GORGY RULA
Balik-live ang All-Out Sundays ngayong Linggo, Oktubre 2, 2022, at excited ang halos lahat ng mga Kapuso stars na regular sa Sunday musical-variety show na ito ng GMA-7.
Parang ang tagal-tagal kasi nilang hindi nagkita dahil naging abala silang lahat sa iba’t ibang trabaho.
Ngayon lang babalik ang magaling na Kapuso Soul Balladeer na si Garrett Bolden pagkatapos ng performance niya sa Miss Saigon sa Guam.
Most-applauded si Garrett sa Miss Saigon kung saan gumanap siya bilang John Thomas.
Marami ngang nagsasabi sa kanyang magpaiwan at i-try rin ang ibang musicals, pero magsisimula na siyang mag-record ng bago niyang single, at mas gusto niyang bumalik sa AOS.
“I’ll start recording for my next single, and I’m also going back to All-Out Sundays this October.
"And if given a chance, I would like to audition and try other musicals or theater plays here and abroad,” pakli ni Garret nung katatapos lang niyang gawin ang Miss Saigon.
Ang isa pang abangan sa AOS ngayong araw ay ang hot musical number ng rumored sweethearts na sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz.
Na-enjoy nila nang husto ang maikling bakasyon nila sa Los Angeles, California pagtapos ng successful Together Again concert ng GMA Pinoy TV.
May pakilig din ang MavLine loveteam nina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara.
At tingnan natin kung swak din sina Jillian Ward at Andre Paras sa "Tune Pak na Pak" segment, na ihu-host sana nina Sanya Lopez at Ken Chan. Kasama nilang maglaro ang mag-bestie na Carla Abellana at Max Collins.
Kinarir din ng mga biriterang sina Julie Anne, Thea Astley, Hanna Priscillas, Marian Osabel, Jennifer Maravilla, at Aicelle Santos ang kanilang Queendom.
Bentang-benta si Rufa Mae Qunto sa musical comedy segment nila, kaya balik siya uli sa bagong kuwento ng GG Girls kasama sina Tuesday Vargas, Elle Villanueva, Kristoffer Martin, Matt Lozano, at Pekto Nacua.
NOEL FERRER
Good at nagle-level up din ang All-Out Sundays especially since it enjoys the wide audience. Sana rin, para totoong world-class, AOS can conquer the world stage at maging international na rin ang standards at makuhang mag-tour tulad ng sa ASAP sa Asia Pacific, Europe, Middle East, North America, and soon sa City of Dreams, Las Vegas!
Ang ganda lang kung nagle-level up lahat… dahil kapag ganito, ang audience ang panalo!!!
JERRY OLEA
Puwedeng maki-sing along kasama si Moira dela Torre, tampok ang kanyang bagong single na "Babalik Sa Yo" sa ASAP Natin ‘To ngayong Linggo ng tanghali sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.
Biritan to the max sa '90s ang kantahang handog nina Zsa Zsa Padilla at Regine Velasquez, kasama sina Anji Salvacion, Alexa Ilacad, Belle Mariano, at Maymay Entrata.
Payanig ang panibagong collab nina Morissette at Bamboo, habang may mainit-init na rockoustic treat ang heartthrobs na sina KD Estrada at Kice.
Magpapasiklab sina Enchong Dee, AC Bonifacio, Francine Diaz, Chie Filomeno, Janine Berdin, Sheena Belarmino, Joao Constancia, Jameson Blake, Jeremy G, Jin Macapagal, MNL48, Manoeuvres Ignite, at Robi Domingo.
Bilang selebrasyon sa kanyang ika-35 taon sa showbiz, makiki-jamming ang acoustic icon na si Ice Seguerra kina Martin Nievera, Ogie Alcasid, Darren, at ang Idol PH Season 2 finalists na sina Bryan, Ann Raniel, Ryssi, at Drei.
May welcome paandar ang stars ng Tara, G! na sina Vivoree Esclito, Kaori Oinuma, Daniella Stranner, Anthony Jennings, JC Alcantara, CJ Salonga, at Zach Castañeda kasabay ang The Juans.
A la diyosa sa paghataw ang ASAP dance royalty na si Kim Chiu kasama ang D'Grind.
Abangan din ang P-Pop pasabog ng BINI, kasama ang Pinoy rapper na si Kritiko.
Andiyan din ang good vibes showdown nina Gary Valenciano, Martin Nievera, Zsa Zsa Padilla, Erik Santos, Ogie Alcasid, at Regine Velasquez, kasama sina Khimo Gumatay, JM Yosures, Klarisse de Guzman, Jason Dy, Laine, at Jed Madela.
