendoza, ay nag-premiere noong Enero 18, Martes ng 7:00 p.m., sa Vivamax Plus. Ang bayad sa Vivamax Plus ay hindi sakop ng subscription fee ng Vivamax.

Vince Rillon and Paolo Gumabao in Sisid
Sa buwan ng mga puso ay meron pa ring mapupusok na pelikula ang Vivamax.
Nakatakdang mag-streaming sa Pebrero 4 ang Kinsenas, Katapusan nina Ayanna Misola, Jamilla Obispo, Angela Moreno, at Joko Diaz, sa direksiyon ni GB Sampedro.

Joko Diaz and Ayanna Misola in Kinsenas Katapusan
Sa Pebrero 11 naman ang The Wife nina Louise de los Reyes, Diego Loyzaga, at Cara Gonzales, sa panulat at direksyon ni Denise O’Hara.

Mabenta ngayong 2022 si Joko Diaz, na tampok sa mga pelikulang Siklo (Enero 7), Hugas (Enero 14), at Kinsenas, Katapusan (Pebrero 4).
Back-to-back ang movies directed by Roman Perez Jr.: Siklo (Enero 7) at Hugas (Enero 14).
Back-to-back din ang pelikulang tampok si Sid Lucero: Reroute (Enero 21) at Silip sa Apoy (Enero 28).
Take note na ang pinaka-prolific na director ng Vivamax noong 2021 ay si Darryl Yap. Ano kaya ang next film niya? Kailan kaya ang streaming nito?
GORGY RULA
Nasilip ko ang ibang pelikulang ipinalabas sa Vivamax, at ito na yata talaga ang image ng digital platform na ito.
Huwag ka nang maghanap ng matinong kuwento. Ang ibinebenta naman dito ay magagandang babae, at matitipunong lalaki ang napapanood natin.
Sa totoo lang, magaganda at sexy ang mga inilunsad ng Viva sa pelikulang ito. Nag-succeed sila kay AJ Raval, at baka ma-achieve din ito nina Angeli Khang, Ayanna Misola, Christine Bermas, Cara Gonzales, at marami pa.
Maganda at sexy sana si Cindy Miranda, pero nakakabanas talaga ang pag-arte niya.
Medyo okay pa si Rhen Escaño, may lalim siya kung umarte at nakipaglaban naman siya sa aktingan kay Lovi Poe sa The Other Wife.
Sana ma-workshop pa sila para hindi lang sa hubaran at halinghing sila mag-excel.
Kung sa ganung klaseng pelikula sila magsisimula, okay na yun. Pero sana, sa susunod na pelikulang gagawin nila, may makita naman tayong improvement.
Marami pa tayong aabangan sa Vivamax. Sabi nga, dyingle lang ang pahinga ng promo ng 'sangkatutak na mga pelikulang ipinapalabas sa Vivamax.
NOEL FERRER
So now, we know that sex sells.
Pero ang tanong ko, ngayong pandemya, is this what we need?
Sana lang, may pagbabalanse ng lahat… yung kumita at yung kailangan natin bilang mga Pilipinong nasa gitna ng pandemya at eleksyon.
